Enchong Dee on his crush among Four Sisters And A Wedding female stars: "Siguro kung four years ago, kay Shaina. Pero naka-move on na ako kay Shaina, so Angel Locsin na."

Sa lahat daw ng co-stars niya sa Four Sisters And A Wedding, kay Angel Locsin lang daw naiilang si Enchong Dee. Kuwento pa ng young actor, “With Angel, sa kanilang lahat, ha, si Angel lang yung kinukumusta ako every day and every hour. Kung wala nga si Phil [Younghusband, boyfriend ni Angel], maiisip ko may gusto ka sa akin, e!”


Feeling proud si Enchong Dee na siya lang ang nag-iisang bidang lalaki— kasama sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao—sa pelikulang Four Sisters And A Wedding under Star Cinema, na showing na sa mga sinehan nationwide sa Hunyo 26.

Ginagampanan ni Enchong ang role ni CJ, ang bunsong kapatid ng apat na aktres na pipigilan ang nakatakda niyang pagpapakasal.

Sabi ni Enchong, “Oo, sobra kong suwerte kasi, di ba, ang dami namang puwedeng ipalit sa akin dito, pero ako yung pinili nila?

“Tapos kanina, pinakikinggan ko yung introduction ng Star Cinema na parang ‘gathering of biggest names in Philippine showbiz…’ parang nakakatuwa na you’re part of that.

“To be part of the 20th anniversary at pinagkatiwalaan ka ng Star Cinema, so masarap yung pakiramdam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enchong sa presscon ng Four Sisters And A Wedding kagabi, Hunyo 9, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.



WORKING WITH FOUR BIG ACTRESSES. Natutuwa nga si Enchong dahil naging close friends niya ang apat na female co-stars at naging maganda raw ang pagtatrabaho nila.

Sabi niya, “Definitely, especially si Angel, kasi si Angel talaga yung pinaka-stranger sa akin.

“Pero after this film, at least kapag nagkita kami, yung ilang wala na.”

Hindi ba siya naa-out of place kapag nagsimula nang mag-“girls talk” ang apat na aktres?

Sabi ni Enchong, “Hindi, may sarili naman akong dressing room.

“Kapag sila dire-diretso [magkuwentuhan], pupunta na lang ako sa dressing room, magpapahinga na lang ako.

“Pero minsan, tatawagin nila ako para kumain.”

Ano ang na-discover niya sa apat na aktres at ano ang na-gain niya sa experience na makatrabaho ang mga ito?

“Si Toni, she’s very devotional. Pupunta ako sa set, minsan pagod, minsan may nangyari, iku-connect niya yun sa Bible stories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, habang nasa set ka, mari-realize mo na imbes na pagod ka, mari-realize mo sa sarili mo na you’re blessed.

“So, yun ang bagay na sabi ko buti na lang nandun si Toni.

“And she never forgets to make us laugh—kaming lahat.

“Kay Bea… well, kay Bea, matagal na yung napagsamahan namin nito, sobra.

“I want to believe na matagal na yung pinagsamahan natin, Bea.

“Kasi even to the personal level, naikukuwento niya sa akin without the fear of baka maikuwento ko sa iba. She trusts me very much.

“With Angel, sa kanilang lahat, ha, si Angel lang yung kinukumusta ako every day and every hour.

“Kung wala nga si Phil [Younghusband, boyfriend ni Angel], maiisip ko may gusto ka sa akin, e!” biro ni Enchong kay Angel.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos yung kay Shaina, si Shaina yung kaagapay ko sa araw-araw.

“Minsan maghahawakan na lang kami, ‘Kaya pa natin, Shai.’”

Paliwanag naman nina Enchong at Shaina, sa cast daw kasi, sila yung naglalagare sa shooting habang may taping pa sila ng mga teleseryeng ginagawa nila sa ABS-CBN.

Si Enchong sa Ina Kapatid Anak, habang si Shaina naman sa Juan dela Cruz.



LONG TIME CRUSH ON ANGEL. Kung hindi kapatid o kaibigan ang trato niya sa apat na aktres, kanino sa mga ito siya magkakaroon ng atraksyon sa totoong buhay?

“Kay Angel Locsin,” sagot ni Enchong.

“Pero siguro kung four years ago, kay Shaina. Pero naka-move on na ako kay Shaina, so Angel Locsin na.

“Nasa kabilang istasyon [GMA-7] pa lang siya, crush ko na iyan, e, ginagawa pa lang niya yung Darna.”

So, pinagnasaan niya si Angel?

“Iba naman yung pinagnasaan sa hinangaan, di ba?” natatawang sagot ni Enchong.

Ngayong nakatrabaho niya si Angel sa movie, nagbago o nawala ba ang pagtingin niya rito?

“Hindi, e, hindi. Di ba, pagka may gusto kang isang bagay, kahit siguro may magustuhan ka pang ibang bagay, hindi mawawala yung pagkagusto mo doon sa isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Probably nabawasan, probably nag-iba. Pero now that I’ve worked with her, mas hinangaan ko pa siya because of her attitude, because of how she really is nung makilala ko siya.

“So, I guess it will always be there, admiration will always be there.”

Ayon kay Enchong, never niya raw nasabi nang harapan kay Angel na crush niya ito.

“Hindi, e. Kahit tanungin n’yo siya, sa kanilang lahat, sa kanya lang ako hindi nakakapag-joke.

“Kasi nadyu-joke ko si Shaina, si Bea, at saka si Toni kasi nakakasama ko sila.

“Pero si Angel, hindi ko siya nadyu-joke kung paano ko sila i-joke. Kasi nga ilang ako sa kanya, e.”

Masaya nga si Enchong na nawala na ang ilang factor na iyon. Pero wala raw siyang balak ligawan si Angel dahil alam naman niyang masaya ang aktres sa piling ng boyfriend nito.

Kuntento na raw siya na magkaibigan na sila ni Angel.



DIREK CATHY. Bukod sa kasiyahan na makatrabaho ang apat na malalaking Kapamilya actresses, hindi rin naitago ni Enchong ang kanyang excitement na makatrabaho ulit ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.

“Kay Direk Cathy, ang tagal kong hinintay ito, sobra.

“If I’m not mistaken, siguro fifth year ko na nag-e-expect na makatrabaho si Direk Cathy because the last time I worked with her, hindi pa ako kilala!” sabay tawa ni Enchong.

“So, talagang hinintay ko yung pagkakataon. And now, gusto ko pa ulit siyang makatrabaho.

“Kasi hindi ko nasasagad, naaano [nasasapawan] kasi ako nitong apat [na aktres] na ito, e.


“So, sana talaga makatrabaho ko ulit siya.”

Taun-taon daw ay masigasig na magtanong si Enchong sa Star Magic at Star Cinema kung magkakaroon ba siya ng project with Direk Cathy.

“Every year nagtatanong ako kung meron bang pagkakataon para makatrabaho ko si Direk Cathy.

“Of course, meron siyang gagawin, madalas si Kuya Lloydie [John Lloyd Cruz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagkakaroon ng chance para makatrabaho ko talaga siya.

“But now… may naririnig pa ako dati na baka hindi ako maging part [ng movie].

“Sabi ko, ‘Hindi! Ilaban natin ito. Gusto kong maging parte nito. Direk Cathy, huwag n’yo akong alisin!’”

Masayang-masaya naman daw si Enchong dahil napagbigyan siya. Tine-treasure niya raw na nakatrabaho niya si Direk Cathy sa Four Sisters And A Wedding.

“Yung hunger ko to work with different directors every now and then, naibigay dito.

“Pero I’m really hoping na sana after this, makatrabaho ko siya ulit. Kasi ibang klase yung atake niya rin as a director.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN