Vice Ganda pokes fun at Gerald Anderson and Rayver Cruz’s "special friendship"

Some hilarious excerpts from their "playtime" episode on Gandang Gabi Vice:

Rayver to Gerald: “Ganyan akong ka-concerned sa ’yo, bro. Binabantayan talaga kita hanggang makatulog ka.”

Gerald on Rayver: “Pero minsan tumatabi ako sa kanya na hindi niya alam.”


Nakakatuwang panoorin ang mag-best friends na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz na pinaglalaruan ni Vice Ganda sa isang episode ng Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN kamakailan.

Nagkataong bisita ni Vice ang dalawa bilang bahagi ng second anniversary presentation ng nasabing late-night Sunday show. Ang friendship nga raw ng dalawa ang kakabog sa pagkakaibigan nina Luis Manzano at Billy Crawford.

Matagal na pala ang pagkakaibigan ng dalawa.

Sabi ni Gerald, “Oo, close kami. Matagal na. 2006 pa. Nakilala ko si Rayver sa basketball ni Joross [Gamboa]. Sa Parañaque yun.”

Sabi naman ni Rayver, “Noong makita ko nga siya sa basketball, sinabihan ko siya, ‘Bro, ang gwapings mo, ah. Bakit hindi ka mag-artista?’

“Yung iba nga, nangingiti sa amin kasi kami lang ang laging nakikitang lumabas, e.”

Napagkakamalan na silang mag-boyfriend sa sobrang closeness nila?

“Malamang,” saad ng ex-boyfriend ni Cristine Reyes. “Kasi, kami lagi ang magkasama.”

Sabay biro ni Vice kung magkahawak sila ng kamay habang naglalakad.

Pabirong sagot naman ng boyfriend ni Maja Salvador, “Minsan. Malamig kasi, e,” sabay pagmuwestra kung paano sila maghawak-kamay na obviously ay hindi seryoso.

Hindi ba sila naiilang sa isa’t isa?

Mariing sabi ni Gerald, “Hindi, e. Kumbaga, matagal na naming ginagawa ‘yan. Ganun talaga kami.

“Mula pa noong 2006 kapag nagyu-US tour kami at nag-a-abroad kami ay lagi kaming magkasama sa kuwarto n’yan.”

Kumportable naman ba sila sa kuwarto?

“Oo naman,” sagot n Rayver.

Nakakatulog ba naman sila ng maayos?

“Oo naman,” dagdag pa niya.

Nakadilat daw si Gerald kapag natutulog, pambubuko ng kapatid ni Rodjun Cruz.

“Ang dami mong napapansin sa akin, ha, bro?” buwelta ni Gerald.

Sagot naman nung isa, “Ganyan akong ka-concerned sa ’yo, bro. Binabantayan talaga kita hanggang makatulog ka.”

“Pero minsan tumatabi ako sa kanya na hindi niya alam,” walang malisyang kuwento naman ni Gerald.

Maging ang mga lalaking magkakaibigan ay nagki-kiss din daw sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba ito sa dalawa?

“Oo, kini-kiss ko ‘yan!” bulalas ni Rayver na tipong hahalikan sa pisngi si Gerald pero hindi naman itinuloy.

Ano raw ang pakiramdam kung kini-kiss sila ng lalaki?

“’Pag si Rayver, kinikilig ako e, ” pagpapatawang buwelta ni Gerald.

“Gusto ko yung sabi ng babae na, ‘Oh my God!’ patukoy sa sigaw ng isang babaeng kabilang sa studio audience.

Pero, maraming lalaki na kapag kini-kiss ng kapwa lalaki ay nau-off ang pakiramdam.

Sabi pa ni Gerald, “Ako hindi naman kasi matagal na rin kaming magkasama.”

Ano naman ang pakiramdam ni Gerald kapag kini-kiss siya ni Rayver.

“Okey naman,” natatawang reaksyon ni Gerald.

Ano naman ang nadi-discover nila sa isa’t isa kapag magkasama sila sa kuwarto?

“Malinis naman siya,” sabi ni Gerald patungkol kay Rayver. “Malinis siya. Malinis kami.

“Pero, mas makalat ako sa kanya sa kuwarto.

Sabay ba silang mag-gym?

“Hindi kami sabay ma-gym,” pagpatotoo namin ni Rayver.

Bakit nga ba hindi sila sabay?

“Iba ang work-out nito, e,” turo naman ni Gerald kay Rayver. “Okey naman para magka-miss-an kami,” biro pa niya.

EXPERIENCE IN CANNES. Noong nakaraang Cannes Film Festival kung saan sila magkasama ay may nakakatuwang karanasan ang dalawa.

Kuwento ni Rayver, “Kumain kasi kami sa restaurant. Sabi ko sa kanya, ’Bro, treat ko na ’to sa ’yo.’

“Ang nangyari ay hindi pala tumatanggap ang restaurant ng US dollars.

“Hindi ko naintindihan. Ang akala ko, ang sabi niya ay ’oo.’ Sabi niya sa akin [ni Gerald], ’diyan ka muna.’

Sabay salo ni Gerald sa kuwento.

“Sabi ko sa kanya, dito ka lang muna, puntahan ko muna si Sam [Milby]. Kasi si Sam nandun pa, e.

“Wala kasi kaming euros [currency sa Europe], pagbalik ko lasing na siya,” natatawang pagbabalik-tanaw niya.

Buwelta naman ni Rayver, “Sa tagal kasi n’ya, nagmukha akong timang dun. Kaya order ako ng order. Hindi ko alam, nalalasing na pala ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako lang mag-isa, e. Ayokong umalis. Hindi ako puwedeng umalis kasi wala kaming pambayad.

“Naghintay ako kasi baka sitahin ako.

“Mahigit isang oras na, hindi niya ako binalikan. Nalaman-laman ko na lang kaya pala ayaw niya akong balikan kasi wala pa siyang solusyon sa problema.

“Kaya, ayaw niyang magpakita. In short, iniwan niya ako sa ere.”

Nagdamdam ba siya sa ‘bes’ [best friend] niya?

“Sobra!” panggu-goodtime naman niya. “Sabi ko naman sa kanya, andito lang ako para hintayin siya.”

Pabirong paliwanag naman ni Gerald, “I’ll always always come home to you, bro!”

Dugtong pa niya na talagang proud na proud sa kanyang kaibigan, “Kahit saan, kahit sa New York kami, I always tell them na, ‘You know this guy, this guy is Rayver Cruz. Check the internet.

“This is Rayver Cruz, the Justin Bieber of the Philippines.”

Sa sobrang closeness ng dalawa, pareho din ba sila ng type of girls?

“Minsan,” sabi ni Rayver, “Masaya naman ako sa lovelife niya.”

Pareho palang gusto nila ng babaeng magaling sumayaw.

Ani Gerald, “Oo.”

Sundot naman ni Rayver, “Ako, oo din kasi dito ako nagsimula e.”

Nagtapos ang panggu-goodtime ni Vice sa dalawa sa pagpapasayaw sa isang babaeng nasa audience.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN