Allen Dizon hopes to win second acting award for indie film Lauriana

Allen on his positive outlook about always giving an award-winning performance in his films: “Siyempre, lahat naman, kapag alam mong ginawa mo at binigay mo ang best mo, manalo-matalo, parte yun. Parte yun ng pagiging tao. Mahirap kung hindi ka mag-expect. Paano kung sabihin na wala na lang manood. Pero kung hindi man manalo, okay lang sa akin.”


Dumating si Allen Dizon sa press conference ng Lauriana na nakasuot ng uniporme ng sundalo noong 1950s. Pero ngayong linggo pa lang na ito magsisimula ang shooting nito sa Quezon province.

Ginanap ang presscon sa RJ Bistro noong Biyernes ng gabi, June 7, kunsaan naroon ang buong cast ng pelikula kabilang na ang producer, scriptwriter na si Ricky Lee at director na si Mel Chionglo.

Ang pelikula ay official entry ng batikang director sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Malaking bagay nga raw na nakasama siya at nakagawa ng pelikula sa unang All Masters edition na ito ng FDCP.

“At saka, first time na mangyari na magkaroon ng ganito. Napakasaya ko na napasama ko at saka, si Direk Mel Chionglo, after namin ng Twilight, ito ulit,” pambungad na pahayag ni Allen sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang Twilight na tinutukoy ni Allen ay ang pelikulang ginawa nila noon kasama ang namayapa nang aktor na si Tyron Perez.

Sabi pa ni Allan, “Ang tagal na ng Twilight, ten years ago na. Si Tyron ang bida ro’n.

“Pumunta pa kami ng Toronto Film Festival at yun din ang first acting award ko. Nanalo akong Best Supporting Actor ng FAMAS at Star Awards.”

CRITICAL SCENE. Kakaiba rin at masasabing mapangahas din ang tema ng Lauriana kunsaan ang Kapamilya actress na si Bangs Garcia naman ang gaganap bilang si Lauriana.

Kabit lang ni Allen si Bangs dito at ang legal niyang asawa ay gagampanan ni Rich Asuncion. Sa matinding obsesyon ni Allen kay Bangs iikot halos ang pelikula na hango sa tunay na kuwento noon. May kakaiba raw siyang gagawin sa pagkababae ni Lauriana.

Marami ang nagtatanong kung paano raw kaya mai-e-execute at maipapakita talaga nang malaya sa pelikula ang nasabing maselang eksenang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Allen, “Puwede po, puwede po.

“Sa nakikita ko, malaki ang—well, depende na lang kay Direk Mel. Sa artista, sa cinematographer, sa artista. Siguro, doon magagawa,” paliwanag niya.

Sa Quezon province daw talaga nangyari ang kuwento na mismong bayan ni Direk Mel.

HOPING FOR ANOTHER AWARD. Umaasa ba siya ngayon na sa ikalawang pagkakataon na maidi-direk siya ni Mel Chionglo, posible siyang makasungkit muli ng award?

“Palagi naman, palagi naman, e,” pag-amin niya.

“Palagi ko namang ibinibigay ang best ko. Pero siyempre, nasa ano na yan, e... kung ibigay sa ’yo, consolation na yun.”

Sabi namin kay Allen, may kaibahan siya sa ibang artista na tuwing tinatanong kung umaasa ba na manalo ng award, madalas na sagot ay hindi sila nag-e-expect.

Nakangiting sabi naman ni Allen, “Siyempre, lahat naman, kapag alam mong ginawa mo at binigay mo ang best mo, manalo-matalo, parte yun. Parte yun ng pagiging tao.

“Mahirap kung hindi ka mag-expect.

“Paano kung sabihin na wala na lang manood. Pero kung hindi man manalo, okay lang sa akin.”

Masuwerte naman si Allen dahil bukod sa Lauriana, may entry rin siya sa Cinemalaya, ang indie film naman na Editha Burgos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN