Jolina Magdangal reveals plans for dream house; not rushing to have a baby

Jolina shares her concept for the dream house she’s currently planning with hubby Mark Escueta: “Three bedrooms sa taas, tapos may basement. Gusto ko may attic. Gusto namin country na hindi naman kahoy lahat. Pero may touch ng memory lane. Kasi gusto talaga ng picket-fence, e. Gusto ko ng white and dark blue na yung pagpasok mo parang nasa Amerika ka... mga ganun.”


Masayang ibinalita ni Jolina Magdangal ang nalalapit na pagpapatayo ng sarili nilang bahay ng mister niyang si Mark Escueta.

Ang good news ay kinuwento mismo ni Jolina sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa isang birthday party sa Timog Ave., Quezon City.

Mula nang magpakasal sina Jolina at Mark noong November 21, 2011 sa Tagaytay, sa parents na ng nasabing drummer ng Rivermaya nanirahan ang dalawa.

Kaya matapos ang ilang taong pangarap, pagpaplano at paghahanap ng tamang lokasyon para sa magiging lovenest ng dalawa, matutuloy na rin sa wakas ang pagpapagawa nila ng kanilang sariling tahanan.

Pagbibigay-detalye ni Jolina, “Nakakuha na ng property sa may Commonwealth.

“And bago kasi kami kumausap ng architect at ng contractor, gusto namin sure na sure na kami kung ano ang gusto namin.

“So si Mark, meron siyang application sa computer na para siyang architect. Saka ang ginawa niya sukat lahat.

“Ipapakita pa namin siya sa architect pero at least alam na namin, hindi yung, ’ano kaya, high ceiling or what?’

“Three bedrooms sa taas, tapos may basement. Gusto ko may attic,” excited niyang pagbibigay-overview sa magiging structural design ng ipagagawang bahay.

Ano ang design ng buong bahay?

“Country na hindi naman kahoy lahat. Pero may touch ng memory lane. Kasi gusto talaga ng picket-fence, e.

“Gusto ko ng white and dark blue na yung pagpasok mo parang nasa Amerika ka... mga ganun,” detalye pa ni Jolina.

Kailan niyo uumpisahan ang pagpapagawa ng bahay?

“Nag-busy lang siya [Mark] ngayon sa tour ng album nila,” balita ni Jolina na ang tinutukoy nito ay ang banda ng asawa, ang Rivermaya.

“Tapos ako tinatapos ko na lang yung Mundo Mo’y Akin. Pero naumpisahan na naming i-decide kung ano yung gusto namin. Tapos, by next week, start na kaming kumausap ng architect.

“Probably, sa July magsa-start nang kumilos with other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa talaga magpapatayo ng bahay. Kasi gusto namin mga dalawang architect or consult-consult, hindi yung isa kaagad.”

May budget na ba kayong ilalaan sa pagpapagawa niyo ng bahay?

“Yun ang itatanong namin, magkano na ba yung materyales ngayon? Pero may enough kami para sa pagpapatayo. Kumbaga, nabayaran naman namin yung lupa ng full, e.

“So, yung na-save namin, iniisip namin kung maglu-loan pa kami. Pero hangga’t maaari sana wala na kaming i-loan or yung maliit na maliit lang,” dagdag niya.

BABY PLANS ON HOLD. Ibig sabihin hindi pala kinakailangang magmadali sa pagkakaroon ng baby dahil magiging busy ka rin sa pagmu-monitor sa itatayong bahay niyo?

“Ah, hindi. Siya naman ang magbi-busy dun, charot!” pabaklang sambit ni Jolina na ang ibig niyang sabihin ay si Mark ang gagawa ng effort para doon.

“Hindi kasi kati-katera ako. Gusto ko ring nakikita yung mga bagay-bagay.”

Meaning, hindi mo muna gustong pagka-abalahan ang pagbi-baby?

“Ahmmm, siguro huwag munang madaliin. Pero huwag naman yung parang okey lang, next year! Huwag naman din. E, hindi na rin naman ako bumabata. Ayokong mahirapan,” pag-amin niya.

Sa palagay mo ba inaayos lang ng Diyos ang lahat bago ka bigyan ng baby? Gaya niyan, baka hintaying matapos muna ang bahay nyo o di kaya ay sa kalagitnaan nang pagpapatayo ninyo ng tirahan bigla kang nabuntis?

Aniya, “Sa tingin ko, the more mo yatang hinihingi, the more na hindi ibibigay sa iyo, e.

“At saka lagi naman akong nagdadasal. Kung para sa akin…alam mo Lord kung para sa akin at kung kailan mo ibibigay kapag kaya ko, ha?

“Pero pag alam mong hindi ko kaya, sini-save mo lang siya, si mini-me... ang tawag ko mini-me.”

CHECK-UP. Regular ba ang fertility check up mo?

“Ahmm, kasi three weeks ago lang kami nagpa-check up noong ikinasal kami. So, parang ano... wala naman sinasabing next na check-up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong advice ng doctor mo?

“Oo, okey naman siya. Oo naman!” masayang bulalas ni Jolina.

“Saka first time kong magpa-check up nang ganoon. Hindi ako sanay. Natakot ako, kinabahan ako... kasi thirty plus [years old] na rin ako, e.

“Kahit sabihin mong... kumbaga, bata pa lang ako nagsu-showbiz na ako, napupuyat na ako, napapagod...

“So, iba pa rin pala nung nandoon ka and finally... kasi dati-rati kapag nakakakita ako sa hospital na magpapa-check up na mag-asawa, parang hindi ko ma-imagine na ’kelan kaya ako magkakaganito?’

“Tapos nung nandon na ako, iba pala yung feeling? Totoong buhay na pala ito! At saka proud ako ha? Proud ako na nagpapa-check up ako.

“Dati no-no na makita ako sa mga ganyan.

“Tapos, nagdi-daydream na kami. Umaarte na kami na... kasi cute na cute ako sa timbangan nung sa baby. Parang sabi ko, next time ititimbang na d’yan yung sa atin.”

Sa Asean Hospital sa may Alabang nagpa-check up si Jolina at maliban sa kaba na naramdaman niya, na-excite rin daw siya.

“Kasi takot ako sa hospital, e. Yung amoy ng hospital ba? Iniisip ko pa lang na ospital parang sumisikip na yung dibdib ko.

“Dati puro takot, e. Pero ngayon may halong excitement. Kasi kasama ko si Mark kaya nai-excite ako,” natatawa niyang kuwentno.

Nagmamadali ba si Mark?

“Hindi siya nagmamadali pero nasa plan na rin namin. Kasi sinasabi ko sa kanya na sure na ba?

“Ngayon na tayo magpapa-check up? Kasi kasagsagan pa ng puyat ng Mundo Mo’y Akin. Ikaw [Mark], nagtu-tour ka nang ganyan-ganyan.

“Ang sabi niya laging magkakaroon ng trabaho, laging papasok ang schedule. Pero yung pagpapa-check up dapat hindi binabalewala. So, ako, cge, go!”

Kumusta naman ang lambingan o ang sex life ninyo?

“Ay, kailangan pa bang sagutin yan? Itatanong ko muna kay Doc kung dapat kong sagutin yan!” natatawang tugon ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, happy kami. Hindi kami nagkakaroon ng problema at mga tampuhan.

“At kung meron man kaming hindi pinagkakaunawaan, ang dali lang naming ayusin. Kasi ako, hindi rin naman ako mapakali na natutulog akong mabigat ang loob ko.

“So, nakakapag-usap naman kami para ayusin ang mga bagay-bagay. Wala pa namang major, awa ng Diyos,” pag-amin niya.

WILLING TO GO ON MATERNITY LEAVE. Kung sakali bang mabuntis ka isa sa mga araw na darating, willing ka bang huminto sa trabaho?

“Depende yan sa ano ha? Hindi ko kasi alam bilang 30 plus [years old] na ako. Baka... pero nakita naman na wala namang mali. Wala namang diperensya.

“Pero iba na pag tumubo na ang butil doon, baka mamaya kailangan ka nang nakahiga.

“Willing naman ako. Ay, oo naman. Pag sinabi ng doctor na kailangan kong magpahinga, kailangan.

“Hindi na ito biro. Buhay ko na ito, buhay na ito ng pamilya namin, buhay namin ni Mark. And I think nasa edad na ako. Nasa time na rin ako na ’eto ang kailangang i-prioritize, di ba?

“Pero hindi ibig sabihin, babush [goodbye] ang showbiz. Kasi masaya talaga ako sa showbiz, e.

“At saka feeling ko kapag nagkaroon pa ako ng supling, marami pa akong iku-contribute sa mga ibang ano naman... ibang iki-cater mo namang audience,” patuloy niyang kuwento.

SUNDAY ALL STARS. Hindi lang ang pagpapatayo ng bahay ang magandang balita ni Jolina kundi ang pagsama niya sa cast ng Sunday musical show na ilalabas ng GMA-7 pamalit sa isinarang Party Pilipinas.

“Sa June 16 or third week ng June. Pero iba na. Hindi naman ibang-iba na. May kakaibang performance level na ang mapapanood ng mga tao.

“Pero nakakatakot! Effort sa amin ’to. Eto, kumbaga, involved ang artist sa lahat.

“So, hindi pa puwedeng nagpapabaya. Yun ang feeling ko. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano pa yung laman. ’Yan pa lang yung ideyang sinabi sa amin,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat ka pa bang mag-effort gayong Jolina Magdangal ka na at matagal ka rin sa industry?

“Para sa akin, ayokong isipin na porke Jolina ako, ayokong mag-effort na ganyan-ganyan. Siyempre, iisipin mo yung mga kasama mo di ba?

“Parang gusto mo naman dahil iisang show kayo, kung um-effort sila. Mag-effort ka rin.

“Wala na yung ganyan-ganyan. Gustuhin ko man na enjoyin naman ito, nasa dugo ko na yan, e. ’Pag trabaho, trabaho,” diin niya.

Hindi ba puwedeng sa inyo na lang mga seniors ibinigay yung medyo magagaang na production numbers at ibigay sa mga juniors ang medyo pasabog na musicale at dance routines kung ganito ang magiging takbo ng show?

“As of now, hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari sa meeting ha? Actually, nung miniting ako feeling ko magbabago pa. Hanggang June pa.

“Hindi ko alam kung yun pa ring mga sinabi sa akin ang gagawin. Kasi wala pang advice uli kung ano pa yung ibang mangyayari..

“Pero sa akin kasi pag trabaho, trabaho, e. Kahit ano pang sabihin mo na ang tagal-tagal mo nang ginagawa yung Sunday show, noon pang Sanlinggo nAPO sila, mga ganyan-ganyan... trabaho pa rin ako.”

Tungkol sa susunod niyang acting project ngayong magtatapos na ang Mundo Mo’y Akin, wala pa raw sinasabi sa kanya ang manager niyang si Perry Lansigan.

“Kasi alam mo naman na pag natapos ka sa isang project, hindi naman yung agad-agad na bibigyan ka ng project.

“Kung ano yung ibigay at feel naming ni Perry maganda naman, gusto namin, siyempre tatanggapin namin,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN