Shaina Magdayao on moving on from past heartaches: "Ang pinakaimportante lang naman, tanggapin mo at matuto ka."

Sa kabilang ng mga pinagdaanan sa buhay ni Shaina Magdayao, nananatiling maganda ang pananaw niya sa buhay. Saad ng young actress, “Every day, I’m really, really grateful, sa buhay ko, sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga katrabaho ko. Sabi ko nga, ipinagdasal ko na sana, maging maganda ang 2013 ko. And so far, so good.”


“Grabe naman, tuldok, agad-agad!” ang natatawang bulalas ni Shaina Magdayao tungkol sa video na ipinapanood sa kanya nang mag-guest siya nang live sa The Buzz kahapon, June 9.

Ayon kasi sa mga malalapit niyang kaibigan na sina Bea Alonzo, Nikki Gil, at Iya Villania, ito na raw yata ang pinakamatagal na nakita nilang single si Shaina—at sobrang saya raw nito bilang single.

Pero mukhang hindi na raw magtatagal ang pagiging single ni Shaina dahil sa masugid nitong manliligaw.

Sagot naman ni Shaina, “Medyo naghihintay na lang ako ng…”

Ang host at co-star ni Shaina sa Four Sisters And A Wedding na si Toni Gonzaga ang tumapos sa sasabihin nito: “…groom.”

“Oo!” natatawang pagsang-ayon naman ni Shaina.

Tanong naman ni Boy Abunda: What’s the best thing of being you?

“Best thing? That every day, ipinapakita ng buhay sa akin that life is really… is good.

“Siyempre, kapag marami kang ano... you know, life happens, di ba? So, marami kang natututunan.

“Every day, I’m really, really grateful, sa buhay ko, sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga katrabaho ko.

“Sabi ko nga, ipinagdasal ko na sana, maging maganda ang 2013 ko.

“And so far, so good.”

FINDING SHAINA. Binalikan ni Toni ang isang interview ni Shaina noon sa The Buzz kunsaan nagbakasyon siya sa Europe at sinabi niyang gusto niyang hanapin ang kanyang sarili.

At nang bumalik siya, nasabi ng young actress na nahanap na niya si Shaina.

(Read: Shaina Magdayao sought "healing" from Padre Pio in Italy)

Sino na si Shaina ngayong 2013?

Sagot ng 24-year-old actress, “Siguro ano, punung-puno lang ako ng gratefulness ngayon.

“Kung anuman kasi ang nangyari before, it made me appreciate life even more.

“Yung buhay ko noon and the people around me, mas naa-appreciate ko.

“So, yun, punung-puno lang po ng gratefulness and siyempre, mas exciting ang buhay ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit mas exciting?

“Ay, sobra namang exciting!” ang natatawang sagot ni Shaina.

Sabi pa nito kay Toni, “At parte ka ng buhay ko ngayon

Kung babalikan niya ang kanyang mga pinagdaanan, paano niya ito naitawid? Sino ang mga tumulong sa kanya para maitawid niya ito?

Sagot ni Shaina, “Siguro acceptance.

“Life happens, e. At saka, ang pinakaimportante lang naman, tanggapin mo at matuto ka.

“Ang dami ko rin namang natutunan kung ano ang nangyari dati.

“Mas na-appreciate ko at mas marami akong natutunan. Mas maraming lesson na dumating sa buhay ko.

“Siyempre, hindi ko po magagawa yun na ako lang mag-isa.

“I’m very, very fortunate dahil meron akong supportive na pamilya.

“Meron akong napakabait na mga kaibigan—‘yan, si Bea, si Nikki, at si Iya na sobrang loyal sa akin. And they appreciate me as a person.

“At hindi dun natatapos. Parang nakaka-flatter nga na marami pang nakaka-appreciate sa ‘yo bilang isang tao.”

Dugtong na kuwento naman ni Toni, sa shooting daw nila ng Four Sisters And a Wedding, tinanong niya si Shaina kung ilang taon na ito.

Bata pa raw si Shaina pero sabi raw ni Shaina, “Oo, mature lang ako ngayon. I’m more mature for my age.”

At iyon ay dahil na rin daw sa mga pinagdaanan nito.

Hindi man binanggit ni Shaina kung ano ang pinagdaanan niyang ito, naniniwala ang marami na may kinalaman ito sa naging breakup nila ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

FOUR SISTERS. Sa pelikula naman nilang Four Sisters And A Wedding, mas nakaka-relate daw si Shaina sa kanyang role dahil mayroon din siyang tatlong kapatid na babae sa totoong buhay.

Sa pelikula kasi ay magkakapatid ang mga role nila nina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Toni Gonzaga.

Sa tunay na buhay naman ay apat silang magkakapatid na babae, kabilang na ang kanyang ate na si Vina Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Shaina, “Ako rin po ang bunso. Pero sa amin po, sa Salazar, ako ang pinakabunsong babae.

“So, parang nakikita ko talaga ang sarili ko kay Gabbie [her character’s name]. Bunso siya at bunso ako. At nakikita ko yung mga ate ko sa kanila [Toni, Bea, and Angel].

“Every time na nag-eeksena ako, siyempre hindi mo maiaalis na protective ang mga ate mo, di ba? Nakakatuwa.

“Siguro… I’m very, very sure na isa rin akong magiging viewer.

“So while watching the movie, I’m very sure na makaka-relate po ang mga Filipino rito, e.

“Makikita nila ang sarili nila or makikita nila ang kapamilya nila.

“Kaya, I’m very, very proud na nakasama ho ako sa movie na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN