Kuh Ledesma on homosexual relationships: “Kasi, noong nilikha ni Lord si Adam at si Eve, wala naman si Frank!”

Kuh Ledesma on loving again: “Gustung-gusto ko siyempre! Pero na kay Lord iyon, e, kung sino ang dadalhin niya sa buhay ko. So ibinigay ko na yung mga qualities.”


Sa bagong primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover ay ginagampanan ng Pop Diva na si Kuh Ledesma ang papel bilang ina ni Tom Rodriguez.

Si Tom naman ang asawa ni Carla Abellana ngunit mayroon itong gay lover na ginagampanan ni Dennis Trillo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kuh sa presscon ng My Husband’s Lover last week, naitanong dito kung ano ang gagawin niya sakaling may anak siyang bakla sa tunay na buhay at kagaya ng sitwasyon sa kuwento ng kanilang teleserye.

“Lahat naman napagdadasal, di ba?” mabilis niyang tugon.

Kuwento pa ni Kuh, “Meron akong relative na bading, naging Born-Again siya, na-overcome niya iyon.

“Hindi nga lang siya kasal, pero hindi na siya nakikipagrelasyon sa lalaki.

“Tsaka na-overcome niya lahat yung lustful tendencies niya.

"Actually, ready siya to marry, pero nagkaroon na siya ng sakit.

“You see? Kasi tinanggal na ni Lord yung desire niya sa lalaki.

“Kasi, si Lord lang naman ang makakagawa noon, e, yung makakapagpabago ng puso natin.

“Kahit sa anong bagay, di ba?

“Tayo lang naman ang ayaw humingi na magbago, kasi minsan, nae-enjoy natin yung kasalanan, e.

“Minsan, alam mo na, na mali, ayaw mong sabihin kay Lord, ‘Lord, tanggalin mo na ‘yan!’ Di ba?

"Kasi hirap ka, e, hirap ka, e. Hangga’t mapalo ka ni Lord.”



IN GOD’S EYES. So, sa pananaw ni Kuh, mali ang umibig o magnasa sa kapwa lalaki?

“Kasi, noong nilikha ni Lord si Adam at si Eve, wala naman si Frank!” at tumawa si Kuh.

Kailan nagsimulang magkaroon ng ganitong thinking o paniniwala si Kuh?

“When I met Christ, si Jesus Christ... thirteen years ago.

“Pero ano, ha? Struggle! Palo, palo, palo ni Lord, bago ‘Sige na Lord, okay na.’”

Patuloy pa niya, “Katulad din ni Lord, He hates the sin, not the sinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, mahal na mahal tayo ni Lord, e... naiintindihan niya na tayo, makasalanan tayo, e.

“Kayo, kung gusto ninyo ng lalaki, ako gusto ko ng lalaki, hindi naman iba yung desires natin.

“Hindi iba yung kasalanan. Kasi kay Lord, kasalanan is kasalanan.

“Siyempre, you know, merong mas super-grabeng kasalanan, pero kay Lord, kahit kasinungalingan lang, kasalanan na yun, e.

“Kasi banal siya, e, di ba?

“He is a Holy God, so hindi niya… gusto nating gamitin tayo ni Lord, di ba?

“Hindi naman niya magamit ang dirty vessel.”



OBEDIENT. Speaking of anak, ang nag-iisang anak ni Kuh na si Isabella ay isa raw masunuring anak.

Pagmamalaki niya, “Very obedient! Kasi nakikinig sa Diyos, e—sa salita ng Diyos.

"So, hindi siya nagmamadaling magkaroon ng boyfriend.

“Kaya nagtataka ang tao sa kanya na, ‘Ha, wala pa ring boyfriend? Siguro strict ang mother!’

“Hindi totoo yun!”



GUIDANCE. Bilang isang Christian, paano siya napapayag tanggapin ang My Husband’s Lover samantalang maselan ang tinatalakay nitong istorya—ang gay relationship?

“Sabi ko na tatanungin mo ‘yan, e!" bulalas ni Kuh.

Pagpapatuloy niya, “Well, sa mga Bible stories na movies na ginawa ng mga Christians, mga Christian films, meron pa rin namang lumalabas na mga kontrabida, di ba? So you’re telling a story.

“Ang prayer ko lang is that ma-guide nang maigi yung writer natin at saka yung direktor.”

May plano pa ba siyang umibig muli matapos niyang makipaghiwalay sa kanyang mister?

Sagot ni Kuh, “Gustung-gusto ko siyempre!

"Pero na kay Lord iyon, e, kung sino ang dadalhin Niya sa buhay ko.

“So ibinigay ko na yung mga qualities.”

Baka nai-intimidate ang manliligaw sa kanya dahil si Kuh Ledesma siya, na isang Pop Diva at may pagka-suplada ang image.

“Hindi! Naka-smile na nga ako ngayon, e. Available!” at muli siyang natawa.

Ilang taon na siyang available?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, my gosh! Ten years, ten years.”



FOR A PURPOSE. Hindi ba mahirap na single siya sa loob ng sampung taon?

Sagot ni Kuh, “Na-overcome ko kasi, e. Pinalit ni Lord yung loneliness ko to joy.

“Meron akong joy, may purpose ako sa buhay ko.

“Kaya nga minsan, sabi ko, ‘Lord, kung talagang maging kagustuhan mo na wala akong partner sa buhay kasi magse-serve ako sa iyo, basta bigyan mo lang ang joy na yun araw-araw.’

“At saka yung encouragement when I do my ministry, na hindi ako mahirapan when I share the Lord, hindi yung parang hirap ako.

“Sabi ko, ‘Lord bigyan mo ako ng mga... dalhan mo ako ng mga taong ready to receive you.’ Yung ganoon.”

Ang happiness ba niya ay nanggagaling kay Lord at sa kanyang puso?

“Yes, yes! That’s what I want people to experience...

“Kaya I make the time. Kahit pagod ako minsan, I make the time... I meet with people lalo na yung mga in pain.

“Hindi ko ma-describe yung joy ko.

“What I have, I want people to have that, kasi hinahanap natin sa mga maling lugar.

“Pinagpapalit natin yung relationship natin at saka yung mga biyaya na gustong ibuhos ng Diyos sa buhay natin, dahil nakadikit tayo sa kasalanan.

“Habang nasa kasalanan tayo, hindi tayo puwedeng magkaroon ng magandang relationship with the Lord, kasi banal siya."

Ang singer na si Ray-An Fuentes daw ang isa sa mga nag-inspire kay Kuh sa kanyang pananaw pagdating sa Panginoon.

“Actually more than twenty years ago, shinare-an na ako ni Ray-An Fuentes.

“Pero hindi ako nag-Bible classes, nawala yung interes ko.

“But noong talagang nagkaroon ako ng sobrang pain, doon sa paghihiwalay namin ng asawa ko, doon ako nagsabi kay Lord na, ‘Sige, Lord, hindi na ako tatalikod sa iyo!’

“Talagang nag-Bible classes na ako, nagbasa ng Bible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sineryoso ko na talaga yung relationship ko with Him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN