Ervic Vijandre immediately moves on from failed political bid

Bagamat nabigo si Ervic Vijandre sa kanyang unang sabak sa politika, naging masaya pa rin daw siya dahil sa marami siyang natutunan at naranasan. Sabi niya, “Sa totoo lang, happy naman ako sa nangyari kasi marami naman akong natutunan. Marami akong na-discover sa sarili ko sa pinasok kong iyon. Puwede kong mai-apply sa iba’t ibang aspeto ng buhay ko ang mga na-gain kong experience.”


Balik sa pagiging busy ulit sa showbiz ang model turned actor na si Ervic Vijandre pagkatapos niyang mabigo nang tumakbo bilang konsehal sa first district ng Taguig City noong May 13 elections.

Sabi ni Ervic nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng indie film na Florante At Laura sa Ninoy Aquino Parks & Wildlife sa Quezon City last June 7, kahit na may nangyaring hindi maganda noong kampanya nila sa isang barangay sa Taguig City, overall ay magandang experience ang nangyari sa unang pagtakbo niya bilang isang public servant.

“Yung naging experience ko sa nakaraang election, masasabi ko naman na good experience iyon. Wala akong masasabing naging traumatic sa akin.

“Although siyempre, nakaka-depress din kahit papa’no, kasi ginawa ko naman ang lahat na kailangan kong gawin.

"Pero sabi nga nila, sa buhay, hindi lang sa politics, ay may nananalo at natatatalo.

“Naka-move on naman kaagad ako."

Dagdag niya, “Sa totoo lang, happy naman ako sa nangyari kasi marami naman akong natutunan.

“Marami akong na-discover sa sarili ko sa pinasok kong iyon. Puwede kong mai-apply sa iba’t ibang aspeto ng buhay ko ang mga na-gain kong experience.”

May mga proyekto sana si Ervic para sa maraming kabataan ng Taguig, tulad ng pagtatag ng isang sports clinic, pagpapaayos ng classrooms, at pagdu-donate ng school supplies at mga gamot sa barangay clinics.

Willing pa naman daw tumulong si Ervic anytime. Sa ngayon ay bubuo na lang daw sila ng grupo na tutulong sa mga kabataan sa Taguig City.

Sabi niya, “Open talaga ako sa pagtulong.

“Willing akong mag-participate kung hingin nila ang tulong ko.

“Mahirap na kasi yung mag-offer ka ng tulong, di ba? Baka ma-misinterpret pa nila.

“Mabuti na itong kusa na lang kaming kikilos para mas maraming tumulong sa mga kabataan ngayon.

“Kung sakaling humingi sila ng tulong sa amin, okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda naman yung maraming nagtutulungan.”

UNFORGETTABLE CAMPAIGN. Hinding-hindi raw malilimutan ni Ervic ang nangyaring kaguluhan isang linggo bago ang araw ng eleksyon.

Nagha-house-to-house sila noong araw na iyon sa Barangay Tutukan nang bigla silang sugurin ng ilang mga tao na may dalang mga bato at dos por dos.

Isa si Ervic sa nasaktan sa kaguluhang iyon, at kasama ang labindalawang iba pa ay itinakbo sila sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City dahil sa mga natamo nilang sugat.

Lahad ng model-actor, “Sa ulo ako tinamaan ng dos por dos. Nagtamo ako ng four stitches.

“Yung ibang mga kasamahan ko, natamaan ng mga bato at napalo rin ng dos por dos.

“Mabilis kasi ang mga pangyayari. Umaga iyon, around 10 a.m.

"Nagulat na lang kami nang bigla kaming sugurin ng mga taong naka-bonnet.

"Ang dami nilang nangtataboy sa amin hanggang sa masaktan na nga kami.”

Sinabi rin ni Ervic na sa pangyayaring iyon, mas natakot siya para sa mga taong sumasama sa kanila sa kampanya na nadamay sa pananakit sa kanila.

“Hindi naman ako natakot para sa sarili ko, natakot ako para sa ibang taong madadamay. Lalo na yung mga bata at yung mga matatanda na nandoon.

“Kung ako lang, okey lang sa akin, kaya kong tanggapin ang mga gano’n.

“Inisip ko lang yung mga sumasama sa aming sumusuporta noong kampanya,” saad niya.

Ano na nga ba ang nangyari sa ginawa sa kanilang iyon? Naghain ba sila ng demanda laban sa pinaghihinalaan nilang mastermind ng pag-atake sa kanila?

Sabi ni Ervic, “Sa ngayon, wala na akong masyadong alam pa.

"Right after kasi ng election, nagbakasyon muna ako para makapagpahinga.

“Pagkatapos ng short vacation na iyon, balik-trabaho tayo agad.

“Kung sa akin lang, ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat.

“Marunong naman akong magpatawad.

“Kung anuman ang nangyari, masasabi ko na part ‘yan ng pinasok natin sa politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinasok natin ‘yon kaya nakatikim tayo.

“Kumbaga, nabinyagan ako... sa masakit na paraan nga lang,” diin niya.

Umaasa si Ervic na wala nang mangyaring gano’n sa mga susunod na eleksyon.

“Mahirap na yung may mga madamay na mga inosenteng mga tao. Hindi maganda iyon.

“Wala na sanang manakit at masaktan sa susunod,” sabi niya.

May balak pa kayang tumakbo ulit ni Ervic sa susunod na eleksyon?

Sagot niya, “Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yan.

“Mas gusto ko munang maging busy ulit sa career natin dito sa showbiz, sa pagba-basketball ko, sa modelling.

“Marami tayong na-miss na mga trabaho noong panahon ng kampanya. Kaya babawi muna tayo.

“Wala namang akong regrets sa pagsubok ko na maging isang public servant.

“Noong pasukin ko ito, aminado akong wala akong experience sa ganyan.

“Kahit sa family ko, walang nasa politics, e. Ako ang kauna-unahan na sumubok talaga.

“Kung sakali ngang maisipan natin ulit na pasukin ‘yan, I will make sure na mas prepared tayo.

“Hindi yung basta ko lang papasukin ito. Kailangan talaga handang-handa ka at alam mo na ang lahat ng mangyayari.”

Huling napanood si Ervic sa GMA-7 telefantasya na Aso Ni San Roque. May papasukan daw siyang isang drama series pero hindi pa raw niya alam kung ano iyon.

Sa ngayon ay tinatapos niya ang shooting ng indie film na Florante At Laura kunsaan kasama niya sila Venus Raj, Ynez Veneracion, at Teejay Marquez. Mula ito sa direksiyon ni Chris Pablo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN