Derek Ramsay: "I’m very happy, no complaints—happy with my career, happy with my lovelife…”

Nami-miss din daw niya ang paggawa ng drama pero bilang aktor, kailangan din daw niyang ipakita ang iba pa niyang kayang gawin sa pamamagitan ng pagsubok ng iba pang genre.


“Still a roller coaster.”

Ganito inilarawan ni Derek Ramsay ang kanyang buhay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono para kumustahin sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay at career.

Sabi pa niya, “A lot of good times… everybody has problems in life, you know.

"Problems are just solutions in the sky, so you just got to fix it.

"I’ve got a very good family who’s always supportive, you know.

“I’m very blessed and I know I have a very good life.

"I’m very happy, no complaints—happy with my career, happy with my lovelife…”

Sinundot agad namin ang huling tinuran ni Derek na masaya siya sa kanyang buhay pag-ibig.

Paglilinaw niya, “When I say I’m happy with my lovelife, I’m just happy and content with how my life is right now.”

Masaya rin ba siya in a romantic way?

“I’ll keep that to myself,” pag-iwas niya. “I’ve always said that I wanna be more private this time.”

Sinabi niya na ang kanyang past relationship with Angelica Panganiban ay naging bukas sa buong bansa.

“And I’m very okay to open up about feelings and emotions, I definitely will, [but] as of now, naka-focus muna tayo sa trabaho.”

ENJOYING ACTION GENRE. Pagkatapos ng Kidlat, kung saan gumanap siya bilang superhero, naghahanda na ngayon ang Kapatid star sa susunod niyang teleserye sa TV5.

May working title itong Undercover.

“I’m into my next project, which is still action-drama,” pagbabalita ng aktor.

“I’m working with Jasmine Curtis, Arci Muñoz, Wendell Ramos, Joross Gamboa, Kuya Ipe [Philip Salvador].”

Gaganap daw siya rito bilang undercover policeman.

Ano ang pakiramdam na tila naililinya siya ngayon sa action genre?

“Well, I’m glad I’m doing action again. I really enjoy action, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m a sporty guy—yung fight scenes, action scenes—but better than wearing a costume all day taping, you know,” pagbibiro ni Derek patungkol sa tight costume niya sa Kidlat.

“It’s like I’m playing a superhero but without a costume.”

Dahil magkasunod na action genre ang teleseryeng gagawin niya, naitanong kay Derek kung hindi ba niya nami-miss ang pagda-drama.

Tugon niya, “Yeah, I do, but that’s the challenge of being an actor. You do different roles.

"It gives you a chance to portray your skills and your talent, and I’ve made quite a few drama [projects].

“It’s nice naman I’ll do action. I started with action. I did Panday [in] Channel 2.

"It’s nice naman na maiba naman ng konti.”

Kabilang sa drama projects na ginawa ni Derek ay ang mga teleserye ng ABS-CBN na Habang May Buhay at Magkaribal noong 2010, at ang mga pelikulang No Other Woman (2011) at A Secret Affair (2012).

Sa upcoming teleserye niya sa TV5, excited daw si Derek na makatrabaho si Arci sa unang pagkakataon.

“It’s always nice to work with somebody new, and learn a lot of things from these people, so it’s nice,” sabi ng Filipino-British actor.

Dagdag niya, “Si Jasmine, I never worked with my little sister, so I’m looking forward to with her.

"You know naman I’ve worked a lot with her sister [Anne Curtis].”

Ngayong darating na linggo ay sisimulan na raw nila ang taping ng Undercover at inaasahang ieere ito simula sa Hulyo.

FINDING BALANCE. Sa panayam ng PEP kay Derek ay nabanggit din niya ang kanyang injury sa braso.

“I’m okay, it’s nothing serious.

"I guess I’ve been working so hard and I jumped into a competition with [which I used to do rigid] training and dedicating all my time and effort to the sport [Frisbee].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa iniindang injury sa braso, depressing din daw para kay Derek na hindi siya nakakalaro nang maayos dahil dito.

“[It’s] depressing that I’m not competing the level I wish I could, but kailangan kong tanggapin ‘yon.

“Ang ganda nung nangyayari sa career ko, hindi ko puwedeng i-expect na I’m going to be what I was in the field when all my time and effort is dedicated to training.”

Dagdag niya, “I’m in shape right now, but I’m not in great shape. That’s a big difference.

“It’s just you realize that when you go out and you compete against guys you have been training, after the game, it’s still sore and bugbog.

“I played in a Frisbee tournament in Bataan and [it] really took a toll in my body."

Matatandaang noong 2011 ay nagkaroon ng injury si Derek sa braso sa isang Frisbee tournament. Kinailangan siyang operahan at malaki ang naging epekto nito sa kanyang paglalaro.

Naglalaro naman daw siya ng golf ngayon to stay in shape, subalit tila nabigla ang kanyang katawan nang sumabak sa Frisbee tournament dahil sa kakulangan ng tamang pag-eensayo.

Ang pinupuntirya ngayon ni Derek ay muling makabalik sa training.

“I have to again find that balance to get some training.”

Umaasa naman siya na maisasakatuparan ito lalo pa’t action-drama ang kanyang susunod na proyekto.

“I’m doing action-drama serye, so I really have to dedicate some time to keep myself in shape,” sabi ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN