Kuh Ledesma on Charice’s revelation: "It is best na yung mga ganoong bagay, hindi muna sabihin."

Naniniwala ang Pop Diva na si Kuh Ledesma na maaari pang magbago ang kagustuhan ni Charice sa kabila ng pag-amin nitong siya ay tomboy. Sabi ni Kuh, "Kasi alam mo, ang haba na ng narating niya. At saka sa Pilipinas, binigyan siya ng pagkakataon to represent the country. Right now, yun ang desire niya—puwedeng magbago one day. Sabi ko nga, ang tao nagbabago, lalo na ang mga Pilipino, mapagpatawad. Pero pumunta ka sa tamang landas."


Balik-telebisyon ang singer na si Kuh Ledesma sa upcoming primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Nakumbinsi si Kuh na magbalik sa telebisyon dahil nami-miss daw niya ang pag-arte na malaking challenge para sa kanya.

Huli siyang napanood sa Kapuso primetime series na Endless Love noong 2010. Pinagbidahan ito nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pero sa presscon ng My Husband’s Lover sa Studio 7 ng GMA Network kanina, June 4, ang tungkol sa pagtatapat ni Charice na tomboy ito ang itinanong ng entertainment press kay Kuh.

KUH’S PRAYER. Alam daw ni Kuh na hihingin ng mga reporter ang opinyon niya kaya nagdasal siya na tulungan ng Diyos sa pagsagot.

Nabanggit din ni Kuh ang pangalan ng theater actress na si Monique Wilson, na unang umamin tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation.

Pahayag ni Kuh, "Sabi ko nga, ’Lord, help me sa tanong na ’yan.’

"Sabi nga sa Bibliya, kapag nag-iisip tayo na gumawa ng isang hakbang na seryoso... which I think telling your sexuality in national television is a very serious thing.

"Hindi ko alam kung matatanggap ng buong Pilipinas yung sinabi ni Charice o ni Monique, pero para sa akin, kailangan makinig tayo sa advice ng tao na wiser than us.

"And the Bible says when you do something serious like that, when you have a decision to make, kailangan makinig ka sa maraming wise na tao.

"Wise council, marami, hindi lang isa."

Dagdag pa ng tinaguriang Pop Diva, "At saka sabi rin ng Bible, makinig ka sa lahat ng bagay sa magulang mo.

"Kaya para sa akin, para kay Charice, makinig siya sa magulang niya.

"Ang importante, you have to inspire the youth and the people the right thing.

"Pakinggan mo ang magulang mo.

"Para sa akin, siguro sinabi ng magulang niya, ’Huwag mo nang sabihin ’yon,’ di ba? Is she living a lie porke sinabi niya ’yan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede tayong magbago, di ba?

"I will pray for Charice."

SHE CAN STILL CHANGE. Ipinaliwanag ni Kuh ang kanyang pahayag tungkol sa pagbabago.

Saad niya, "Kasi alam mo, ang haba na ng narating niya. At saka sa Pilipinas, binigyan siya ng pagkakataon to represent the country.

"Right now, yun ang desire niya—puwedeng magbago one day.

"Sabi ko nga, ang tao nagbabago, lalo na ang mga Pilipino, mapagpatawad. Pero pumunta ka sa tamang landas."

"No comment" naman ang unang sagot ni Kuh nang tanungin tungkol sa payo na maibibigay niya sa 21-year-old singer.

Pero kung sakali raw hingin ni Charice ang kanyang tulong, sasabihin niya na huwag muna itong magsalita.

"Sasabihin ko sa kanya, it is best na yung mga ganoong bagay, hindi muna sabihin.

"Kasi ako, I’m a very private person.

"Kahit noong naghiwalay na kami ng asawa ko, gusto ko na sanang ilantad sa TV, pero pinigil ko yung sarili ko kasi maraming masasaktan."

Ang tinutukoy ni Kuh ay ang dati niyang asawa na si Louie Gonzalez, apo ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

Patuloy pa ng veteran singer, "Para sa akin, yung ina niya, baka nasaktan.

"Dapat hindi mo iisipin lang ang sarili mo.

"The key para sa akin, sundin mo ang Diyos. Follow your parents in everything.

"At saka ito yung command na may promise, ha... the first command with a promise.

"Sabing ganoon, ’Follow your parents in everything, so that He will bless you...’"

LESBIAN RUMOR. Naungkat din ang usap-usapan noon tungkol sa sekswalidad ni Kuh.

Pagbabalik-tanaw niya, "The last time I was asked of that, kung lesbian ako, sinabi ko na bibigyan ko ng... sabi ko yata two million [pesos], kung sinong makaka-prove na ako ay gay.

"Kasi it doesn’t disturb me ’cause I’m not.

"Doon ko na-realize na ang tsismis pala, puwedeng hindi totoo. Talagang tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi I was very close, you know, I’m very close to Monique. So noong magkaibigan kami, itsinitsismis kami.

"Noong nagtrabaho naman ako with Regine [Velasquez], itsinismis din kami.

"Sabagay, sabi ko, at least hindi mga pangit ang inili-link sa akin."

Ipinagtapat ni Kuh na malaki ang ipinagbago ng mga kanyang mga pananaw sa buhay mula nang makilala niya ang Panginoon, thirteen years ago. Dumaan daw siya sa mga struggle bago niya na-overcome ang lahat ng pagsubok.

Sa kasalukuyan, tumutulong si Kuh sa mga tao na may mga problema sa relasyon.

"Ngayon, because I’m in ministry, I help people who are about to break up, or nag-break up.

"So, sinasabi ko yung experience ko bakit nag-break up kami.

"Kasi ako meron din akong kailangang baguhin sa sarili ko, hindi lamang ang naging asawa ko," pahayag ni Kuh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN