Ryan Cayabyab happy for Charice’s coming out; clears issue about Marion Aunor’s backing out from Philpop 2013 contest

Ryan on Charice: “Hindi naman nagbago yun e, pareho pa rin ang talent niya. So, I’m very happy about her coming out because that speaks of herself. Now she’s free to do anything she wants.”


Hindi raw malaking isyu para kay Maestro Ryan Cayabyab ang ginawang paglalantad ni Charice Pempengco na tomboy siya.

Humanga pa nga raw siya sa Pinay international singer. Anuman daw ang gender ni Charice ay nandoon pa rin naman daw ang talento nito.

Nang matanong nga si Mr. C (palayaw ni Ryan) kung willing siya na makipag-collaborate sa isang proyekto o kanta kay Charice, sabi niya, “Why not? Yes, of course.

“Hindi naman nagbago yun e, pareho pa rin ang talent niya. So, I’m very happy about her coming out because that speaks of herself. Now she’s free to do anything she wants.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mr. C sa presscon para sa rebelasyon ng song interpreters at album launching ng Philippine Popular Music Festival o Philpop 2013 produced by Universal Records na ginanap noong Hunyo 5 sa Ariatto Function Center sa Il Terrazzo sa Tomas Morato, Quezon City.

Nagkatrabaho na raw dati sina Mr. C at Charice. “Yes, nagkatrabaho na kami dati sa Channel 2 sa isang [musical] special,” sabi niya.

PHILPOP 2013 FINALISTS & SONG INTERPRETERS. Abala ngayon si Maestro Ryan sa Philpop 2013, ang songwriting contest na itinataguyod ng Philpop MusicFest Foundation Inc., kung saan nagsisilbi si Mr. C bilang executive director.

Ang foundation ay pinamumunuan bilang chairman ng sikat na businessman at TV5 big boss na si Manuel V. Pangilinan. Magaganap ang Philpop 2013 finals night sa July 20 sa Meralco Theater at mapapanood ito sa TV5.

Proud nga si Mr. C sa napili nilang Top 12 finalists ngayong taon. Pinagsamang mga beterano at baguhan daw ang songwriters na nakapasok sa Top 12 at pawang sikat na artists din ang napili para mag-interpret ng mga kanta.

Ang 12 finalists na maglalaban para sa premyong isang milyong piso ay sina Joey Ayala (para sa kantang “Papel” na i-interpret din ni Joey kasama sina Gloc-9 at Denise Barbacena); Jungee Marcelo (“Pansamantagal” with Sitti Navarro and Julianne Tarroja as interpreters); Myrus Apacible (“Sana Pinatay Mo Na Lang Ako” with Kimpoy Feliciano); Paul Armesin (“Segundo” with Yael Yuzon); Marlon Barnuevo (“Araw, Ulap, Langit” with Christian Bautista); Johnoy Danao (“Kung Di Man” with Ney Dimaculangan); Raffy Calicdan (“Space” with Banda ni Kleggy and Kean Cipriano of Callalily); Ganny Brown (“Askal” with Jose and Wally); Adrienne Sarmiento-Buenaventura (“Sometimes That Happens” with Ace Libre of Never the Strangers); Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana (“Dati” with Sam Concepcion, Tippy Dos Santos and Quest); Lara Maigue (“Sa ’Yo Na Lang Ako” with Karylle); at Kennard Faraon (“Time Machine” with Six Part Invention).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARION AUNOR ISSUE. Originally kasama sa finalists ang awiting “Do, Do, Do” ni Marion Aunor, pamangkin ni Superstar Nora Aunor.

Pero paliwanag ni Mr. C na personal daw ang dahilan ng pag-backout nito sa contest at hindi ito tinanggal.

Paglilinaw nga ni Mr. C, “Sila po mismo ang nagsabi… it’s a personal request kung puwedeng hindi na siya sumali sa Philpop. Hindi siya natanggal. It’s a personal request.”

Totoo bang kaya nag-backout si Marion sa Philpop ay dahil Universal Records ang magri-release ng album?

Bini-build up kasi ng Star Records at ABS-CBN ang young singer-composer matapos itong tanghalin bilang isa sa winners sa Himig Handog, ang songwriting competition ng Kapamilya Network.

“Sa totoo lang hindi yun ang question. Dapat sa kanila n’yo tanungin kasi sila naman ang nag-request kung puwedeng huwag nang sumali,” dagdag pang paglinaw ni Mr. C.

Maganda raw ang kanta kaya nga ito napili sa Top 12. Pero karapatan din daw ni Marion kung gusto nitong mag-backout o i-pull out sa contest ang kanta niya.

“Maganda yung kanta pero ang sasabihin ko sa inyo meron pang walo [kanta] na sobrang magaganda rin na naghihintay [on reserve just in case may mag-backout] so, hindi kami na-rattle at all.

“So, I talked to her and told her, ‘I like your song. I wish you well.’ I believe she’s gonna have a career in the future.”

Nag-backout naman daw si Marion bago pa ang recording ng album.

“Yes, but they were very nice. But I must say na I felt a little bad, a little only kasi sayang… feeling namin sayang kasi ang ganda ng kanta niya, ang ganda talaga ng kanta ni Marion.”

Ang pumalit daw sa kanta ni Marion ay ang “Time Machine” ni Kennard Faraon.

“Ang huling pumasok ay yung “Time Machine” interpreted by Six Part Invention, composed by Kennard Faraon. Si Kennard was in last year’s competition. So, nagulat siya nung nakapasok siya ulit kasi hindi niya akalain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nilinaw na ni Mr. C ang tungkol sa isyu kay Marion, wish nga niya na sana ay wala nang lumabas na intriga tungkol dito. Maayos naman daw kasi ang naging pag-uusap nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN