Nadia Montenegro withdraws charges against Annabelle Rama

Isa-isa nang iniurong ni Nadia Montenegro ang mga kasong isinampa niya laban kay Annabelle Rama sa pamamagitang ng pagsusumite ng abugado ng dating aktres ng "affidavits of desistance" sa mga korte kunsaan nagsampa siya ng kaso.


Pormal nang iniurong ni Nadia Montenegro ang dalawa sa dalawampu’t anim na kasong isinampa niya sa talent manager na si Annabelle Rama.

Ito ay ginawa ni Nadia kahapon, Martes, June 11, kung saan ang nasabing 26 cases ay nakakalat sa limang korte sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com, nag-execute na si Nadia ng "affidavit of desistance" sa mga kasong "grave coercion" at "grave oral defamation" na kanyang isinampa laban kay Annabelle sa korte sa San Juan City.

Ang affidavit of desistance ay isinusumite ng isang nagrereklamo sa korte kung nais na nitong huwag nang ipursige ang kaso laban sa akusado.

Kuwento pa ni Nadia, “I’m very happy, answered prayers at makakapag-move on na sa wakas. All in God’s perfect time talaga.”

Matatandaang noong June 5 ay nagkabati na sina Nadia at Annabelle kung saan inabot ng halos dalawang taon ang kanilang naging iringan.

(Read: Annabelle Rama ends rift with Nadia Montenegro)

Ayon naman sa abogado ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham, mag-e-execute pa ang kanyang kliyente ng maraming "affidavits of desistance" sa apat pang korte sa Quezon City, Pasig, Makati, at Caloocan.

Paano nga ba sila nagkaayos ni Annabelle?

Saad ni Nadia, “Nothing was planned. I guess talagang we prayed so hard for it.

"I was going through my own battles, she was going through her own battles, her sadness because of the loss.”

Matatandaang hindi pinalad si Annabelle sa kanyang congressional bid sa North District ng Cebu noong May 13 elections.

Dagdag pa ng dating aktres, “For some weird reason, I told the kids on the way here [San Juan court], sabi ko, ’Smile at Tita Annabelle,’ and then she smiled back.

"And then, ayun, I told them to kiss her, give her a kiss, and they all stood up, the three of them, to kiss her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And she started talking to them as if nothing happened, and so I said, ’Ah, this is the right time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN