Carl Guevara does not want Kris Bernal to accept daring role in indie film: "Kasi hindi siya yun, e. Hindi niya image yun, e."

Kung si Carl Guevara raw ang masusunod, hindi siya papayag na tanggapin ni Kris Bernal ang isang indie film kung saan kailangang magpaka-daring ng young actress. “Pero alam ko talagang gusto niyang gawin, e. Kasi first time niyang gagawin yung ganung klaseng movie," sabi ni Carl.


Tutol si Carl Guevara sa napipintong pagpapaka-daring ni Kris Bernal sa gagawing indie film ng young actress, ang Isang Tag-araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan ni Direk Gil Portes.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris noong Linggo, June 2, sinabi nito ang posibilidad ng pagpapa-sexy niya sa kanyang kauna-unahang indie film.

(Read: Kris Bernal goes daring and wild in her first indie film)

Pero mabilis ang naging reaksiyon dito ni Carl, na katabi ng Kapuso young actress nung mga sandaling iyon.

“Huwag, ayoko!” bulalas ng binata.

Hindi rin daw pabor si Carl kung sakaling mag-pose nang sexy si Kris sa FHM o sa iba pang men’s magazines.

Paliwanag ng model turned actor, "Para kasing hindi bagay kay Kris yung mag-pose sa FHM… I have nothing against sa FHM o sa nagpu-pose.

“Kasi nakilala ko si Kris na sweet yung image niya.”

FAR FROM KRIS’S IMAGE. Kapag natuloy si Kris sa kanyang indie film, maaaring lumabas ito sa pelikula na naka-two piece lang at gumagawa ng daring scenes.

Huminga muna nang malalim ang nangingiting si Carl nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon niya rito.

“Actually, nasabi na niya sa akin yung role niya.

“Wala namang itinatago si Kris. Ikinukuwento niya kung anong nangyayari sa career niya, kahit sa family niya.

“Minsan, ako na yung nagugulat dahil ikinukuwento na niya halos lahat sa akin.

“So, yung role na gagawin niya sa indie movie… sa totoo lang, siyempre parang hindi naman yun ang image niya.

“Pero nung ipinaliwanag naman niya sa akin na, alam mo yun, na parang opportunity yun, maganda talaga yung kuwento, ang director daw si Direk Gil Portes…

“Alam mo yun, bibihira lang daw na makatrabaho ang mga ganung klaseng director.

“Sa akin, alam kong gusto niya yun, e.

“Kumbaga, alam kong nagdadalawang-isip siya sa role pero gusto niyang gawin para maiba naman daw. Hindi yung puro ganito [pa-sweet] yung tingin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto niyang kumawala siya sa tingin sa kanya ng tao, mag-mature.

“Alam ko naman kakayanin niya yun, e.”

Natatakot ba si Carl sa mga gagawin ni Kris sa pelikula?

“Feeling ko ano… sa totoo lang, bilib ako sa kanya.

“Alam kong kapag hiningi ng director, gagawin at gagawin niya, e. Kahit alam niya yung limitation niya hanggang dito lang.

“Pero dahil sa pagmamahal niya sa trabaho niya, gagawin niya yun, e.

“Medyo nag-aalangan lang ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Baka may mga ganyan-ganyan ‘yan?’

“Sabi niya sa akin, ‘Hindi, sasabihin ko naman talaga yung limitation ko, dito lang.’

“Pero alam ko talagang gusto niyang gawin, e. Kasi first time niyang gagawin yung ganung klaseng movie.

“Kahit naman sino, parang mag-iisip, e. Kasi alam kong challenging yun, e.”

Pero kung si Carl daw ang masusunod, ayaw niyang tanggapin ni Kris ang role bilang isang cocaine addict at wild na babae sa indie film ni Direk Gil.

“Sa totoo lang ano, ayoko!” tawa niya.

“Kasi hindi siya yun, e. Hindi niya image yun, e.

“Pero alam mo yun? Parang ayokong makita siyang ginagawa niya yung ganun, e.

“Sabi ko nga, pag ipinalabas yun, hindi ko papanoorin.”

Mababago ba ang tingin ni Carl kay Kris kapag pinanood niya na ang pelikula at nakita niyang may kissing scene o love scene si Kris?

Tugon niya, “Hindi naman. Pero siyempre, maninibago ako.

“Kasi pag pinapanood ko siya, pa-cute-cute lang—drama, loveteam.

“Tapos, ganun na yung role niya… maninibago lang ako.”

Dahil wholesome ang nagustuhan at minahal niyang Kris Bernal?

Sabi ni Carl, “Oo, yung wholesome.

“Pero feeling ko… kasi pagdating sa trabaho, ayokong makialam, e. Usapan namin yun.

“Pag trabaho talaga, walang pakialaman… pero tingnan na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN