Kim Chiu, Gerald Anderson, Sarah Geronimo lead PEPsters’ Choice partial, unofficial votes

Sina Sarah Geronimo (left), Gerald Anderson (middle), at Kim Chiu ang mga nangunguna sa kani-kanilang kategorya sa PEPsters’ Choice partial, unofficial tally as of June 7, 2013. Para sa mga hindi pa nakaboto, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list, at maaaring bumoto ang bawat isa hanggang 50 beses sa isang araw.


Sina Gerald Anderson at Kim Chiu ang kasalukuyang nangunguna sa Newsmaker of the Year category para sa male at female sa partial and unofficial tally of votes, as of June 7, ng PEPsters’ Choice for the first quarter.

Ang PEPster’s Choice ay isa lamang component ng The PEP List, na maglalabas pa ng dalawang batch of list na base naman sa numbers (audited) at deliberation ng PEP staff.

Samantala, nangunguna pa rin si Sarah Geronimo bilang TV Star of the Year habang nakabuntot sa kanya sa pangalawang puwesto si Kim Chiu.

Hindi naman matinag sa unang puwesto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa Teen Stars of the Year categories at namamayagpag pa rin sa first place si Daniel sa Breakthrough Artist of the Year.


NEWSMAKER OF THE YEAR: Si Gerald ay may 46.09 percent habang sumusunod naman sa kanya si James Yap with 44.76 percent. Nasa ikatlong puwesto naman si Chiz Escudero with 5.75 percent, pang-apat si Derek Ramsay with 2.50 percent, at Willie Revillame with 0.89 percent.

Sa female category naman, undisputed pa rin sa unang puwesto si Kim with 87.72 percent habang nasa 2nd place si Kris Aquino with 6.55. Sa 3rd place ay si Heart Evangelsita with 4.29 percent, 4th si Sarah Lahbati with 0.72 percent, at nasa huling puwesto si Maricel Soriano with 0.69 percent .


TV STAR OF THE YEAR. Nangunguna pa rin si Sarah sa female category ng TV Star of the Year with 44.82 percent habang si Kim ay nasa 2nd place with 41.86 percent . Sinundan naman ito nina Marian Rivera (11.01%), Jodi Sta. Maria (2.07%), at Kris Aquino (0.22%).

Sa male category naman ay nananatiling matatag si Coco Martin (41.37%) at sa 2nd place ay si Vice Ganda with 30.70 percent.

Pangatlo si Richard Yap (24.42%), pang-apat si Derek Ramsay (2.04%), at panglima naman si Robin Padilla (1.44%).

FAB Award: Tuluyan na ngang nasungkit ni Anne Curtis mula kay Angel Locsin ang unang puwesto para sa FAB Award female category. Si Anne ay nakakuha ng 47.06 percent habang si Angel naman ay 44.48 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod naman sina Bea Alonzo (3.84%), Judy Ann Santos (3.01%), at Solenn Heussaff (1.60%).

Para naman sa male category ng FAB Award, leading pa rin si Xian lim with 62.28 percent na sinusundan ni Enrique Gil (29.84%), Coco Martin (4.62%), Piolo Pascual (2.00%), Enchong Dee (1.26%).


TEEN STAR OF THE YEAR. Si Kathryn Bernardo ang leading si Teen Star of the Year female category with 83.19 percent, na sinusundan ng Kapuso star na si Julie Anne San Jose with 32.48 percent, at sa 3rd place ay si Julia Montes with 23.55 percent, habang nasa pang-apat na puwesto si Louise Delos Reyes with 0.58 percent, at nasa huli si Sophie Albert with 0.19 percent.

Kung si Kathryn ang 1st place sa female category, ang leading man niyang si Daniel Padilla ang nangunguna sa male category ng Teen Star of the Year with 50.77 percent na sinusundan ni Elmo Magalona with 40.21 percent. Ang mga sumunod naman ay sina Derrick Monasterio (4.82%), Kristoffer Martin (2.39%), at Khalil Ramos (1.81%).

Leading pa rin si Daniel sa Breakout Star of the Year with 75.85 percent na sinusundan ni Angeline Quinto with 14.55 percent, habang nasa ikatlong puwesto si Isabelle Daza with 8.28 percent, at sumunod naman sina BB Gandanghari (0.77%) at Vin Abrenica (0.54%)

CELEBRITY PAIR OF THE YEAR. Hindi pa rin nauungusan sa unang puwesto ang team-up nina Kim at Xian para sa Celebrity Pair of the Year with 79.86 percent at nasa 2nd place sina Nikki Gil at Billy Crawford with 13.07 percent.

Sa 3rd place naman ay sina Toni Gonzaga at Paul Soriano with 3.60 percent habang nasa pang-apat sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez (2.44%), at huli naman sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban with 1.01 percent.


CHILD STAR OF THE YEAR. Mahigpit naman ang labanan nina Xyriel Manabat (49.61%) at Ryzza Mae Dizon (49.52%) na halos 0.1 percent lang ang lamang ni Xyriel kay Ryzza.

Nasa pangatlong puwesto pa rin ang Kapuso child star na si Mona Louise Rey with 0.86 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman matinag sa unang puwesto sa male category si Zaijian Jaranilla with 50.98 percent na sinusundan nina Bugoy Cariño (45.53%) at JB Agustin (3.49%) na pareho ring Kapamilya stars.


SHOWBIZ TREASURE OF THE YEAR. Consistent top one si Gina Pareño sa first place with 52.30 percent at pangalawan si Gloria Romero (37.08%), pangatlo si Anita Linda (4.82%), pang-apat si Nova Villa (4.63%), at panghuli si Luz Valdez (1.14%).

Para naman sa male category, leading pa rin si Ronaldo Valdez with 41.48 percent, sumunod si Joey De Leon with 32.59 percent, na sinundan ni Eddie Garcia (21.33%), at Eddie Gutierrez (4.59%)


PRIMETIME TELESERYE OF THE YEAR: Undisputed pa rin ang papatapos na teleseryeng Ina, Kapatid, Anak with 41.43 percent habang sa second place ay ang Princess And I with 35.19 percent.

Narito pa ang nakuhang percentage ng iba pang nominado sa Primetime Teleserye of the Year: Temptation of Wife (09.04%); Kailangan Ko’y Ikaw (3.40%); Juan Dela Cruz (2.82%); Kahit Konting Pagtingin (2.58%); Apoy Sa Dagat (1.50%); A Beautiful Affair (1.14%); Indio (0.64%); Mundo Mo’y Akin (0.49%); Paroa: Kuwento ni Mariposa (0.43%); Aryana (0.40%); Never Say Goodbye (0.33%); Pahiram ng Sandali (0.20%); Kahit Puso’y Masugatan (0.14%); Kidlat (0.12%); Enchanted Garden (0.12%); Aso ni San Roque (0.08%).

Samantala, tuloy-tuloy lang ang botohan para sa PEPsters’ Choice ng The PEP List 2013 para sa first quarter nito hanggang June 30, 2013.

Sa susunod na quarter, panibagong set of nominees na naman ang ilalabas based on the numbers (page views, unique visitors, shares, and comments) of PEP at deliberation ng editorial team.

Para sa mga hindi pa nakaboto, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list, at maaaring bumoto ang bawat isa hanggang 50 beses sa isang araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN