Andrea Torres on going sexy: “Gusto ko rin siyang gawin, pero not now.”

Natutuwa si Andrea Torres na marami ang pumuri sa kanyang sexy figure na ayon sa kanya ay pinagpaguran niya. (Inset) Ang Instagram photo ni Andrea sa Boracay.


Medyo nahihiya pa si Andrea Torres nang banggitin namin ang sexy photos niya sa Boracay noong nakaraang Mayo, na ipinost niya sa kanyang Instagram account (andreaeatorres) at in-upload din sa "Peparrazi" section ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

(Read: Sexy Andrea Torres shows her curves at the beach)

Nakausap ng PEP si Andrea sa presscon ng pinagbibidahan niyang morning soap sa GMA-7, ang With A Smile, kaninang tanghali, June 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Mabuti at naglakas-loob siyang mag-post na naka-two-piece na may takip lamang na sarong sa ibabang bahagi ng kanyang katawan?

Sagot ng Kapuso actress, “Nagkataon lang kasi na nandun ako sa Boracay, kasi siyempre parang picture-picture, ganyan-ganyan.

“Pero hindi pa kasi ako ready na magpa-sexy talaga. Parang feeling ko, [after] two to three years.

“Gusto ko rin siyang gawin, pero not now. Kasi feeling ko, masyado pang maaga.”

Ayos lang ba sa kanya na mag-pose sa men’s magazines, kagaya ng FHM?

“Okay rin sa akin sa magazine, pero not now. Huwag lang ngayon," giit ni Andrea.

Paliwanag niya, “Kasi, parang gusto ko lang namnamin ang bawat step.

"Ayoko lang biglain lahat, pero in the future siguro.

“Parang ngayon kasi, nae-enjoy ko pa yung wholesome, yung pakilig-kilig, pa-sweet-sweet [image].

“Alam ko kasi once na nag-start akong magpa-sexy, mami-miss ko yung sweet-sweet na di ko na puwedeng balikan.”

Ano naman ang masasabi ng Kapuso star sa magagandang feedback sa nasabing mga larawan niya na nagpapakita ng kanyang kaseksihan?

“Nakakatuwa naman kasi pinaghirapan ko naman ‘yon!” natatawang sabi ng 23-anyos na dalaga.

“Kasi matakaw akong tao talaga, mahilig lang akong mag-gym.

"Ang hirap din siyempre [ang mag-gym]. Kapagod magbuhat.

"Pero nakakatuwa naman na naa-appreciate nila.

"Kumbaga, isipin ko na lang parang teaser lang siguro ‘yon.”


A NEW TELESERYE. Pagkatapos ng afternoon soap na Sana Ay Ikaw Nga, muling magtatambal sina Andrea at Mikael Daez sa With A Smile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This time, kasama nila ang bagong Kapuso na si Christian Bautista.

Sobrang natutuwa raw si Andrea sa kanyang bagong proyekto dahil kapupulutan daw ito ng magandang aral.

Pero ang karaniwang naging komento ng maraming entertainment writers sa presscon ng teleserye kanina ay kung ito ba ang pantapat sa Be Careful With My Heart, ang matagumpay na morning soap opera ng ABS-CBN.

Tugon ni Andrea, “Sa tingin ko naman, hindi talaga dapat kinu-compare.

“Unang-una, hindi kami pareho ng timeslot. Nagkataon lang na ang GMA, gusto na ring magkaroon ng soap sa umaga na nagawa naman before.

“Kaya lang kasi, first time na light, di ba?”

Ang simula raw ng kanilang programa ay 10:30 a.m. kaya hindi ito katapat ng Be Careful With My Heart na 11:30 a.m. ang simula.

Dugtong pa ni Andrea, “Minsan nagtatanungan kami nina Direk [Louie Ignacio], Mikael... na hindi talaga maiiwasan na gano’n.

"Pero ayaw naming i-compare ang sarili namin sa iba, kasi siyempre maaapektuhan yung work.

"At siyempre, gusto kong isipin na iba yung story nito.

“So, iba naman yung makikita ng audience dito [at] iba naman sa kabila.

“Kumbaga, hindi naman siya exact replica para ipagsabong mo, di ba?

“Kumbaga, ang focus namin [ay] nasa show lang, hindi na namin pinapansin yung [kumpitensiya].

BIG BREAKS. Hindi naman daw basta ibinigay kay Andrea kung anumang magagandang breaks na nakukuha niya ngayon.

Pitong taon din daw siyang naghintay bago mapansin.

“Very happy ako siyempre, kasi masasabi kong pinagtrabahuhan kong lahat ng ito.

"Bawat level napagdaanan ko; sa start, extra, support... lahat.

“So ngayon thankful ako kasi siyempre dahil nga doon sa napagdaanan mo, mas nabibigyan mo ng halaga kung ano yung ibinibigay sa ‘yo.

"At ang GMA, talagang inaalagaan talaga nila ako at pinag-iisipan talaga nila yung mga ibinibigay nila sa akin.

"So andun yung trust ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun nga, as much as possible, gagalingan natin. Ibibigay natin ang one hundred percent para di naman sila magsisi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN