Karylle on jokes thrown at her in It’s Showtime!: “My God, balat-kalabaw na yata ako!”

Karaniwan na sa mga host ng It’s Showtime ang lokohan at asaran kaya naman ayon kay Karylle, "Sabi ko nga, sa dami ng ginawa nilang jokes sa akin, minsan sinasabi ko, buti okay na ako sa sarili ko or otherwise… I learned to live with the concept. People think it’s so funny even at one point, gusto kong magtago sa ilalim ng bato or whatever. Buti dumating na ako sa point na okay na ako. Ako din minsan, may nao-offend din ako, sinasabi nila sa akin. Pag


Naging malaking isyu ang pagbibiro ni Vice Ganda sa broadcast journalist na si Jessica Soho sa nakaraang concert ng komedyante na I-Vice Ganda Mo ’Ko Sa Araneta.

Bilang co-host ni Vice sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle tungkol dito sa launching niya bilang bagong endorser ng Unisilver noong Biyernes, June 7, sa SM MOA Music Hall.

Iwas magbigay ng komento ang singer-TV host dahil sensitibo raw ang isyu, pero buo raw ang suporta niya para kay Vice.

Sabi ni Karylle, “Mahirap kasing mag-react sa isang bagay na ganyan, it’s a very sensitive topic.

“Basta ako, ipinapakita ko sa kanya yung love and support ko bilang Kapamilya.

"Siyempre, we are one family in Showtime.

“Sabi ko sa kanya, ’Next time pag magdyo-joke, text mo muna ako…’ yun ang sinabi ko sa kanya.”



COMEDY ACADEMY. Dahil sa kontrobersiyang nangyari ay may suhestiyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na magtatag ng isang Comedy Academy.

Ano ang reaksiyon dito ni Karylle?

Sabi niya, “Talaga? Actually, I never heard about it, but one thing for sure, for me, one thing I really say with Twitter and Facebook, parang everyone is shouting.

“It’s nice to have a forum where people can talk and discuss.

“If that is what’s gonna be about or anything, hindi yung may ginawa kang mali, ganito-ganyan, yung parang pinapagalitan mo lang...

“But kung kausapin mo yung tao at magdiskusyon kayo, baka may mas magandang kalalabasan.

“I don’t know kasi what it’s about. I never heard about it.

"But I think in anything, a healthy discussion would be good.

“But I don’t know what people will do exactly, but discussion for me is good—fighting is never productive for me.

“I don’t know what’s all about it, so di ko talaga mako-comment-an.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It makes us laugh so hard na nawawala ang problema natin.

“But sometimes, mahirap ding sabihin kung may mga nahe-hurt… it’s really up to them.”



BUTT OF JOKES. Kung nasampolan man ni Vice se Jessica sa concert ng una, araw-araw namang nagiging tampulan ng biro at lokohan si Karylle sa kanilang noontime show.

Hindi ba napipikon si Karylle sa mga biro sa kanya ng kasamahan sa It’s Showtime, partikular na ang mga biro sa kanya ni Vice?

Sagot niya, “Ako, sa everyday jokes nila sa akin sa Showtime, my God, balat-kalabaw na yata ako!

“Pero sabi ko nga, sa dami ng ginawa nilang jokes sa akin, minsan sinasabi ko, buti okay na ako sa sarili ko or otherwise…

“It’s hard to say, but for me I learned to live with the concept.

“People think it’s so funny even at one point, gusto kong magtago sa ilalim ng bato or whatever.

“Buti dumating na ako sa point na okay na ako.

“Ako din minsan, may nao-offend din ako, sinasabi nila sa akin.

"Pag ganoon, nagiging maingat din ako, nagiging sensitibo.”



CHANCE ENCOUNTER. Kamakailan ay kinumpirma ni Marian Rivera na nagkita at nagkabatian sila ni Karylle sa 50th anniversary ng veteran TV host na si German Moreno.

Sa interview nga ni Marian, nabanggit nito na wala naman talagang silang away ni Karylle. Ang nangyari lang daw ay minahal niya ang dating minahal ni Karylle—ang current boyfriend ng Kapuso actress na si Dingdong Dantes.

(Read: Marian Rivera on smiling at Karylle: "Wala namang pag-aaway or something sa aming dalawa...)

Para naman kay Karylle, nangyari ang lahat sa tamang oras.

“I think everything happened in its proper timing.

“Yung time na yun kasi, talagang nag-cross ang path namin and nagpansinan.

“Actually, ang nangyari kasi noon, anniversary ni Kuya Germs and nasa entablado kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Late akong dumating, naghahanap ako ng kaibigan ko, wala akong nakita…

“Ang una kong nakita si Marian, nakatingin siya sa akin… ayun, nagbatian.

“Tapos na yung nangyari na yun.

“I think it’s nice to end up there… sakto na yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN