Mylene Dizon on having another relationship: “Oo naman, we don’t want to be alone. Of course, we would want somebody later on—later on, ha?”

Excited si Mylene Dizon na maidirek sa pelikula sa unang pagkakataon ni Maryo de los Reyes. Sabi niya, “We do a lot of teleseryes and it’s not all the time that I get to be casted in films. Pero siyempre, gusto mo na kapag naka-cast ka rin lang, might as well, with the masters naman. Bakit naman hindi? At nakakainggit kapag narinig mo na gumawa si ganito kay ganito. Ako, ’Bakit hindi nila ako gusto? Kulang pa ba ang aking nagagawang work para makasama riyan?&


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Mylene Dizon sa Tagbilaran Airport sa Bohol noong June 1, Sabado.

Nagulat si Mylene dahil nasorpresa rin siya sa pagdating niya ng airport.

Aktuwal kasing kinunan ang pagdating niya sa airport dahil isasama ito sa isang eksena sa indie film na Bamboo Flowers.

Ang Bamboo Flowers ay entry ni Maryo J. delos Reyes para sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Natatawang kuwento ni Mylene sa PEP, “Kararating ko lang, as in thirty minutes ago. May nakaabang na camera, hindi ako sanay… nagulat ako!”

Wala raw idea si Mylene na kukuhanan siya at ang child star na si Yogo Singh, na gumaganap na anak niya sa pelikula, habang bumababa sila ng eroplano.

Unang araw iyon ng shooting niya sa Bamboo Flowers, at unang pagkakataon din na maididirek siya ng batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Lahad ni Mylene, “He told me about this a long time ago, in one of our family parties… sa party namin ni Tita June [Rufino].

“When I heard about this All Masters Edition, I said I wanted even a small role in any of the films—because all masters yun, e.”

Parehong nasa ilalim ng pangangalaga ni June Rufino sina Mylene at Direk Maryo.

Hindi na bago kay Mylene ang paggawa ng indie films at nanalo na siya ng acting awards para sa ilan sa mga ito, gaya sa 100 (2008).

Bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang makagawa ng pelikula na kasama sa All Masters Edition?

Paliwanag ng aktres, “We do a lot of teleseryes and it’s not all the time that I get to be casted in films.

“Pero siyempre, gusto mo na kapag naka-cast ka rin lang, might as well, with the masters naman. Bakit naman hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nakakainggit kapag narinig mo na gumawa si ganito kay ganito.

“Ako, ’Bakit hindi nila ako gusto? Kulang pa ba ang aking nagagawang work para makasama riyan?’” natatawa niyang tanong.

“So, when I actually got the call, well, not a call… but when he mentioned it to me during the party, wala nang isip-isip.

“It’s Maryo J… of course, I want to do it… it’s a no-brainer.

“So, when I got this script a few weeks ago, I found out na parang trilogy siya.

“Yung unang part pa lang, sa ’Protégé’ story, naiiyak-iyak na ’ko.

“Sabi ko, ‘Sobra naman itong script na ito!’ You can tell right away that it’s something that he searched in his heart.

“Merong… there’s a lot of truth about the story of Maryo J.

“I mean, not that he’s a singer but he’s an artist. You know that each story, sa aming lahat, meron siyang part of it.

“It’s like he’s telling his history.”



TRUE-TO-LIFE. Ang kuwento naman ni Mylene sa pelikula ay ang pagbabalik ng karakter niya sa Bohol kunsaan hindi naman siya dito lumaki.

Ang pakiramdam ni Mylene, ang kuwento niya sa pelikula ay kuwento ni Direk Maryo.

Aniya, “Feeling ko, nakahanap ng salvation, breathing space dito sa place or sa province ng mommy niya due to unwanted event.

“So, alam ninyo yun? There are no accidents in our life. You’re brought to places for a reason and sometimes life offers it.

“And that’s just what’s happening to a lot of people now in Manila who are trying to go back to the rural areas because nakakahinga sila doon.

“Di ba sa Manila, feeling natin, we’re like fish out of the water?

“So, when we go back kung saan tayo nanggaling, bumubukas ulit ang puso natin, ang isip natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nawawala ang pagiging jaded natin, negativity… it’s being washed away by nature.

“I think that’s what’s happening also to my character.”



HEALING. Sa Pampanga talaga ang probinsiya ni Mylene, pero tulad ng karakter niya sa Bamboo Flowers, pumupunta lang siya doon kung may okasyon tulad ng fiesta.

Sabi nga ni Mylene, “Pampanga talaga ang both parents ko. But like Direk here, pumupunta lang kami doon dahil may fiesta.

“It’s not like I really grew up there—Manila talaga ako, which I regret.

“Now that’s what I’m doing with my life, now that I’m being this adventure junkie… parang I want to get out of Manila.

“Kapag nasa dagat ako, nakakaisip ako. Surfing-surfing, tanggal-tanggal ng dumi, negativity sa katawan…

“Because salt has a natural healing property na talagang kini-cleanse niya tayo.

“Ako, I need tubig-dagat.”

MOTHER OF TWO. Kung may bago man na gagawin si Mylene sa Bamboo Flower, ito ay ang gumanap bilang isang ina.

“This would be my first time,” sabi niya.

“Sa pelikula talaga, this is my first time at saka ang challenge ko talaga rito, me versus myself… man versus himself.

“Kung paano ko mao-overcome ang pagdadalamhati ko sa buhay ko. At the same time, I have to be there for my son.

“Kalahati… parang ako lang sa tunay na buhay!” natawang sabi niya.

Kung tunay na buhay ang pag-uusapan, ina na rin si Mylene sa dalawang anak nila ng dating boyfriend na si Paolo Paraiso—sina Thomas at Ethan.

Aniya, “Miss na miss ko na sila. Kasi, sa kama ko sila natulog kagabi.

“Gusto ko nga silang isama rito, pero si Direk Maryo na rin ang nagsabi na baka mahirapan lang ako.

“Iintindihin ko pa sila at halos lahat ng scene, sa akin ang kukuhanan.

“Kaya lang, ang cute-cute kasi nila ngayon. In love na in love ako sa kanila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi pa silang nagyayakapan… magkatabi silang matulog.”

Katabi rin ba niyang matulog ang mga anak?

“Minsan, kapag wala akong work.

"Tatanungin ng mga ‘yan, ‘Are you going to work tonight?’ No…

"‘Can we sleep in your bed?’ Yes.”

Ayon kay Mylene, talagang gusto niyang lumaki ang dalawang anak na malapit sa isa’t isa.

Aniya, “Yun talaga ang rules ko ever since, ‘Hindi kayo puwedeng maghiwalay. Kahit na kuwarto, hindi kayo puwedeng maghiwalay.

“’Kasi, dalawa lang kayong magkapatid sa buong mundo. Hindi na mangyayari ‘yan ulit.

“’Kahit na saan mo hanapin ‘yan, dadalawa lang kayo. Maghihiwalay kayo later on, pero ngayon, kailangan bonding kayo.’

“Kaya kung halimbawa, kukunin nila Paolo si Thomas... kasi it’s easier to handle Thomas, he’s eight.

“Pero I said, ‘No, you have to take them both.’ Somebody will get left out—we don’t want that.”

Marami nang karanasan si Mylene sa pakikipagrelasyon, pero sa ngayon ay wala raw siyang boyfriend.

Hindi naman daw isinasara ni Mylene ang kanyang puso na ma-in love muli.

Sabi niya, “Oo naman, we don’t want to be alone.

“Of course, we would want somebody later on—later on, ha?” natatawang diin niya.



REAL FRIEND. Kasama si Mylene sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala. Reunited sila dito ng kaibigan niya sa tunay na buhay na si Judy Ann Santos.

Sabi ni Mylene, “Yes, pero hindi kami friends ngayon.

“Di ba, palagi kaming magkaibigan [sa soaps]?

"Yung sa Basta’t Kasama Kita, may pagka-gray lang ang character. And then, nabuntis ako kay Thomas, so they had to take off my character.

“Sa gimik, hindi naman; sa pelikula, magkaibigan.”

Kumusta naman na kontrabida siya ngayon kay Judy Ann?

“Ang tagal naming gumawa ng eksena, kasi tawang-tawa lang kami.

“Ang hirap bumuo ng eksena, kasi kailangan mong tumingin sa tainga, sa ilong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag tumingin ka sa mata… hmmm?” natatawa niyang kuwento.

Pero sabi ni Mylene, “Initially lang naman, it’s birth pains ng magkaibigan, na ngayon… magtatarayan.

“But it’s exciting… it’s exciting to work with her again."

Kahit daw matagal silang hindi nagsama o nagkakasama ni Judy Ann, sila raw ang magkaibigan na kapag nagkita, parang walang panahon na hindi sila nagkasama.

“I think she’s one friend na kahit buwan, taon kaming hindi magkausap, okay kami.

“It’s like hindi kami naghiwalay for a long time.

"Somehow, updated kami sa buhay-buhay ng isa’t isa.

“Sometimes, magtitinginan lang kami, alam ko na ang kuwento.

“And it’s something nice about Juday. She’s everybody’s friend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN