Ryzza Mae turns 8; Eat Bulaga! makes her wishes come true

Hindi man siya nagkaroon ng birthday parties in the past, bawing-bawi naman ni Ryzza Mae Dizon dahil hindi lang isa kundi apat ang birthday parties nito. Nauna nang nag-host ng salu-salo ang mga kasamahan niya sa Vampire Ang Daddy Ko.


Today, June 12, ang 8th birthday ng child sensation ng Eat Bulaga! na si Ryzza Mae Dizon.
May special birthday celebration ang bagets sa kanyang daily TV program na The Ryzza Mae Show, na napapanood tuwing 11:30 a.m. sa GMA-7.
Nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sinu-sino ang surprise guests ni Ryzza sa kanyang live show this morning.
Pero maging ang birthday girl ay hindi alam dahil sorpresa nga ito sa kanya. Ang clue: isa itong sikat na trio na malapit na malapit sa puso niya.
Magkakaroon din ng big birthday bash ang bunsong co-host ng Eat Bulaga! sa isang kilalang events venue sa Quezon City mamayang hapon.
“Come in yellow or pink” ang nakalagay sa kanyang birthday invites dahil yun ang kanyang favorite colors. At take note, hindi lang isa o dalawa kundi tatlong gowns ang isusuot ni Ryzza for her birthday party.
Heto ang isa sa mga designs:
Yung isang gown na ang color combination ay pink and yellow ay gawa ni Regine Tolentino, ang actress-dancer na nagde-design din ng mga damit.
Yung dalawa pa, isang yellow at isang pink, ay gawa naman ng fashion designer na si Rop Syquia.
Katulad ni Ryzza ay taga-Angeles, Pampanga rin si Rop. Nung sumali si Ryzza sa "Little Miss Philippines 2012" contest ng Eat Bulaga!—kung saan siya ang itinanghal na winner—ay nakyutan kay Ryzza si Rop at binigyan siya nito ng gown na isusuot sa contest.
In short, hindi pa sikat si Ryzza ay tinutulungan na siya ng kanyang kababayang designer kaya ito ang naisip niyang gumawa ng kanyang party dresses.
Actually, to show her support kay Rop, nang magkaroon ito ng fashion show recently ay nag-volunteer si Ryzza na maging part ng event nito.
So, ang nangyari ay si Ryzza ang naging pang-finale ng fashion show na ‘yon. Ang daming nakyutan nang rumampa ang bagets na nakasuot ng wedding gown na hitsura ng isang mini bride.
Posibleng yung isa sa tatlong gowns na ‘yon ay isuot na ni Ryzza sa kanyang live show ngayong umaga.
Sa party niya ay baka may isa siyang pamalit na isang Barbie outfit na bigay sa kanya ng Barbie-Philippines para maging kumportable rin siyang gumalaw at hindi puro gown ang kanyang suot.
Ang totoo, ang original wish lang ni Ryzza for her birthday ay isang maliit na salu-salo na iimbitahin niya ang mga paborito niyang playmates sa Pampanga na hindi na niya nakakalaro ngayon dahil busy na siya sa kanyang bumubonggang showbiz career.
Pero naisip ng mga taga-TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga! at ng daily show ni Ryzza, na bigyan ng malaking party ang bagets.
So, yung dapat ay mga 4 or 5 lang na closest friends niya from Pampanga ay nadagdagan nang nadagdagan dahil kasama na rin ang ilan niyang mga kamag-anak at kapitbahay doon sa Angeles na malalapit sa kanya.
Provided ang sasakyan ng mga ito paluwas ng Maynila. Nasa 200 ang expected guests mamaya sa birthday party ng youngest TV host ng Pilipinas.
Last Saturday, June 8, ay napaiyak si Ryzza sa labis na tuwa nang bigyan siya ni Vic Sotto ng maliit na box na may lamang mini-birthday cake. Kasabay no’n ay in-announce ni Bossing ang sorpresa sa kanya na magkakaroon siya ng big birthday bash ngayong June 12.
"78 years old" ang tuksong edad kay Ryzza ng kanyang mga Dabarkads sa Eat Bulaga!
Kaya, ang hirit ni Bossing ay ito ang 80th birthday ng Aleng Maliit, tawag nila sa bagets, dahil every two years lang daw ito kung mag-celebrate.
Bago siya sumali sa "Little Miss Philippines" at sumikat sa Eat Bulaga! ay hindi naranasan noon ni Ryzza ang mag-birthday party dahil wala silang pera na pang-handa.
This time na isa na siyang kinikilalang child wonder ng showbiz ay bongga ang kanyang birthday celebration. Mala-debut ang drama sa kanyang party na merong 8 roses, 8 treasures, at 8 wishes, na inspired ng mga 18-something sa debut parties.
Kasama sa 8 roses ang tatay ni Ryzza at ang crush niyang guwapong bagets na si Charles Jacob Briz, 2nd runner-up sa "That’s My Boy 2013" contest ng EB. May kasama ring co-stars niya sa Kapuso sitcom na Vampire ang Daddy Ko.
Kabilang naman sa 8 treasures ang ilan sa mga naging paboritong guest ni Ryzza sa kanyang show, gaya nina Susan Roces, Helen Gamboa, Annabelle Rama, at Maricel Soriano.
Yung 8 wishes ay represented by food na mga paborito ng birthday girl, tulad ng paksiw na bangus, na ibibigay ng kanyang Nanay, Tatay, mga kapatid niya, at ng mga tatay-tatayan niya sa industriya na sina Tito, Vic & Joey.
Ayon sa source ng PEP, ang isa sa personal na wini-wish ni Ryzza na dumating sa party niya ay ang pinaka-favorite niyang naging guest sa kanyang show na si Derek Ramsay.
May ipinadala pa raw na video ang bagets sa hunky actor para personal itong imbitahan sa kanyang kaarawan. Mukhang may workshop yata o ibang lakad si Derek ngayong araw na ito. Let’s see kung mapagbibigyan niya ang munting kahilingan ni Aleng Maliit.
Kilig-kiligan pala si Ryzza dahil ang palambing na tawag sa kanya ni Derek ay "girlfriend"!
Kapansin-pansin na mahilig sa guwapo si Ryzza at okay ang taste niya pagdating sa boys. Nang tanungin siya kung sino ang pipiliin niya sa dalawang crush niya—Derek o Jacob—ang feeling dalaginding na sagot ng bagets ay, “Nalilito na nga po ako, e!”
Kagabi, June 11, ay nagkaroon ng small birthday treat for Ryzza sa set ng Vampire ang Daddy Ko.
Ngayong umaga ang kanyang masayang celebration sa live episode ng The Ryzza Mae Show, na pagkatapos ay may extension pa ang selebrasyon sa Eat Bulaga!
Mula rito sa PEP, happy happy 8thBirthday, Ryzza Mae Dizon!!!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN