Karylle on "smiling moment" with Marian Rivera: "It was a simple gesture but, to me, it meant a lot."

Magkalaban ang magkasintahang Yael Yuzon at Karylle sa Philpop 2013 bilang interpreters ng dalawang kantang kalahok. Sabi ni Karylle tungkol dito, "It’s a funny feeling lang na iniyayabang namin yung kanya-kanyang kanta. Tapos sabi ko, ‘Ay, mas maganda yung akin.’ Mayabang lang kami sa isa’t isa. Pero yun lang yun. It’s just for the spirit of fun.”


Idinaan na lang sa biro ni Karylle ang mangyayaring kumpetisyon sa pagitan nila ng boyfriend niyang si Yael Yuzon ng bandang Spongecola.

Kapwa kasi sila interpreters ng magkalabang kantang kalahok sa Philippine Popular Music Festival o Philpop 2013, na ang finals night ay magaganap sa July 20 sa Meralco Theater.

“I really wanna beat Yael!” birong deklarasyon ni Karylle sa presscon para sa rebelasyon ng song interpreters at album launching ng Philpop 2013 produced by Universal Records na ginanap kahapon, Hunyo 5, sa Ariatto Function Center sa Il Terrazzo sa Tomas Morato, Quezon City.

Kakantahin ni Karylle ang awiting likha ni Lara Maigue, ang "Sa ‘Yo Na Lang Ako". Habang si Yael naman ang interpreter ng awiting "Segundo" composed by Paul Armesin.

Makakalaban nila ang sampung iba pang interpreters ng mga kantang kabilang sa Top 12 finalists ng Philpop 2013.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na makausap sandali si Karylle.

Ano ang feeling na magkalaban ang mga kanta nila ni Yael sa Philpop?

Sabi ng singer-actress, “Well, we talked about it and joke about it.

"But more than that, I’m just happy about all the collaborations kasi yung ibang songs pala, ang daming artists [na kasali].

"It’s a very exciting time and you can feel the energy buzzing.”

Wala bang pressure sa kanila ang kumpetisyon?

“I think it’s because we’re naturally competitive with each other.

"It’s a funny feeling lang na iniyayabang namin yung kanya-kanyang kanta.

"Tapos sabi ko, ‘Ay, mas maganda yung akin.’ Mayabang lang kami sa isa’t isa.

"Pero yun lang yun. It’s just for the spirit of fun.”



NO NETWORK ISSUE. Ang TV5 ang official television network na magpapalabas sa finals night ng naturang songwriting contest na inilunsad ng PhilPop Musicfest Foundation Inc., kung saan chairman ang TV5 big boss na si Manuel V. Pangilinan at executive director naman si Maestro Ryan Cayabyab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil isang Kapamilya si Karylle, hindi ba magkakaproblema sa home network niya ang kanyang pagsali sa Philpop?

Sabi ng It’s Showtime host, “Well, when my music is concerned and OPM, I think we have to help each other. So, it’s not an issue.

"Ang isyu natin ngayon is how to help OPM.”

Ayon kay Karylle, natutuwa nga siya na may mga new breed of songwriters na nadi-discover dahil sa Philpop. Katulad na lang ng composer ng ini-interpret niyang kanta na si Lara Maigue.

Nakasama na raw niya ito sa isang concert noong miyembro pa ito ng singing group na Operabelles. Pero hindi raw inakala ni Karylle na magaling din palang songwriter si Lara.



ON MARIAN & DINGDONG. Samantala, masaya si Karylle sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa ngitian nila ni Marian Rivera na nangyari sa nakaraang 50th anniversary celebration ni German Moreno nang magkasama sa stage ang dalawang aktres.

Sinasabi ngang dahil sa ngitiang ito ay tuluyan nang natuldukan ang halos limang taong “cold war” sa pagitan nila dulot ng intriga sa pagiging past and present girlfriends ni Dingdong Dantes.

Sa interview nga ng News5 kay Karylle ay inihayag nito kung gaano kahalaga sa kanya ang ginawang pagngiti ni Marian.

Sabi ni Karylle, “Ang saya, sa totoo lang, na wala nang issue.

"Hindi na kami aloof sa isa’t isa. Okay na kami.

"I was really happy na we had that moment kahit papaano.

"It was a simple gesture but, to me, it meant a lot.”

Nababalita na nagpaplano na diumanong magpakasal sina Marian at Dingdong sa Disyembre, pero kapwa nga ito pinabulaanan ng dalawa.

Dahil nga naka-move on na sila ni Marian, natanong tuloy si Karylle sa presscon ng Philpop kung sakaling matutuloy ang kasal, open ba siyang tanggapin ang imbitasyon nina Marian at Dingdong?

“Mahirap naman ang what if. Ako pa ang nag-invite sa sarili ko na parang ang bastos ko naman. May manners naman ako,” paliwanag ni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung imbitahan nga siya?

“Siyempre kung sinagot ko iyan, e, di inimbitahan ko na ang sarili ko.

"Parang maganda naman ang mag-antay. Kahit save the date pa,” biro na lang niya.



NO WEDDING PLANS. Ano naman ang masasabi niya na pati sila ni Yael ay naiisyung nagpaplano na ring magpakasal?

“Wala naman kaming inaamin, bakit kami magpaplano?” sabay tawa ni Karylle.

Pagkatapos nito ay bigla nang inilihis ni Karylle ang usapan.

Aniya, “Basta may plan kami for Philpop. It’s gonna be on July 20 and I hope that you’re all gonna be there to watch kasi ang daming magagaling na musikero na nagsama-sama para lang mabuo itong contest na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN