Enchong Dee on possible reconciliation with ex-girlfriend Julia Montes: “I think we’re better off as friends.”

Kahit gustuhin daw ni Enchong Dee na magbati ang co-stars niya sa Ina Kapatid Anak na sina Kim Chiu at Maja Salvador, wala raw siyang magagawa. Sabi niya, “Wala ako sa posisyon para magsalita kahit kaibigan ko silang lahat. Unless kausapin nila ako, humingi sila ng tulong, that’s the only time.”


Katulad ng mga role nila sa pelikulang Four Sisters And A Wedding, trinato raw si Enchong Dee na parang “bunso” ng kanyang co-stars na sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao.

Kuwento ni Enchong, “Oo, minsan, natutulog ako, ipapagising nila ako para kumain, para makipagkuwentuhan. So, yun.

“E, di ba, ilang araw lang naman ang paggawa ng pelikula? So, ibigay mo na sa kanila yun.

“Minsan ko lang naman makakasama itong apat na ‘to.”

Pero iba raw ang energy ng kanyang apat na co-stars.

Sabi niya, “Hindi ko kayang makipagsabayan sa energy nila.

“Maski na magdamag silang mag-usap, nakakapaos!

“At saka, ngayon na rin ang pagkakataon na nakikita ko sila as kapatid.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa presscon ng Four Sisters And A Wedding noong Linggo, June 9, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sa pelikula, tututulan ng kanyang apat na kapatid na babae ang pagpapakasal ni Enchong.

Sa tunay na buhay, hanggang saan sa palagay ni Enchong puwede siyang pakialaman ng mga kapatid niya?

Sagot niya, “Siguro, more than pakialam, it’s more on suggestion, advice.

“Pero not to the point na whatever they decided, magiging desisyon ko rin.

“Siguro, rerespetuhin ko yung sasabihin nila. Kung ano ang ibibigay nila sa aming mga advices.

“Pero hindi ko maipapangako na yun din ang gagawin ko.

“Siyempre, bilang tao, may sarili rin akong paniniwala at paninindigan na yun din ang gusto kong gawin.”

Sa totoong buhay, isa lang daw ang kapatid ni Enchong na babae at mas matanda siya rito.

May bearing ba ang opinyon ng kapatid nila, lalo na sa lovelife?

Sabi ni Enchong, “My parents, whatever they say to me, matters—especially now.

“But again, kung ano ang pipiliin ko pa rin, if I make a mistake, ako ang may hawak nun. Nasa akin ang fault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But if ever I do great, I do well, hindi naman sa pagmamalaki, gusto ko rin ipakita sa kanila na meron naman akong sariling isip.”



JULIA MONTES. Bukod sa Four Sisters And A Wedding, magsisimula na ring mag-taping si Enchong para sa ABS-CBN primetime series na Muling Buksan Ang Puso.

Makakasama ni Enchong dito ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Montes.

Kumusta ang pagsasama nila ngayon?

Ayon sa young actor, “Wala, nakasama ko lang siya like kahapon [June 8], pero hindi pa yung araw-araw dahil hindi pa naman kami nakakapagsimula ng sa amin.

“Yung matatanda, nakapagsimula na. Pero yung sa amin... noong nagkasama kami, wala nang ilangan.

“It’s just that, people, may iisiping may ilangan, may awkwardness… wala na, e.”

Sa palagay niya, hindi na nila kailangang mag-usap pa ni Julia?

“Hindi, nagkaroon na kami ng bonding na kami lang bago magsimula lahat.”

Ayon kay Enchong, sila mismo ang humiling sa “bonding” na yun.

“Hiningi namin and, at the same time, ibinigay rin ng management.”

Kumusta naman ang nangyari sa bonding nila ni Julia?

“Thankful ako.

“Sobra akong thankful dahil, siyempre, after all what happened… siyempre aminin naman natin, magkakaroon ng awkwardness.

“Pero after the bonding and all, okay na ako. Okay na kami.”

Ngayong nagka-bonding at nagkasamang muli, wala bang nanumbalik sa damdamin niya?

Tugon ni Enchong, “Hindi… hindi ko na inilalagay sa utak ko yung ganun.

“I think we’re better off as friends now.”

Naipagtapat ba niya kay Julia na nasaktan siya noon?

“Oo, oo,” nakangiting pag-amin niya.

Ano ang naging reaksiyon ni Julia sa ipinagtapat niya?

“Huwag na nating ungkatin yun, kasi ipinangako rin namin sa sarili namin…

“Ipinangako namin after the bonding na tama na, start anew.”

Single ba si Julia ngayon?

“She’s very much single,” sagot ni Enchong.

Tinuldukan na ba talaga niya ang kung anuman meron sila ni Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Enchong, “Kasi kahit kanino, ayokong magkaroon ng bad relationship with anyone. Yun talaga ang ipinagdarasal ko gabi-gabi.

“Pero kung baka mamaya, io-open ko pa rin sa idea na yun, baka masira lang, e.

“Ngayong nasisimulan na namin ang pagkakaibigan namin, ayoko nang pabayaan yun.

“Ayoko ng pumupunta ng trabaho, pumupunta actually na… ‘Ayoko nang pumasok diyan kasi nandito si ganito, si ganyan.’

“Ayoko na ng ganoon.”



KIM & MAJA. Samantala, magtatapos na ngayong linggo ang kinabibilangan ding primetime series ni Enchong—ang Ina Kapatid Anak.

Naitanong ng PEP kay Enchong kung ano ang pakiramdam niya na ang dalawang bidang babae sa teleserye na sina Kim Chiu at Maja Salvador ay hindi pa rin nagkakasundo hanggang sa pagtatapos ng kanilang programa.

Nagkaroon ng alitan sina Kim at Maja, na dating matalik na magkaibigan, dahil sa pagkakaugnay ngayon ni Maja sa ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Sabi ni Enchong, “Alam ninyo, sa totoo lang, nananaginip ako minsan. Gumigising ako minsan na naka-smile.

“Kasi, siguro ako, deep inside, I’m really hoping and I’m really wishing na everything will turn out good and turn out well, turn out okay.

“Katulad nga ng sinasabi ko, ako, ipinagdarasal ko na ayaw ko ng bad relationship with anyone. Same with other people.

"Ayoko ng nagkakaroon ng away, e.

“So, I’m hoping, hoping ako.”

Pero yun nga lang, magtatapos na ang show nila, pero ang naging away nina Maja at Kim ay hindi pa rin tapos.

Sabi ni Enchong tungkol dito, “Siguro in time. Hindi naman ibig sabihin na magtatapos ang soap, hindi na sila magkikita.”

Sina Enchong at Xian Lim ang leading men nina Kim at Maja sa Ina Kapatid Anak.

Sa ilang buwang pagsasama nila, wala ba silang ginawa o naisip gawin para magkaayos sina Kim at Maja?

Sagot ni Enchong, “Kasi wala kami sa posiyon. Lalung-lalo na ako, walang-wala ako sa posisyon para magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sabihin mo na kaibigan ko silang lahat, kaibigan ko yung involved…

“Unless kausapin nila ako. Unless humingi sila ng tulong, that’s the only time.

“Ayokong nagbibigay ng unsolicited na advice, unsolicited moves.”

Sa nangyari sa dalawang leading ladies nila, ano ang natutunan ni Enchong?

“Ako, personally, hindi ko alam kung na kanino talaga ang mali. Kung na kanino ang bigger…

“Pareho ko silang nakakausap. Pareho ko silang kaibigan.

“Hindi ko puwedeng sabihing, ‘Tama ka, mali ka.’ Kasi, I’m sure there’s a deeper story within.

“Hindi ko alam, hindi ako parte.

“So, yun, e. Parang hands-off lang talaga ko.”

Naranasan na ba ni Enchong magmahal ng mag-best friends?

“Hindi pa naman, thank God, hindi pa naman!” natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, “But I’m sure, if ever that happens, may mga tao kang kailangang kausapin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN