Nash Aguas eyes rom-com assignments: “Hindi ko pa kasi nata-try ang romcom… parang natsa-challenge po ako.”

Ano ang pakiramdam na nag-“mature” na ang roles ni Nash Aguas? Tugon ni Nash: “Hindi naman po napi-pressure, pero feeling ko, kinakabahan. Pero, tine-take ko na lang yun as blessing pa kasi, mas gagalingan ko pa.”


Ibang-iba na ang looks ni Nash Aguas nang makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng LUV U.

Ang ginanap na presscon ay pagwe-welcome sa mga bagong cast members ng show kung saan kabilang si Nash.

Bukod kay Nash, ang iba pang graduates ng Goin’ Bulilit na mapapanood sa LUV U ay sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Mika dela Cruz, Kobi Vidanes, at Alexa Ilacad.

Kilalang child star si Nash ng Kapamilya network pero nang mawala sa Goin’ Bulilit, hindi na siya masyadong naging visible.

Ngayon, ang 14-year-old na si Nash ay bumabalik bilang isa sa mga teen star ng network at ng programang LUV U..

Ano ang ginawa ni Nash sa loob ng dalawang taon pagkatapos ng Goin’ Bulilit?

Kuwento niya, “Pumunta muna po akong States, sa daddy ko po, sa California, sa San Francisco.

“Pero three months lang po ako roon. Nagbakasyon lang po akong talaga.

“Tapos, dito na po ako nag-stay. Kailangan lang mag-prepare. Nag-braces din po ako.”



AWKWARD STAGE. Nag-aaral din siya sa Angelicum at incoming third year high school na siya.

Huminto talaga siya sa showbiz sa loob ng dalawang taon?

“Hindi naman po, grumadweyt po ako, two years na po akong grumadweyt sa Goin’ Bulilit.

“Pero after noon, palagi na akong nagge-guest sa ABS.

“Pero yung regular show po, yun po ang wala.”

Masasabi niyang dumaan din siya sa awkward stage?

“Opo, dumaan po,” pag-amin niya.

Hindi siya nawalan ng pag-asa noong nasa ganoong stage siya?

Nakangiting sabi ni Nash, “Hindi naman po. Ang nasa utak ko lang, kailangang mag-prepare ka lang.

“Lahat naman po dumaraan doon… sila Ate Miles [Ocampo], dumaan din po sila sa awkward stage.

“Na medyo yung iba, katulad nina Ate Julia [Montes], ate Kat [Kathryn Bernardo] mas matagal, three years din po yata sila.”



TRANSITION. Ngayon ba, nakikita niyang magdidire-diretso na ang pagbabalik niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin naman po siguro, parang bridge po siguro… parang ganoon ang feeling ko.

“Hindi ba po, hindi mo pa alam kung bata siya o teens?”

Kung siya ang tatanungin, bata o binata na ba siya?

“Hindi na po ako bata!” natatawang sagot niya.

“Pero siguro teens nga po ang tawag nila.

“Actually, puwede rin naman pong magdire-diretso, depende naman po. Sana po, magdire-diretso.”

Ayon kay Nash, may pagka-maangas, may pagka-bully ang karakter na gagampanan niya sa LUV U bilang ang tatay niya ay may-ari ng isang hotel.

Ang dating sikat na Taiwanese male group na F4 ang parang peg ng karakter niya sa sikat na teleserye rin noon na Meteor Garden.

Kaya ba ganoon ang looks niya ngayon?

Natawa naman si Nash.

Aniya, “Hindi po, talagang ganito naman po ako mag-ayos.

“Actually, sa show nga po, palagi akong naka-black. Hindi ako nag-i-school pants… palagi lang po akong naka-jeans.”



ROM-COM. Nakilala siya sa drama mapa-pelikula o teleserye man, hindi ba niya nami-miss ang paggawa ng drama?

“Opo, mas naano ko po ang drama. Kasi, doon naman po talaga ako.

“Nagku-comedy naman po ako pero, mas nae-express ko ang sarili ko sa drama.”

Ang huling teleserye niya ay ang Maria Flordeluna; kung ngayon, ano ang mas gusto niyang gawin pagdating sa pag-arte?

Mabilis ang sagot ni Nash ng, “Gusto ko po sana romcom [romantic-comedy].

“Hindi ko pa kasi nata-try ang romcom… parang natsa-challenge po ako.

“Na-try ko dati na nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] ako, parang romcom na imbes na mas light sana…

“Mas na-challenge pa ako kesa sa drama… parang nanibago po ako.”

Seryoso ba si Nash sa totoong buhay?

“Hindi po, medyo makulit po ako sa totoong buhay. Hindi po ako seryoso. Madaldal ako… medyo!” natatawang sabi niya.

Ngayong nagbibinata na siya, sino ang mga gusto niyang tularan sa mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si John Lloyd [Cruz] po,” maagap niyang sagot.

“Kasi si Kuya Lloydie, puwede siya kahit na heavy drama.

“Tulad ng One More Chance, heavy drama po yun, di ba?

“Pero yung ngayon kasi, puro rom-com siya, kaya parang yung ganoon po ang gusto ko talaga.”



PRESSURED. Pansamantalang mawawala sina Miles, Angeli Gonzalez, at Kiray Celis sa orihinal na cast ng LUV U.

Bilang mga baguhan sa show, mapapaangat din kaya nila ang rating nito?

Ayon kay Nash, “Hindi naman po napi-pressure, pero feeling ko, kinakabahan.

“Pero tine-take ko na lang yun as blessing pa kasi mas gagalingan ko pa.

“Kada eksena, hindi ko mapi-feel na kailangan ko pang galingan… na mas may makakaya pa ko,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN