Kean Cipriano clarifies alleged fistfight incident in Banana Nite taping; reiterates he’s not leaving Callalily

Kean narrates the prank that started the issue: “Ahh, walang fight, walag ganun. Clear ko lang, it’s not true. There’s this thing na they do… na parang nangdyu-joke na…basta may parang prank na ginawa sa akin sa taping. Nagulat ako kasi, sorry to say, pero it’s some kind of a third-sex humor na ganun… na parang hindi ko na-gets. I don’t want talk about it ’coz I don’t want it to get big.


Nilinaw ng Callalily lead vocalist na si Kean Cipriano sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa intrigang kinasangkutan niya diumano at naganap sa late night gag show nila na Banana Nite sa ABS-CBN.

Lumalabas kasi na napikon daw siya diumano nang minsang magtaping sila at hindi niya nagustuhan ang ipinagagawa sa kanya na umabot pa raw sa suntukan.

Nagtatakang pagsisimula ng singer/actor, “That’s not true. I don’t even know that story.

“Check if it’s me ’coz I don’t get into a fight with anyone. Ano ako e, masaya ako sa mga taong nakakasama ko sa trabaho.

“Hindi ko aawayin ang mga yun at mababait ang mga taong nakakasama ko kaya ang balik ko ay dapat maayos din.”

So, maayos talaga ang relasyon niya sa ibang cast members ng Banana Nite?

Bulalas ni Kean, “Oo, sobrang saya. Sobrang solid kami sa Banana Nite.

“Kumbaga, yung tropa namin dun, ‘pag magkakasama yun, riot talaga kasi sobrang close kami. Walang room para mag-away.

“With due respect sa team ng Banana Nite, if something like that happened, I’m sure they won’t allow it.

“So, I’m just clearing it out na it’s not true.”

Pero, persistent ang kuwento na napikon nga raw talaga siya sa isa sa tapings na ginawa niya para sa show na ito.

GAY PRANK. Biglang may naalala si Kean.

Sabi niya na nangingiti, “Oh, yeah, I see. I know what you’re talking about.

“I know what they are talking about.”

Tuluy-tuloy na nga siyang nagkuwento tungkol sa insidenteng nangyari minsan.

Pag-alala ng singer/actor, “Ahh, kasi may joke na… okay, okay, I got it...

“Ahh, walang fight, walag ganun. Clear ko lang, it’s not true.

“There’s this thing na they do…na parang nangdyu-joke na…basta may parang prank na ginawa sa akin sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat ako kasi, sorry to say, pero it’s some kind of a third-sex humor na ganun… na parang hindi ko na-gets.

“Kinausap nila na parang…tapos sabi ko, parang…ano, get’s mo yun kasi ako parang hindi ako ganun.

“Kasi ayoko namang maglagay ng salita in my mouth na ano, e, hindi ko thing, e.

“Parang this joke na parang may bimpo ka sa face tapos iki-kiss ka kunyari, e, ayoko.”

Dugtong pa niya, “I don’t want talk about it ’coz I don’t want it to get big.

“Magkakaibigan kami dun, e. Kaya ayokong gawing isyu, e.

“It’s like I’m talking to Ogie Diaz na niloloko niya ako at ako naman ay nagre-react at sinasabi ko sa kanya na hindi totoo yun.

“Nakausap ko na yung taong involved and promise hindi ko talaga ginawa yun.

“Kung anuman ang sinasabi nila ay nire-respeto ko yun.

“Basta ako, hindi ko talaga makita ang sarili ko having an affair with a gay.

“I know you’re gay, I’m sorry but with the same sexuality, hindi ko talaga thing, e,” diin niya.

Kahit nga raw laging naku-connect ang pangalan niya kay Vice Ganda, isa sa mga kilalang gay personalities na malapit sa kanya, nilinaw niya na purely friendship lang ang namamagitan sa kanila.

Paliwanag ng 25-year old pop-rock singer, “I really don’t know why people get on that.

“Parang…parang ganito lang yan, e.

“I can be friends with Vice, I can be friends with you and I can be friends whoever na third sex person na nandito ngayon, di ba?

“Na parang baka nilalagyan ito ng, ‘Oy, may something sa inyo ni Vice, ah,’ kasi meron kaming something in common na nasa entertainment world.

“As you can see, I’m sure may mga kamag-anak tayong nasa third sex, may mga kaibigan tayong nasa third sex na hindi tayo dapat matakot ’coz they are good people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It depends on the person, right?” paglinaw niya.

In the first place, confident naman daw ang guwapong vocalist sa kanyang sexuality.

Pagbibiro niyang nakatawa, “What do you think? Yes, I am.

“I’m very comfortable with who I am and I know myself very well.

“No question about this.”

Hindi naman daw siya homophobic.

“I’m not,” mabilis niyang tugon. “I look at every person as an equal. At saka, it’s something na hindi ko siya pu-problemahin.

“Buhay nila yun, I’ve got mine.That’s it.

“I’ve met naman a lot of gays who are decent enough na maging kaibigan ko. May mga kakilala ako na ganun.

“Walang problema sa akin.

“It’s just…alam dapat nila where to draw the line,” pagklaro ni Kean.

NOT LEAVING CALLALILY. Ang isa pang intrigang nilinaw niya ay ang tungkol sa balak na raw niyang iwanan ang Callalily band dahil sa magku-concentrate na siya bilang solo artist at bilang isang artista.

Ani Kean, “That’s not true. Hindi ko iiwanan ang banda.

“Isang linggo nga lang na hindi ko sila makita ay parang nagkakasakit na ako.

“Seventeen years old kami ng mabuo ang band. Nag-tour kami and buo par rin kami. So why would I think like that?

“I have a solo thing like with ABS-CBN na ginuest [guested] nila ako sa projects nila, nakikita ako sa ASAP or wherever... I would always be Kean Cipriano Callalily.

“Callalily will be my surname na. That’s how much I love my band,” diin niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN