Angel Locsin on settling down: “Lumagpas na ako sa deadline ko pero darating at darating din naman ‘yan.”

Angel Locsin says there are no special plans during her first anniversary with boyfriend Phil Younghusband. She reasoned out, “Ako, kahit saan basta magkasama kami, masaya na ako. “


Habang tumatagal, mas nagiging exciting daw para kay Angel Locsin ang paghihintay sa araw na magpapakasal siya.

Ilang beses na ring natanong si Angel tungkol sa paglagay nila sa tahimik ng kanyang boyfriend na si Phil Younghusband, subalit madalas na walang tiyak na kasagutan ang aktres tungkol dito.

Sa isang panayam kay Phil, sinabi niya na si Angel na ang “the one” para sa kanya. Ngunit hindi pa raw nila magagawa ang mag-settle down dahil na rin sa showbiz career ni Angel.

(Read: Phil Younghusband excited about his "future" with Angel Locsin)

Aminado naman ang 28-year-old actress na abala pa siya sa kanyang trabaho, pero hindi ibig sabihin na mas pinahahalagahan niya ito kaysa sa kanyang buhay pag-ibig.

Sabi pa ni Angel, “Medyo unfair lang kasi marinig ‘yon kasi breadwinner kasi ako ng pamilya ko.

“Para sa akin kasi, kaya nga ako nagtratrabaho para sa kanila.

“Hindi ganun kadali ang magdesisyon para sa akin kasi kailangan kong isipin ang pamilya ko.

“Alam ko naman na ang pamilya ko, gusto ng happiness ko, pero hindi lang kaya ng konsensiya ko na pabayaan ko sila.

“So, lahat ng gagawin ko, nakadepende sa pamilya ko talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Angel sa presscon ng Four Sisters And A Wedding kagabi, June 9, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

PAST HER DEADLINE. Natatawa pang ikinuwento ni Angel na noon ay sa edad na 22 niya naisip magsimulang magkaroon ng pamilya.

“Pero twenty-eight na ako ngayon, lumagpas na ako sa deadline ko pero darating at darating din naman ‘yan.

“Ewan ko, parang nakakatuwa kasi mas nagiging excited ka para sa bagay na ‘yon.

“Siguro kapag nagkaroon ako ng pamilya, sobrang the best siguro ‘yon.”

Inulit pa ni Angel na marahil magiging handa lamang siya kung sa tingin niya ay maayos na ang kalagayan ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman na sila, e. Parang gusto ko lang maibigay kung ano pa yung kakayanin ko, di ba?

“Mahirap kasi yung papasok ka pamilya nang hindi ka pa ready. Gusto ko lang lahat maayos,” sabi ni Angel.

FIRST ANNIVERSARY. Nag-celebrate ng kanilang first anniversary sina Angel at Phil noong May 27 sa Singapore.

Sinorpresa ni Angel si Phil, na may laro kasama ang Phillpine Team Azkals para sa Singapore Cup.

Walang naging espesyal na plano para sa okasyon, sabi ni Angel.

Ang dahilan niya, “Ako, kahit saan basta magkasama kami, masaya na ako."

(Read: Phil Younghusband denies proposing to Angel Locsin: "No... no ring at the moment!")


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN