Teejay Marquez suspects rejected admirers as source of rumors about him

Bagamat ayaw nang patulan ni Teejay Marquez ang patuloy na paninira sa kanya ng ilang mga taon, may mga pagkakataon daw na gusto niya itong sagutin. Sabi niya, "Minsan nga, gusto kong hanapin yung naninira sa akin at sasabihin ko mismo sa kanya na, ‘Oo, bakla ako! Masaya ka na? Titigil ka na?’ Wala lang... para lang tumigil na siya—kung iyon ang gusto niyang marinig na sabihin ko. Para tumigil na siya."


Sa isang episode ng GMA-7 game show na Celebrity Bluff, nanalo ang magkapares na sina Teejay Marquez at Joyce Ching ng cash prize.

Dahil sa napanalunan, nagbiro si Teejay na "ipangde-date nila" ni Joyce ang premyong nakuha sa game show.

“Biro lang po iyon. Tapos kami rin ang natanggal!” ang tumatawang sabi ni Teejay nang matiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng GMA Network Center.

Wala raw siyang intensiyon na agawin ang kasintahan ng kapwa niya tween actor na si Kristoffer Martin.

“Biro lang po, kasi may loveteam nang iba si Kristoffer, so nagbiro lang po ako.”

Ang kapareha kasi ni Kristoffer sa afternoon soap na Kakambal Ni Eliana ay si Kim Rodriguez.

Pero aminado naman si Teejay na crush niya si Joyce.

“Magaling po kasi siyang umarte. Kapag papipiliin po ako, isa siya sa mga gusto kong makapareha.

“At kahit naman sino po magugustuhan si Joyce,” sabi niya.

Ayon pa kay Teejay, mataas ang respeto niya kay Kristoffer.

“Talaga lang po na I like Joyce as an actress.

“Yung crush na... kasi close po kami, magkakaibigan po kami.

“Kumbaga, yung pagkagusto ko po sa kanya, dahil sobrang galing niyang artista.”

Hindi naman daw napapansin ni Teejay kung may pagseselos si Kristoffer kapag magkakasama sila, kahit nakikita nitong close sina Teejay at Joyce.

Diin pa ng binata, “Wala po talaga, sobrang magkakabarkada po kami.

"Close po kami sa isa’t isa kaya sobrang okay po kami.

“At nakikita ko po si Kristoffer bilang boyfriend ni Joyce, sobrang okay—sobrang bagay po sila ni Joyce.”



GENDER ISSUE. May lumabas kamakailan sa Internet na isang litrato ni Teejay kung saan naka-cheerdance uniform siya. Makapal din ang makeup niya sa larawan.

Dahil dito, iniintriga na naman ang gender ni Teejay.

Inamin naman ng young actor na siya nga yung nasa larawan na kuha raw noong nag-aaral pa siya sa Ramon Magsaysay High School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lifter at dancer si Teejay sa cheerleading squad nila noon sa school.

Sabi niya, “Ang pinagtatawanan po nila doon sa picture, naka-makeup po.

“E, noon po, wala pang mga HD camera, so kapag luma, kapag piniktyuran ka, sobrang puti, parang espasol yung mukha mo!”

Inamin din ni Teejay na naka-makeup silang lahat ng mga kasama niya sa litrato, pati silang mga lalaki.

“Di ba po, kapag may event sa school, kapag sasayaw kayo, mine-makeup-an po lahat?

“Pero hindi naman po ako naka-eyeshadow,” sabi niya.

Foundation lang?

“Lahat naman po kami naka-makeup, hindi ko alam kung bakit pinapalaki nila yung mga ganoong isyu. Kaya nakakatawa.

"Ako, actually, ayokong sagutin kasi parang nakakatawa kapag pinatulan ko.

“Sa dami ba naman ng mga isyung dumating, iyan pa papatulan ko, yung picture lang?”

Ilang beses nang naiisyu ang pagkalalaki ni Teejay.

Sabi niya tungkol dito, “Opo, yun naman po, hindi ko naman ko po sila masisisi na parang kapag sobrang daldal ka, iisipin nila ganoon ka...

“Pag sobra ka namang tahimik, isipin nila, ganoon ka.

“So parang lahat po naman yata pumapasok sa ano...

“Basta medyo gusto nilang pag-isipan lalo na kapag hindi nila nakukuha yung gusto nila o may mga tao talaga na gustong siraan ka.”



THE SUSPECT. Umamin si Teejay na may mga nagkakagusto sa kanya na hindi niya pinagbigyan kaya raw siya sinisiraan.

“Actually, meron po talaga, meron po.”

May mga nanliligaw ba sa kanyang bading?

“Meron po. So parang after nun, may mga ganyan nang lumalabas.”

Kaya ang duda niya, isa sa mga binasted niyang bading ang naninira sa kanya.

“Pero ako naman, okay lang. Kasi ako naman, at the end of the day, alam ko naman yung sarili ko.

“Na wala naman po akong ginagawang masama and masaya po ako sa nagiging reaksiyon ng mga tao sa nagagawa ko sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa naman ako ganoon kasikat o ganun kaayos dito sa showbiz.

“Pero sa nakikita kong magandang reaksiyon nila sa mga nagagawa ko, para maging masaya sila sa akin, okay na po ako.”


Sino sa palagay niya ang naninira sa kanya?

“Secret na po, ayoko na pong magsalita.

“Basta simple lang, basta ito lang naman po, e—hindi mo pupuwedeng pilitin yung puso mo na gustuhin yung bagay na hindi talaga.

“Kung hindi nila nakuha yung gusto nila, hindi ko sila mapi-please.

“Kung gusto nilang gawin sa akin yun dahil hindi nila ako nakuha, bahala na lang po sila.”

Bading ba o babae ang naninira sa kanya?

“Hindi ko po alam, pero feeling ko, halo.

“Kasi feeling ko, kapag na-reject mo sila, siguro sa sakit na naramdaman nila, nagsasalita sila na parang, ‘Sige sisirain kita!’”

Kahit babae ay may ni-reject na raw si Teejay.

“Siyempre hindi ko naman kayang pumatol ng sobrang matanda sa akin.”

Matrona?

“Opo!" bulalas niya.

“Minsan, parang akala ko sa magandang paraan ko na sabihin kaagad na hindi pupuwede, yun pala nao-offend sila doon.

“Siyempre honest ako na, ‘Sorry po, hindi puwede.’ Nagagalit sila... ganoon.”



OFFERS. Ano na ang mga offer na natanggap ni Teejay mula sa mga nagkakagusto sa kanya?

“Kasal!” sabay-tawa niya.

“Nakakatuwa po, ’no? Kasal, kotse, bahay... nakakatawa... pera siyempre.

“Actually, nakakahiya po. Yung iba kasi, hindi mo alam kung totoo o biro, e, so hindi ko talaga pinapansin.”

Magkano ang perang inialok sa kanya?

“Wala naman pong minention [mentioned], pero ibibigay daw lahat.”

Hindi raw isang tao lang ang nag-aalok ng kung anu-ano sa kanya.

“Marami po actually... halos araw-araw sa Facebook, sa Twitter, nagko-comment, nagme-message... marami po.

“Hindi naman po bading lahat, yung iba, babae... yung iba, biro.”

Kahit ano ang mangyari ay hindi raw ibibigay ni Teejay ang sarili niya na ang kapalit ay pera o mamahaling bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually po, hindi po ako lumaking mayaman, lumaki po kami sa tipikal na pamilya.

“Kahit makakain lang ako ng three times a day, masaya na po ako doon.

“I mean, siyempre ako, gusto ko talagang kumita, gusto kong yumaman. Pero ayoko naman po kasing parang binibili ako.

“Hindi po ako perpekto, na binibigyan ako ng regalo, masaya ako.

“Pero ayoko naman yung tipikal na may kapalit, yung alam mo na hindi ka masaya.

“Minsan talaga, masisilaw ka sa mga ino-offer nila, pero hindi talaga.

“Gusto ko pa rin yung mamahalin ko na walang kapalit.

“Baka minsan nga, kahit walang-wala ako, ako pa ang magbigay basta mahal ko, e.”



BASHERS. Bahala na raw ang mga naninira sa kanya.

“Minsan nga, the more na... kapag iniintriga ka na ganoon, the more na sumagot ka ng, ‘Hindi, hindi!’ the more na hindi sila titigil sa isyu na yun.

“Minsan nga, gusto kong hanapin yung naninira sa akin at sasabihin ko mismo sa kanya na, ‘Oo, bakla ako! Masaya ka na? Titigil ka na?’

“Wala lang... para lang tumigil na siya—kung iyon ang gusto niyang marinig na sabihin ko. Para tumigil na siya.

“Minsan kasi ang hirap, e.”

Pero sigurado raw si Teejay sa gender niya, na lalaki siya,.

Ayos lang din sa kanya na iniintriga siya.

“The more na may taong naggaganyan sa akin, the more na may blessings na dumadating sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN