Christian Bautista admits to getting affected by negative comments about closure of Party Pilipinas few weeks after moving to GMA-7

Wala raw pagsisisi si Christian Bautista sa ginawa niyang desisyon na lumipat mula ABS-CBN papuntang GMA-7. Sabi niya, “Ay, hindi na puwede, lumipat ka na, e. Noong presscon namin dito, talagang whatever happens, we pursue, we cooperate, we fight, we work hard. Whatever happens… dapat ganoon, e. If at this stage, ’Ay, mali pala ang ginawa ko,’ that means yung commitment ko from the start does not mean anything.”


Ilang linggo pagkatapos pumasok ni Christian Bautista sa dating Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas ay nagdesisyon ang management na tapusin na ito.

Kaya naman nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang dalawang buwan bilang Kapuso ay ito ang natatawa niyang sagot: “Exciting, natapos na ang Party P!”

Nakausap ng PEP si Christian sa presscon ng una niyang teleserye sa GMA-7, ang With A Smile, kahapon, June 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ano ang naramdaman niya nang malaman niyang mawawala na ang Party Pilipinas?

Sagot ni Christian, “Nagulat ako, nagulat ako noon.

"Medyo na-disappoint ako. Pero, ganoon talaga.

“Meron tayong mga circumstances na nangyayari na we can’t change, so we just gonna move on, brush-off, then start.

“And then, we have a new show, called SAS, Sunday All Stars... Alam ninyo naman po siguro yun, right before With A Smile.

“So, it’s a big week. The launch of SAS this Sunday [June 16] and then the launch of With A Smile [on June 17].

“Noong natanggal nga ang Party P, parang hindi pa namin alam ang gagawin.

"Sa Twitter, ‘O, ayan… lipat-lipat ka pa kasi!’”

Marami raw kasing siyang natanggap na komento sa Twitter pagkatapos mawala ang Party Pilipinas.

“Merong mga nanisi, ‘O, ayan, lumipat, mas wala nang mangyayari sa iyo.’

“Ako, parang, wow… nalungkot talaga ako noon.

"Pero makikita mo talaga na ang Twitter, may supporters, may haters... halo-halo ‘yan.

“At least, may care. Kung wala ka namang pakialam, hindi ka naman magsasabi noon… pero ang bigat.

“Pero yun nga, lahat naman may ganyan—may ups, may down.

"So, work again… start working from the ground, then work out.”

THE DECISION. Napaisip ba siya nang mawala ang Party Pilipinas at nakuwestiyon ang desisyon niya kung bakit siya lumipat mula ABS-CBN?

Sagot ni Christian, “Ay, hindi na puwede, lumipat ka na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong presscon namin dito, talagang whatever happens, we pursue, we cooperate, we fight, we work hard.

“Whatever happens… dapat ganoon, e.

“If at this stage, ’Ay, mali pala ang ginawa ko,’ that means yung commitment ko from the start does not mean anything.”

Ngayong meron na siyang With A Smile, ito ba talaga yung masasabing gusto niyang gawin? Yung mabigyan siya ng soap opera, makaarte na sinasabing dahilan kaya siya nagdesisyon siyang lumipat?

Sabi ni Christian, “Okay, ito rin naman po ang sagot from the last presscon...

“Merong plans ang ABS, there was a plan in GMA. Of course, the soap was included.

“We weighed it, what’s my status right now in life, what are my goals?

“At nag-fit po rito sa wonderful offer ng GMA. And that includes, yes, to grow in acting, in a way.”



THIRD WHEEL. Kasama ni Christian sa With A Smile sina Andrea Torres at Mikael Daez, na nagkasama na sa afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ano ang mga inaasahan niya?

Sabi ni Christian, “Sana mag-work.

"Kasi, una, inamin ko sa kanila, ‘Wow, kayo ang loveteam, ako ang papasok.’

“Parang ako agad ang third wheel. So, parang ganoon agad.

“Noong mag-workshop kami, aminan agad ng iniisip namin.

"Pero suportado namin ang isa’t isa, suportado ko ang loveteam nila.

“Kung mag-click, then I’m happy for them. Kung mag-click kami [ni Andrea], then great! Puwede pala akong i-partner sa ibang babae.”

Payag ba si Christian na siya ang posibleng lumabas na third wheel dahil na-establish na nga ang loveteam nina Andrea at Mikael, at ang mga ito ang magkatuluyan sa huli?

“May ganoon, di ba? Ako naman, kung ano ang magbe-benefit sa istorya, papayag ako.

“Ngayon nga, hindi na ako puwedeng maging selfish.

“Kung ano ang ikabubuti ng show, yun na dapat ang iniisip ko ngayon, with the stage in my life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIRST LEAD ROLE. Ginagampanan ni Christian sa With A Smile ang papel ni Aston, isang independent and self-made man. Takot na umibig dahil sa mapait na naging karanasan hanggang sa makilala niya si Isay na ginagampanan ni Andrea.

Ano ang challenge sa kanya ng pinagbibidahang serye?

Sagot ng singer-actor, “Ang challenge? My first lead role in a long time.

“Kapag guest ako sa isang show, konti lang. So, you have to keep your energy, you character, your attitude for the whole day.

“Sabi ko nga kay Mikael, ‘Ganito pala kapag lead, ‘no?’

“Sabi niya, ‘Oo, masanay ka na.’

"Nakakatuwa lang din, yung cast, other supporting cast, yung crew, masaya.

“Light lang din sila. Ako lang ang palaging mainit ang ulo kasi si Aston, palaging mainit ang ulo!”



PRIVATE WEDDING. Isa si Christian sa nag-host ng wedding nina Maricar Reyes at Richard Poon last June 9.

Kuwento niya, “It’s beautiful... it’s a beautiful wedding.

“I hosted it, ang ganda!

"Kasi, lahat magkakilala kayo. Lahat, e, they love them—they love Maricar and Richard.

“At kapag alam ninyo ang love story nila, parang kahit ano, posible.”

Inamin ni Christian na isa siya sa unang nakaalam ng planong pagpapakasal ng dalawa ilang buwan na ang nakalilipas, bilang siya nga ang nagsilbing host ng kasal.

“Sabi ko nga, ‘Wow, I’m honored… salamat, salamat!’

“Tapos, nakita ko rin ang mga friends ko from ASAP… sina Tita Charo [Santos-Concio], si Tita Cory [Vidanes], Mr. M [Johnny Manahan].”

Kumusta naman ang pagkikita nila ng mga boss ng ABS-CBN?

“Okay naman, okay naman.

"Kasi, maganda naman ang pag-alis ko… nagpaalam naman ako nang maayos. Parang no bridges were burned.

“So, parang, ‘Hello Christian, how are you?’

"So ako, ‘Okay naman po.’

“Tapos, nagdyu-joke na lang kami na, ’Marriage is like a Kapuso and a Kapamilya.’ Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Nikki [Gil] ang nag-host.”

Kaibigan daw si Christian ni Richard kaya naman siya ang napiling mag-host.

Kuwento pa ni Christian, “Kaibigan ko naman silang dalawa. Gusto nila, private.

“Kahit noong wedding sa hotel, pinasabi sa staff ng hotel na, ’Huwag ninyong sasabihin na may wedding…’

"Gusto nila private.”

Kapag siya ba ang kinasal, ganoon din ang gusto niya?

“Oo,” mabilis na sagot ni Christian.

Hindi namin malalaman na ikakasal na siya?

“Kapag tapos na, ibibigay ko na ang picture!” natatawang sabi pa niya.



PRIVACY. Kung noon ay open si Christian pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, sa press conference ng With A Smile kahapon ay matipid itong sumagot tuwing tinatanong tungkol sa lovelife niya.

Ang girlfriend ni Christian ay si Carla Dunareanu, isang actress/dancer na Romanian-Chinese descent.

Nakilala ni Christian si Carla nang gawin nila ang The Kitchen Musical sa Singapore.

Paliwanag ni Christian sa kanyang biglang pananahimik, “Right now, I wanna keep it private, e.

"After a few years, gusto kong magka-balance in my life.

“I haven’t spent much time with family and friends. Weird, e…weird na, ngayon pa lang.

“So, ngayon, I made a decision to keep my personal and private life, private.”

Pagdating sa showbiz relationships, kung dati ay bukas ang mga artista na pag-usapan ang kanilang lovelife, pero biglang umiwas, ibig sabihin ay may pinagdadaanan sila.

Sila ba ni Carla ay meron ding pinagdadaanan?

“Posible, posible… pero yun na lang muna,” bitin niyang sabi.

May kinalaman ba rito ang desisyon niyang lumipat ng network o ang intensiyon ni Carla na pasukin ang local showbiz?

“Sorry talaga, sorry talaga. I’m really sorry. Nag-iba, ‘no? Huwag muna,” iwas niya.

Pero, masaya ba siya ngayon?

“Right now, I’m really happy,” tugon niya.

Ano na ang status ng relasyon nila?

“I’m really sorry talaga. I know you’re just doing your job and I love you all, pero sa ngayon, huwag muna talaga,” iwas pa rin ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling maglalagay siya ng status sa Facebook o Twitter, ano ang ilalagay niya: in a relationship, single, o it’s complicated?

Natawa si Christian, pero sabi pa rin niya, “Galing ‘no? Next, next na… pass muna.

“Mahal ko kayo… huwag kayong maano…” pakiusap na naman niya.

Biro naman namin sa kanya, bakit parang walang “with a smile” ang mga mata niya ngayon?

“I’m tired nga today, tapos we ended up late yesterday.

“Pero ang maganda sa mga closed wedding, yung patapos na… tapos, magkukuwentuhan na kayo.”

May naging realization ba sa kanya dahil sa naging kasal nina Maricar at Richard.

“Okay na muna... magaling ka talaga!” natatawang sabi niya.

Pero ayon kay Christian, habang naghu-host siya ng kasal nina Maricar at Richard ay kasama naman ng mommy niya si Carla na nagsimba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN