Charice understands mom Raquel Pempengco’s feeling as a mom; overwhelmed by positive reaction from international media

Ilang araw pagkatapos niyang ilantad ang kanyang tunay na katauhan, muling humarap sa media si Charice upang sagutin ang mga katanungan kaugnay ng nilikhang ingay ng kanyang pag-amin sa publiko.


Inaasahan na raw ni Charice na hindi lahat ay magiging positibo ang magiging pagtanggap sa kanyang pag-amin na isa siyang tomboy.

Ginawa ng international singing sensation ang kanyang pagka-"come out" sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na pinalabas noong Linggo, June 2.

(Read: Charice: Opo, tomboy po ako.")

Sabi ni Charice, “Kasi before ko naman ginawa yung interview na yun, in-expect ko na hindi lahat magiging positive.

"I think, sa mga negative, let’s just move on.

"I wanted to tell everyone the truth, and now I’m free, now I feel the peace.

"So, let’s just all move on… abangan na lang yung bagong chapter, yung bagong beginning na gagawin ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Charice sa launch ng OMG Philippines Awards 2013 sa Urban Bar and Resto, The Fort, Bonifacio Global City sa Taguig kahapon, June 4.



IT’S THEIR DECISION. Dahil sa kanyang pag-amin, may mga nagsasabing dapat lumantad na rin ang ibang mga taga-showbiz na hindi at peace sa kanilang sekswalidad. Ano ang masasabi ni Charice dito?

“Kasi po, yung ginawa ko, hindi naman ibig sabihin na sumunod sila sa akin.

"Ang sa akin po kasi, ginawa ko yun dahil yun ang napi-feel ko na yun na ang right time.

“So, para po sa akin, pag dumating yung time na ready na sila, doon na sila makakakuha ng lakas ng loob sabihin.

“Nasa kanila na yun, desisyon na nila.

"Para sa akin, kung desidido ka na, ready ka, at sobra nang lakas ng loob mo, risky, pero iba yung feeling.”



MOMMY RAQUEL. Inamin din ni Charice na hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang ina na si Raquel Pempengco pagkatapos niyang aminin sa publiko ang kanyang pagiging tomboy.

“Ngayon po kasi, hindi pa po kami nagkakausap and I know naman na hindi pa okey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero eventually, I know everything will be okay… pray na lang.”

Kung hindi ba siya umalis sa bahay nila ng mommy niya ay mahihirapan siyang mag-come out?

Sagot ng 21-year-old singer, “Sa totoo lang po, siguro.

"Sa totoo lang po, isa po sa dahilan kung bakit ako umalis kasi medyo yung communication po namin ni Mommy that time, medyo mahirap.

"Kasi hindi pa naman nila totally accepted.

“So, I must say na hindi naman po ako umalis dahil ayaw ko sa kanila, hindi ako umalis dahil ayaw ko sa bahay.

"Siguro, ginawa ko po yun dahil kailangan.

“Kung hindi ko ginawa yun, hindi ko magagawa ito.”



CHARICE UNDERSTANDS. Samantala, idinaan ni Raquel ang kanyang pahayag para kay Charice sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na inilabas ng PEP kahapon, June 4.

Ayon kay Raquel, hahayaan na niya si Charice na gawin ang gusto niya ngunit pakiusap nito ay huwag tanggalin ang kanyang karapatan bilang ina.

(Read: Raquel Pempengco gives Charice the freedom she wants)

Ano ang masasabi ni Charice tungkol dito?

“Let’s just understand. She’s a mom and nasasaktan siya.

"Siguro, ibigay na lang natin sa kanya yung time," sagot niya.

Paglilinaw pa ni Charice sa usapin sa kanilang mag-ina, “Hindi ko pa siya nakakausap after nung mga interviews ko.

"Pero bago ko po ginawa ito, nag-i-emal kami sa isa’t isa.

"Sabi niya, ’God bless you.’ At sabi ko sa kanya, ’I love you.’

“I know na nasasaktan po siya nang sobra, pero naiintindihan ko po yun.”

Maging ang kanyang kapatid na si Carl ay hindi pa raw niya nakakausap.

Pero nagpahayag naman daw ng suporta ang pamilya ni Charice na kapag nagkaroon ng masamang ng epekto sa kanyang career ang ginawa niyang paglalantad, tatanggapin pa raw siya nang buung-buo ng mga ito.

Sabi ni Charice tungkol dito, “Opo naman. I know naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po yung napi-feel niya kasi, parang [natatakot] and we have to understand that.

“Hindi naman bukas okay na siya. For sure, it might take years or… masu-surprise ako kung months lang.

"Pero matagal pa talaga.”

Hindi ba naghinala ang kanyang ina tungkol sa pagiging lesbian niya noong bata-bata pa siya?

Sabi ni Charice, “Nagkaroon po. Hindi lang po niya in-entertain.”

Tinitiyak naman ni Charice na hindi mapipigtal ang pagiging ina ng mommy niya sa kanya.

“Hindi ko naman po kinakalimutan yun.

"Again, kailangan lang po nating intindihin yung nararamdaman niya. Kasi nasasaktan po siya.

“Kung ako sobrang masasaktan ako, makakapagsalita rin po ako ng mga ganung bagay na hindi ko naman mini-mean.

“Alam ko, as a daughter, kilala ko siya, nanay ko siya, alam kong nasasaktan siya.”

Maging ang kanyang ninong na si Robert Ybera ay hindi rin pumabor sa kanyang paglalantad. Sinabi nitong sana raw ay hindi na lang muna siya umamin dahil malaki ang mawawala sa kanya.

(Read: Charice’s ninong Robert Ybera says singer will lose almost "100 million" after coming out)

Sabi ni Charice, “I think they’re not reading tweets, they’re not watching TV, and they don’t know what’s happening.

"He doesn’t know what’s been happening.”

Ang ibig sabihin ni Charice ay tanggap ng karamihan ang kanyang pag-amin at tuloy pa rin ang kanyang international career.



INTERNATIONAL COVERAGE. Hindi lamang sa Pilipinas naging malaking balita ang paglantad ni Charice sa tunay niyang katauhan kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo—patunay na nakagawa na talaga siya ng pangalan sa international music scene.

(Read: Charice’s coming out makes it to international news headlines)

Ano ang pakiramdam niya dito?

Napangiti muna nang husto si Charice bago sumagot.

Aniya, “Sobrang thankful... thankful talaga ako.

"As in, alam ko na maraming magkakaroon ng negative [reaction]. Pero so far, yung mga ini-expect ko, yung mga iniiisip na sana maging positive sana...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ABC News, Ryan Seacrest, everyone, thankful ako...

"Billboard, Entertainment Tonight, hindi ko ini-expect, pero sobrang ano po talaga.”

Paano nakarating sa kanya ang feedback mula sa Amerika at iba’t ibang bansa?

Sabi ni Charice, “Kasi po yung mga fans, tinu-tweet po nila sa akin yung mga links.

"Like, twenty minutes ago, nakuha ko nga po yung ABC News na inilabas na rin po nila.

“I wanna give shout out to my friend Perez Hilton kasi ano, e, isa pa ’yan sa mga sobrang supportive. Thankful ako na talagang nandiyan siya.”

Ano ang mensahe sa kanya ng Hollywood blogger na si Perez Hilton?

“Actually nasa website po niya, e. Basta, ang pinaka-big word na sinasabi lang po nila sa akin na ’proud,’ proud po sila.”

May nag-text ba sa kanya o nagpahatid ng balita tungkol naman sa reaction nina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres, na siyang mga nakadiskubre sa kanya sa U.S.?

“Yung executive po ng Oprah, nag-email po sa akin na proud po silang lahat.

“Alam n’yo po yung... parang lutang ako, e,” deskripsiyon ni Charice sa nararamdaman niyang kasiyahan ngayon dahil sa suporta na natatanggap niya mula sa mga kaibigan at kakilala.

Nagkausap na ba sila ni Oprah, na ninang din niya?

“Hindi pa po kami nagkakausap.

"Hindi ko pa rin po nakakausap si Sir David [Foster], like, personally.

“Probably when I come back there po, lahat po magkakaroon ng meeting.

“At least ngayon, mas malinaw sa Team Charice sa U.S. kung sino ang ima-market nila at kung paano gagawin.”



CHANGE OF PLANS. Isiniwalat din ni Charice na sa abroad o sa U.S. niya unang binalak na mag-come out. Specifically sa programa ni Ellen DeGeneres, kung saan una siyang lumabas pagakatapos maging viral ng kanyang videos sa YouTube.

“Opo... kasi dapat po, later on pa po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi talagang pinag-isipan ko po talaga. As in couple of weeks, inisip ko po talaga.

“Pero hindi, e, kasi I owe it to the Filipinos.

"Kasi parang... kung yung iba hindi ma-appreciate, pero dito [sa Pilipinas] po nag-umpisa. Hindi ako madi-discover kung hindi dahil dito.

“So, in-expect ko na na kahit ano’ng maging reaction nila—negative or positive—sa kanila ko unang sasabihin, sa kanila ako magiging honest, sasabihin ko ang nararamdaman ko," pagtukoy ni Charice sa kanyang mga kababayan.

Bakit kay Ellen at hindi kay Oprah niya inisip na magpa-interview at ilabas ang tunay niyang sekswalidad?

“Kasi po… siyempre, she’s Ellen,” maikli niyang tugon, na parang ang ibig niyang sabihin ay dahil pareho sila ng sekswalidad.



ALYSSA QUIJANO. Nang mabanggit naman ang sinasabing kasintahan nito ngayon na si Alyssa Quijano, napangiti nang todo si Charice na parang kinikilig.

Ngayong nag-come out na siya, handa na rin ba si Charice na ipangalandakan sa mundo ang kanyang girlfriend?

Sagot niya, “Actually, ilang beses ko siyang tinanong, ’Ready ka ba? Ready ka ba? Ready ka ba?’ Mga ganyan-ganyan.

"Sabi niya sa akin, ready raw siya.

“Pero hindi ko naman ipapakita na ganyan-ganyan.

"Kung makikita siya, e, di makikita siya. Pero hindi kami na ilalantad namin sa lahat.”

Naayos na ba nila ni Alyssa ang problema nila sa mga magulang nito?

“Siyempre po, hindi naman po kaagad yun masi-settle dahil alam ko po na deep inside, meron pa ring pong problema.

"Pero at least, I must say na it’s getting better.

“And again, sabi ko nga po, kilala ko po yung family niya and they’re amazing and they have an amazing daughter.

“So, doon lang ako sa positive and I know everything will be okay.”

Tanggap ba siya ng pamilya ni Alyssa?

“I’m not gonna say no, I’m not gonna say yes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero masasabi bang papunta na sila doon sa matatanggap na sila ng pamilya ni Alyssa?

“We’re gonna get there, we’re gonna get there,” sagot ni Charice.

Ano ang nararamdaman ni Charice kapag nakikita niya ang mga pictures niya dati na naka-high heels, naka-mini skirt, at naka-makeup?

“Natatawa po ako,” nakangiti niyang sagot

“Hindi, kasi parang... hindi ko na lang... hindi ko nire-regret.

"Wala po akong nire-regret sa mga isinuot ko dati, sa mga kilos ko dati.

"Inisip ko na lang na challenge na lang yung lahat na kailangan kong gawin lahat yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN