Sarah Geronimo reacts to Charice’s crush on her

“Sobrang fan ako ni Charice, and ang admiration ay mutual, di ba?” pahayag ni Sarah Geronimo tungkol sa pag-amin ni Charice na crush siya nito.


Sa isang panayam ay inamin ni Charice na isa sa kanyang mga unang naging crush ay ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Ang isa pa ay si Donna Cruz.

Ngayong araw June 7, nagbigay naman ng pahayag si Sarah tungkol sa sinabing ito ni Charice.

Sabi ni Sarah sa ABS-CBN News, “Sobrang fan ako ni Charice, and ang admiration ay mutual, di ba?”

Nakapanayam si Sarah sa Ninoy Aquino International Airport pagdating nito ngayong araw mula sa successful shows nito abroad.

Dagdag pa ng Popstar Princess, “Ako ay hangang-hanga sa talento ni Charice, at lahat tayo ay nagdarasal para sa kanya.”

Nagkakilala ang dalawa noong naging contestant si Charice sa singing search ng ABS-CBN na Little Big Star, kung saan si Sarah ang host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN