Megan Young still a Kapamilya despite primetime series on TV5

Nilinaw ni Megan Young na hindi siya umalis ng ABS-CBN papuntang TV5 dahil sa ginagawa niyang primetime series sa Kapatid network. Sabi niya, “Ang sa akin, if I believe in a project, tulad nitong Misibis Bay, that’s good enough for me. Kung maganda naman yung role ko, go for the gold, di ba? Yung paglilipat, yung manager ko ang bahala niyan, but I don’t think it’s gonna happen. Wala pa namang offer.”


MISIBIS BAY, ALBAY. Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa cast member ng primetime series ng TV5 na Misibis Bay na si Megan Young sa paradise island na ito kahapon, June 6.

Sa mismong isla ng Cagraray Island ng Bacacay, Albay ang location shooting ng Misibis Bay.

Ayon kay Megan, mahigit sampung araw na silang nagte-taping at ang target telecast nila ay sa July na.

Nadatnan ng PEP si Megan na naghahanda para sa kanyang eksena sa beachfront ng resort.

Kuwento ng actress-TV host, “Actually, two weeks kami nagte-taping and we leave on Saturday [June 8].

“Kaya medyo haggard kami ngayon kasi we have so many scenes pa na dapat kaming habulin before kami umalis. As in, tuluy-tuloy ang shoot namin.

“Masaya kami lahat dito. Although nakakapagod, pero we’re like a family here.”

May mga nasakprisyo raw na trabaho si Megan sa Maynila para lang maisingit ang sked niya na kinukunan pa sa dulo ng Bacacay.

Aniya, “Yun nga, I have to leave at the middle of the taping kasi meron akong kailangang gawin sa school.

“May tinapos lang akong group project at alam mo na, kailangang makisama sa classmates ko.

“Umuwi ako, wala pa akong twenty-four hours sa kanila at bumalik din kaagad ako [sa Misibis Bay] kasi ang dami pa nga naming kukuhanan.”

Nag-aaral ng Filmmaking si Megan sa De La Salle College of St. Benilde sa Taft Avenue, Manila.

Hindi naman daw ito nakaapekto sa trabaho niya sa Misibis Bay.

Saad ni Megan, “Ay, oo naman. Before naman ako umalis ng Misibis, I made sure na okey sa kanila.

“Buti na lang, okey lang, at least nakagawa ako ng trabaho sa school.

“And then, heto nga, lagare dito.”

STILL A KAPAMILYA. Dahil sa paggawa niya ng primetime series sa TV5, marami ang nag-akalang lilipat na si Megan sa Kapatid network mula sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang paglilinaw ng Star Magic talent, “Ang sabi nga ng iba, ‘Ano ba ‘yan, lilipat ka na sa Singko?’ Mga ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘No, meron lang akong offer na project tapos ang ginawa ko ay nagpaalam ako [sa ABS-CBN].’

“I’m still with Star Magic, of course. Baby nila ako.

“Andun pa rin ako, it’s just that meron lang in-offer sa aking project ang TV5.

“I’m still doing ASAP, wala nga lang ako ng two weeks kasi nandito kami.

“But I always do ASAP—and I’m really thankful na pinayagan nila ako.

“Kasi, I really believe sa project and sayang naman kasi wala naman akong exclusive na contract with ABS, so I think okay naman.”

Paano kung mag-offer sa kanya ng exclusive contract ang Kapatid network, tatanggapin ba niya?

Nangingiting pahayag ng StarStuck alumna, “Let’s see. We really don’t know naman, di ba?

“Pagdating naman sa ganyang usapan ay dapat pinagmi-meeting-an.

“Ang sa akin, if I believe in a project, tulad nitong Misibis Bay, that’s good enough for me.

“Kung maganda naman yung role ko, go for the gold, di ba?

“Yung paglilipat, yung manager ko ang bahala niyan, but I don’t think it’s gonna happen.

“Wala pa namang offer.”

DANIEL MATSUNAGA. Ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga ang lumalabas na leading man ni Megan sa Misibis Bay.

Paglalarawan ng actress-TV host sa kapareha, “Si Daniel, super-kulit siya.

“Halos ka-age ko pala siya. One year older lang siya sa akin. I’m 23 and he’s 24 years old.

“Medyo doon lang ako nagulat. Pero, mabait siya. Mabait.”

Tinukso namin si Megan kung wala bang na-develop sa kanila ni Daniel sa ilang araw nilang pagsasama sa isla.

Mabilis na tugon niya, “Wala, wala. We’re just here to work.

“Yung grupo naman kasi naming actors, it’s a good group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It could be na cliché na meron kaming magandang samahan dito.

“For almost two weeks na nandito kami, na we get to know each other, that was a lot—yung chemistry namin.”

Dugtong pa niya, “Tsaka si Daniel, he’s very professional.

“Lagi siyang nag-aaral ng kanyang lines lalo na’t hindi naman niya first language ang Tagalog at English.

“Lagi siyang nagme-memorize.

“There’s one afternoon na wala siyang ginawa kundi ang mag-throw lines sila ng handler niya.

“So, masipag talaga siya.”

Bilang isang babae, ano ang most attractive kay Daniel bukod sa pagkakaroon nito ng magandang katawan?

Sagot ni Megan, “Well, si Daniel kasi, he’s very charming.

“So, I guess that’s one thing na nakikita ng karamihan sa kanya. Yun yung very attractive sa kanya.”

Dahil sa sobrang pagka-busy nila sa paghahabol ng maraming eksena, wala raw silang panahon para isipin pa ang kanilang personal na buhay.

Ani Megan, “Yeah, almost every day ay marami kaming ginagawa, kaya that’s one thing na hindi na namin naiisip ang ganun.

“Haggard na kami. Imagine, first time ko makaranas na mag-taping na from seven in the morning until past midnight na every day talaga.

“So, wala talaga.”

Kaya nga raw kapag may free time sila ay ini-enjoy nila ang moment na iyon.

“Ang ginagawa namin ay nagdyi-gym kami. Minsan ay nagkakasabay-sabay kami.

“So, it’s nice na… yun nga yung sinasabi ko kanila na magandang samahan namin dito.

“Maayos. Nothing else is in our mind but work and having a good relationship.

“Yeah, nagbibiruan, kulitan. Stuff like that.

“Pero yung emo-emo [emote], wala talaga. It’s really clean fun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN