Carla Abellana prefers to be cheated with another woman than with a man

Bagamat kontrobersiyal at maselan ang tema ng bagong primetime series ni Carla Abellana na My Husband’s Lover, umaasa ang aktres na tatanggapin ito ng mga manonood. Sabi ni Carla, “Honestly, I’m nervous, pero kahit paano, there’s this belief na makukuha namin ang mga puso ng tao. Nag-a-assume ako. Sana… I pray for that every night. I have worries, but hindi naman... I’m confident naman.”


Pagkatapos ng siyam na buwan ay muling mapapanood sa isang primetime series ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Tampok siya sa My Husband’s Lover kasama sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Ayon kay Carla, "worth the wait" ang bago niyang teleserye sa GMA-7.

“Worth the wait, grabe!

"Kesa naman na binigyan lang nila ako ng something na, ’O, sige, eto na lang, Carla.’ Mas gusto ko namang maghintay na lang for something as beautiful as this.

"At least, alam ko na pinag-isipan nila nang mabuti. Hindi sila nagbigay nang basta-basta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng My Husband’s Lover kagabi, June 4, sa Studio 7 ng GMA Network.

Hindi naman siya nawalan ng pag-asa sa loob ng siyam na buwan?

Nakangiting sabi ni Carla, “Hindi naman, hindi ko naman naramdaman na ganoon siya katagal because I was busy with other things.

"I’m busy with my endorsement. May Bubble Gang naman ako, may Party Pilipinas...

"Tapos kahit paano, nangampanya pa during election period.

“Nakapag-Pinoy TV pa, so ang daming pumapasok.

"So, hindi naman ako nabakante or na-bore nang sobra.”

Magiging bahagi rin ba siya ng bagong musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars?

“The new one? I think so, nagsabi naman na po sila.”



WHEN A MAN LOVES A MAN. Sa My Husband’s Lover, ginagampanan ni Carla ang papel ni Lally, isang maybahay na nahuling may karelasyon ang kanyang mister—hindi sa isang babae kung hindi sa kapwa nito lalaki.

Naitanong tuloy kay Carla kung sa totoong buhay ba ay na-in love na siya sa bakla o nadiskubre niyang bading pala noong sila na.

“Wala pa naman, hindi pa naman ho ako nai-in love sa isang...” putol niya sa kanyang tugon.

Paano kung mangyari sa kanya sa totoong buhay ang papel na ginagampanan niya sa My Husband’s Lover?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, I’ll be heartbroken. I’d rather him cheat with me with a woman than with a man.”

Mas gugustuhin niyang ipagpalit siya ng boyfriend o asawa niya sa babae rin?

“Mas mahirap!” natatawang sabi ng aktres.

“Babae na nga ako tapos... I was made by God for man, tapos ayaw pa sa akin?”

Sa ibang babae raw kasi, mas okay na bading na lang ang maging karibal nila.

Mabilis namang sagot dito ni Carla, “Ayoko. Parang yung pagkababae ko naman ang tinamaan doon.”

Mas masasaktan siya kapag nalaman niyang bading ang karibal niya?

“Yes. Kesa sa babae, yun bang niloko na nga ako, tinapakan pa ang pagkababae ko.”

Pero sa kanilang teleserye, tatanggapin daw ni Carla ang pagkatao o natuklasan nito sa asawang si Vincent, na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

“Ay, oo, napaka-martyr ni Lally. Itatago niyang sikreto yun.

"She will stay in the marriage and she will keep it a secret until the end.”

Pero sa totoong buhay ay hindi raw niya gagawin ang ginawa ng karakter niya sa soap.

Saad ni Carla, “No way, no way…

"Number one, it’s very painful for me and, number two, it’s also painful for him.

"Mapipilitan siya to stay in the relationship when he can be happy and free.

"Pinapatay mo na ang sarili mo, pinapatay mo rin... you should let him go, di ba?”

Siya ang makikipaghiwalay?

“Oo, definitely,” sagot niya.

Sa totoong buhay, naniniwala naman daw si Carla sa pagbibigay ng second chance lalo na sa isang mag-asawa.

Pahayag niya, “I believe naman in second chances.

"Kaya nga tayo for good times and bad, to stay pa rin in the marriage.

"Even if there’s infidelity issue, as long as there’s a turning point din.

"Hindi naman puwedeng ang effort, sa akin lang.

“Pero kung paulit-ulit na, masakit na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will stay in the marriage, but if it will happen again, huwag na.

“If you can still work around it, for the sake of the children, then you should. Palagi namang may paraan.”

Sumang-ayon naman si Carla sa sinasabing may naibibigay ang isang lalaki o ang isang bading sa kapwa nito lalaki na hindi maibibigay ng isang babae.

Sabi niya, “Yeah, oo naman, there are certain things that a woman can provide, woman can give.

"That’s why we’re here para maintindihan namin kung ano ba yun. Up to what extent ba ang kaya nilang ibigay.”

Gaya ng karakter niya sa My Husband’s Lover na pinanindigan ang pagpapakasal dahil mahal niya ang tao?

“Yes, but there’s also other reason.

"Siyempre, the kid is number one.

"Then, number two, she will decide to stay in the relationship because of her mother.

"Kasi, nagalit sa kanya yung nanay niya. Itinaboy siya ng nanay niya, itinakwil siya because nga she got pregnant early and she got married early.

“So, she will decide to keep it a secret. Para lang ma-prove niya sa mommy niya na hindi ako nagkamaling magpakasal nang maaga. Hindi ako nagkamali ng pinakasalan ko.

“The pride for the mother para lang she won’t resent me more. So yun, sad…”

CONTROVERSIAL THEME. Marami ang nagsasabi na kontrobersiyal at mapangahas ang tema ng My Husband’s Lover dahil tinatalakay nito ang pangangaliwa ng mister sa kapwa niya lalaki.

Hindi ba natatakot si Carla sa magiging reaksiyon ng mga manonood kapag ipinalabas na ang kanilang teleserye?

“No, not at all. No worries, no apprehension,” sagot niya.

“Honestly, I’m nervous, pero kahit paano, there’s this belief na makukuha namin ang mga puso ng tao.

"Nag-a-assume ako. Sana… I pray for that every night.

"I have worries, but hindi naman... I’m confident naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Carla, may kissing scenes din dito sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

“Meron ’yan, pero hindi pa namin alam kung saan yung papayagan kami ng MTRCB na ipakita.

"Ipu-push namin siyempre, kung ano ang nasa script talaga.

"Pero kung iistriktuhan nila kami o pagbabawalan, okay lang naman din.

“Puwede rin namang suggestive lang o daya.”

Kung ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann ang magkaroon ng ganoong klaseng mga eksena, ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Papayagan niya ba ito?

“Oo naman, I will allow.

“Nasa sa kanya rin yun kung kaya niyang gawin yun. Kung kaya niyang i-push ang sarili niya.

"Honestly, so far, sa mga napapanood ko between Dennis and Tom, kinikilig pa nga ako, e. Honestly, kinikilig ako.

“Siyempre, girl ako. It’s clear for a girl to have that certain of kiligness for a straight man than to see a homosexual...

"Pero in fairness, kinikilig ako,” nakangiti niyang sabi.

Saan nanggagaling ang kilig niya?

“Nasa mata nila—Dennis and Tom. Kinikilig ako sa mga eksena nila.

"So, sana lahat, ganoon din ang maramdaman.

"So, kung si Geoff ang gagawa, feeling ko, kikiligin din ako. Ipu-push ko ang loveteam nila!” natatawang sabi ni Carla.

Paano kung siya naman ang nasa posisyon nina Tom at Dennis at meron din siyang karelasyon na babae rin sa teleserye o anumang proyekto niya?

Sagot niya, “I will do my best. Kakayanin... kakayanin ko if I’ll be given that role, kakayanin ko.”

SAME-SEX MARRIAGE. Itinanong din kay Carla kung ano naman ang masasabi niya sa same-sex marriage.

Saad niya, “Ang hirap, it really depends... I cannot answer that.

"Kasi, I’m still a Catholic. I’m still conservative. I still have my own beliefs.

"Ako pa rin, I believe that marriage should be between a man and a woman although, of course, I am open-mind din and I respect gay marriages or same-sex marriages.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa makita yung sarili ko sa posisyon na... I really can’t decide, as of now.”

May nanligaw ba sa kanyang tomboy o lesbian?

“Wala ho, wala hong nanligaw.

"Nagkaroon ng crush sa akin na lesbian, tukso-tukso. Alam mo naman sa school.

"Pero, wala yung nanligaw.”

Minsan ba, nakita ni Carla ang sarili niya sa ganoong klase ng relasyon?

“Hindi pa.

"And I don’t imagine myself or I don’t see myself naman entering a same-sex relationship.

"Mahirap, super,” nakangiting sabi ni Carla.

Kung nagkataong merong nangahas na manligaw sa kanya, ano ang gagawin niya?

“Ayoko. Siyempre, I still have my preference. Gusto ko lalaki, e.

“Mahirap na ngang magmahal ng lalaki, so I really don’t know how it woul feel to love another woman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN