Max Collins on being teased about her high standards for choosing a boyfriend: “Siguro mataas ang standard ng mom ko sa magiging boyfriend ko.”

Max on being compared to Alice Dixson: “Nasabi po, parang may similarities daw po. I guess, meron siyang nakikitang similarities sa amin. Di ba, medyo western din si Ms. Alice, parang ganun. Western din ako. Siguro, doon niya nakikita ang similarities pero, nakakatuwa kasi, si Alice Dixson yun. And she’s my mom’s favorite actress. My mom always talks about Ms. Alice and once I met her, napakabait niya, napakaganda.”


Habang nag-aagahan sa Blue Water Resort sa Panglao, Bohol noong Sabado, June 1, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga bida ng pelikulang Bamboo Flowers na si Max Collins.

Ang naturang pelikula ang official entry ni Maryo J. delos Reyes sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ngayong September.

HIGHLIGHTING THE BEAUTY OF BOHOL. Para kay Max, isang napakalaking karangalan nga raw sa kanya na mapasama sa pelikulang ito.

“Nakakatuwa kasi, kahapon ko lang naisip na, I think, siguro, ang dream ng mga artista abroad is magka-movie sa Asian countries, sa bundok, remote areas.

“And it’s so rare na nakakagawa sila ng ganoong movie.

“And nandito na ’ko, naramdaman ko yun noong nasa bundok kami kahapon. And it would be such a beautiful movie. Kasi, nakita ko ang mga shots ni Direk... ang linaw, ang ganda ng mga scenery kasi.

“So, lalo na for tourism, para makita ng mga tao kung ano ang meron ang Bohol.

“It would bring more pride para sa Bohol, sa mga shots pa lang, ang gaganda,” pagmamalaki niya.

Si Max ang gumaganap na Dolores sa Bamboo Flowers. Boyfriend niya sa indie film si Orlando Sol. Pero habang nag-o-OJT siya sa isang resort, nakilala niya si Paul Homme (isang British actor from PETA).

Isang desisyon ang kailangang gawin ng karakter niya: kung sasama siya sa isang foreigner na nagkagusto sa kanya o sa boyfriend na hindi makaalis-alis ng bansa dahil hindi pa rin makapasa sa kinuhang kurso.

Ayon kay Max, “The question of the story is, kung sasama si Dolores kay Walter or kung susundin niya ang kanyang heart? Ang ganda ng kuwento niya at ang kagandahan pa ng kuwento, true-to-life talaga siya.

“At yun nga, nang ma-interview ko ang ilang nag-trabaho rito sa Blue Water Panglao, nakuwento nila sa akin na may mga similar situations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At yung mga kaibigan din nila, naranasan din na kailangan nilang mamili sa love or opportunity.

“And usually raw, kapag in-love ang girl, sasama na lang siya sa love niya kahit hindi naman mayaman,” patuloy niyang kuwento.

Gustung-gusto rin daw ni Max ang karakter na napunta sa kanya. Tatlong kuwento kasi ito, pero hindi raw matatawag na trilogy.

Sabi pa ni Max, “Ang ganda ng character. And siguro, no one expects that I can do it. If I can make the character of Dolores believable, happy na ko. Happy na po ako,” sabi niya.

WORKING WITH DIREK MARYO. Ang Bamboo Flowers ay masasabing ipinangako rin sa kanya ni Maryo J noong nagte-taping pa lang sila ng Pahiram ng Sandali. Natuwa ito sa kanya nang hawakan pa lang siya sa workshop.

“Tinupad niya, tinupad niya ang sinabi niya!” nakangiting sabi ni Max.

“Napaka-supportive ni Direk sa akin. Ever since nag-start kami together. He never stopped believing in me,” pagmamalaki niya.

Kumusta naman si Maryo J bilang direktor sa pelikula kumpara noong dini-direk siya sa teleserye?

“Mas organic,” saad niya.

“Mas natural ang acting. And kilala niya ’ko kaya alam niya kung ano ang kaya kong gawin... ano ang weaknesses ko, strengths.

“Alam niya kung saan niya ’ko ipu-push o kung anong emotion ang gusto niyang ilabas sa akin.”

ON BEING COMPARED TO ALICE DIXSON. Naitanong namin kay Max kung ano ang pakiramdam niya na kapag si Direk Maryo ang tinatanong, naikukumpara siya nito kay Alice Dixson na dati ring artista nito sa marami niyang pelikula noon.

Pahayag naman ni Max, “Nabanggit po niya.

“Nasabi po niya, parang may similarities daw po. I guess, meron siyang nakikitang similarities sa amin.

“Di ba, medyo western din si Ms. Alice? Parang ganun. Western din ako. Siguro, doon niya nakikita ang similarities pero, nakakatuwa kasi, si Alice Dixson yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And she’s my mom’s favorite actress. My mom always talks about Ms. Alice and whene I finally met her the first time, napakabait niya, napakaganda...

“I met her sa isang art museum. Nahihiya akong lumapit sa kanya, then, si Tim Yap, siya ang nag-introduce sa amin.

“Wala akong masabi, ang nasabi ko lang, love na love po kayo ni Direk Maryo,” natatawang kuwento niya.

“At sinabi niya po sa akin, ’enjoy your time with Direk Maryo. He’s the best mentor.’”

NO EXPECTATIONS. Ang attitude raw ni Max sa buhay, hindi raw siya nag-e-expect ng mga mangyayari o puwedeng mangyari sa kanya.

Kaya naman daw kapag may magandang nangyayari sa kanya, lalo na sa career niya, doon siya mas natutuwa.

“Ayokong masyadong mag-expect... umasa. I’m just thankful with everything that I am getting so far like Pahiram Ng Sandali, hindi ko naman ine-expect yun.

“Like ito, never ko namang na-expect ’to. Lahat ng dumarating na blessing sa akin.

“Basta, sine-savor ko lang lahat, gusto ko lang pagbutihin ang trabaho ko and if one day, I’ll get somewhere, I’ll be happy.”

Unang pelikula niya ang Bamboo Flowers.

Nakahanda na ba siya sa maaari ring maging kritisismo sa kanya?

“Yes,” saad din niya.

“Doon din ako kinakabahan. Kasi, gusto ko rin namang maging proud si Direk Maryo sa film. I don’t want to him down at ang mga Boholanos sa hometown nila. Malaking pressure,” pag-amin niya.

May ginawa rin daw sana siyang short film, pero hindi raw yata natapos. Kahit anim na taon na rin siya noon sa ABS-CBN, hindi raw siya nakagawa talaga kahit mag-cameo.

Kaya isa raw sa pinangarap niya ang makagawa ng pelikula.

“Kaya nga noong sinabi niyo na si Ruru [Madrid], second or third movie na niya ito, wow, buti pa siya,” nakangiting sabi ni Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dream ko po ’to, makagawa ng movie kaya masaya po talaga ko.”

Sa totoong buhay, pagkagaling sa Amerika, tumira at lumaki rin si Max sa buhay probinsiya. Kung tutuusin, hindi lang probinsiya kung hindi sa isla mismo.

SAVORING THE SIMPLE LIFE. Tumira si Max sa Boracay ng ilang taon. Kaya yung karakter niya rin, puwedeng sabihin na puwede pala siyang maka-relate.

Pag-amin naman ni Max, “Yes po, yung mga memories...

“At saka, sa tingin ko lang, iba ang mindset talaga ng mga probinsiyano. Yung nakikita mo araw-araw, hindi mo na naa-appreciate.

“Actually, ito ang nangyari sa akin, noong nasa Boracay kami ng family ko, there was a time na nagbakasyon kami sa Manila nang matagal.

“And then, gusto sana ng Mom ko na lumipat na sa Manila for good.

“Ang mommy ko, taga-Kalibo, Aklan talaga. Siguro mga 13 ako noong nasa Manila kami.

“Parang nagka-insomnia pa ’ko noon, hindi ako makatulog kasi, nasanay ako sa beach life. Tapos bigla akong nailagay sa city.

“Ay, iba pala… kahit na galing pa ako ng San Francisco. But I think, iba talaga kapag natira ka sa province, nagiging happy ka sa simpleng bagay.

“Iba rin noong nasa States, puro shopping ang nasa isip namin. Mababaw na happiness. Sa province, naging laid back.

“Naa-appreciate mo talaga ang sunset. But when I was in Manila, nagsisi ako na hindi ako nag-swimming araw-araw.

“Hindi ko na-savor ang sunset, ang sun, so, sabi ko, ’Mom, balik na lang tayo please.’ Nakiusap ako sa kanya.

“So, noong bumalik kami, everyday, no fail, nag-swimming ako.

“Then, naglakad ako pauwi. Para lang ma-enjoy ko at masabi ko na kapag umalis kami ulit, hindi ko na mami-miss kasi, nakita ko na lahat doon.”

LOVELIFE. Pagdating sa lovelife, natawa kami dahil nag-iba na ang hanap niya ngayon sa puwede niyang maka-relasyon o maging boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatandaan namin nang sinabi ni Max noon na hangga’t maaari, gusto niya na non-showbiz sana ang maging boyfriend.

Pero nang kausap namin siya, iba na.

Aniya, “Yung totoo lang, wala akong lovelife. Career muna talaga. At saka, sa totoo lang, iba ang hinahanap ko kung magkaka-boyfriend ako.

“Gusto ko, friends muna bago mag-date. Siguro, better kung same career kami para magkakaintindihan kami.”

PREFERS SHOWBIZ BOYFRIEND. Bakit gusto na niya ngayon ng showbiz din na boyfriend?

“Oo nga, ngayon, iba na. Mahirap din kung hindi same career.

“Hindi nila maiintindihan ang trabaho. Hindi nila alam kung ano ang demands ng mga actors sa work natin. Mas madali siguro kapag ang partner mo, nakakaintindi sa ’yo.”

Natatawa rin na si Max na ang nagsabi, “Iba na ang lines. Nagbago.”

Bakit nga nagbago?

“Siguro kasi dahil busy na sa work, parang ang hinahanap ko, yung taong magsu-support sa ’yo, yung more on friends, companion.

“Pero siyempre, kapag hindi nila alam ang trabaho mo, hindi nila alam kung paano ka nila sasaluhin, tutulungan, susuportahan. So, yun.”

Nasulat na tila nagdi-date sila ni Fabio Ide.

Kumusta na sila?

“Friends pa rin kami. Kapag lumalabas ang best friend ko at friend niya, sumasama pa rin ako, lumalabas pa rin kami. Friends naman talaga kami.

“Pero siguro, this time of my life, mas kailangan ko ng support,” diin niya.

MOM KNOWS BETTER. Tila siya ang tipo ng babaeng mataas ang standard sa pagpili ng magiging boyfriend; tama ba?

“Siguro mataas ang standard ng Mom ko sa magiging boyfriend ko,” natawang pahayag ni Max.

Paano niya nasabi?

“Kasi kami ng Mom ko, bestfriend kami. Gusto rin niya na whoever, kung sino man ang makakasama ko, kailangang boto siya.

“Mahirap talaga siyang i-please. Mataas ang standard ng Mom ko,” pag-amin ni Max.

Dapat pala ang unang ligawan, ang Mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo,” natatawang sabi naman ni Max.

Marami namang naging kontra ang mommy niya kesa sa gusto sa manliligaw niya?

“Yes,” mabilis na sagot ni Max.

Paano kung ayaw ng Mommy niya pero, nagugustuhan niya?

“Sinasabi ko sa kanya, bigyan naman niya ng chance,” pangwakas na saad ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN