Mikael Daez not threatened by Christian Bautista’s transfer to GMA-7

Nilinaw ni Mikael Daez ang usap-usapan na wala na raw siya sa Mercator Model & Talent Management. Sabi ng actor-model, "Well, right now, we’re okay. We’re still very good! Right now, we’re still very, very good. Kahit anong mangyari, Mercator and I are always going to be okay.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez sa Facebook private messaging kaninang umaga, June 10.

Tampok si Mikael sa upcoming morning soap ng GMA-7 na With A Smile, kasama sina Andrea Torres at Christian Bautista.

Tinanong namin siya kung ano ang role niya rito at kung sino ang peg niya sa kanyang character.

“Ang character ko sa With A Smile ay si Dean Vicencio.

“Kakaiba siya sa previous kong projects dahil ibang-iba ang personality niya.

“Very happy-go-lucky siya at mahilig sa babae—at hindi pareho ang babaero at isang taong mahilig sa babae.

“Si Dean kasi, parang super-friendly, outgoing lagi. At sa babae, sobrang lambing niya.

“May pagka-presko nga siya pero hindi sa masamang paraan.”



CO-STARS. Kumusta katrabaho ulit si Andrea, na nakapareha niya noon sa afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga? May nagbago ba sa kanya as a person, as an actress?

Sabi ni Mikael, “It is great working with Andrea! May chemistry talaga kami in our work.

“Sa tingin ko, may chemistry kami dahil sobrang dedicated kami sa ginagawa namin.

“Gusto talaga naming mag-succeed at magtatrabaho kami para mangyari yun.

“Ngayon, I think our friendship and working relationship is better.

“Mas malalim ang connection namin at sa tingin ko, mararamdaman din yun ng viewers.

“As an actress, I think she is really growing… mas lalo siyang gumagaling.”

Kumusta namang katrabaho si Christian for the first time sa isang soap opera at ano ang mga nadidiskubre niya sa singer?

“Similar si Christian at Andrea… dedicated din siya kaya madaling kausapin tungkol sa trabaho.

“So far, hindi pa kami nakakapag-taping nang magkasabay dahil hindi pa nagmi-meet ang characters namin, pero I’m sure magiging okay rin ‘yan.

“Magaan siyang kausap kaya malamang ganoon din siya sa trabaho kaya I’m looking forward to it.”



THREAT? Sa paglipat ni Christian sa GMA-7, hindi ba na-threaten si Mikael na maaaring may bagong “kaagaw” sa pagiging leading man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not at all," sagot niya.

"Sa GMA, parang family and friends kaming lahat, tulungan ito.

“Noong nagwo-workshop nga kami ni Christian and Andrea, desidido kami na kailangang magtulungan kami para maging successful ang show at para maging maganda ang experiences and memories during work.”

Ano ang meron kay Christian na wala sa kanya, at ano ang meron sa kanya na wala kay Christian?

“Siyempre, si Christian magaling kumanta.

“Ako na lang ang maghu-host, tapos si Andrea ang sasayaw!

“O, di ba, triple treat pala kami pag nagtulungan?” biro niya.



MANAGEMENT. Tinanong din ng PEP kay Mikael ang bulung-bulungan na wala na raw siya sa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud.

Pero pinabulaanan ito ng model turned actor.

Sabi niya, “Okay kami ng Mercator ngayon. We’re still very much okay.

"What I love about Mercator is that... that’s my first family. Lagi kong sinasabi iyon yung first family ko out of work.

“And until now, lahat ng relationships namin, malakas pa rin.

“Wala naman akong ibang manager.

“My relationship with the whole Mercator office and talents is very good.

“For me, parang family rin ’yan.

"Pag nasa event kami, sina JC [Tiuseco], Fabio [Ide], at Daniel [Matsunaga] ang mga nilalapitan ko kasi kumportable na kami sa isa’t isa.

“Also for the female models and beauty queens like Venus [Raj], we stick together pag nagkikita kami kasi kilala na namin ang isa’t isa.

“And ganun talaga ang gusto ko sa work ko, na parang may family kang napupuntahan.

"Mas nagiging enjoyable at magaan ang trabaho pag ganun, e.”

May problema ba sila ni Jonas?

“Kami pa ni Jonas! Ang relationship namin, ano ’yan e, parang fireball ’yan, e. Hahaha!

“Very strong ang relationship and personalities namin but, overall, me and Jonas, we’re always good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kaming problema.

"Disagreements, we’ve always had naman.

“Lahat naman ng manager and artist relationship, may mga disagreement.

"Pero overall, ang importante dun ay nare-resolve yung mga yun at nade-develop at naggu-grow yung relationship.

“Iyon yung importante at iyon yung nangyayari.

"And that’s why I love my Mercator family.”

May pagkakataon ba na nagpa-release siya kay Jonas?

Sagot ni Mikael, “I don’t know if it came out, but Jonas and I, marami kaming nasasabi when we’re arguing or when we’re talking.

"Pero like I said, yung pinakaimportante diyan lagi is that we’re a family.

“Kahit sa pamilya mo, yung mismong immediate family mo, laging may ganyan.

“So nakakatuwa naman kasi siyempre may excitement rin sa buhay mo.

“So iyon, that’s why I think very highly of my Mercator family and my GMA family and my With A Smile family.”

So, hindi totoong wala na siya sa Mercator?

Sagot ni Mikael, “Well, right now, we’re okay. We’re still very good!

"Right now, we’re still very, very good.

“Kahit anong mangyari, Mercator and I are always going to be okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN