Megan Young on still being single: "Parang masyado nang magulo. And I don’t wanna get into that."

Hindi raw nababahala si Megan Young kahit na hanggang ngayon ay wala pa siyang karelasyon. Paliwanag niya, "I’m not the type of girl na kapag wala, I don’t really mind. Kapag hindi ako interested, I don’t really mind. As in takot talaga ako. Kahit ang number ko, takot akong ibigay. Ganun ako. Parang... hep… I’m not ready. And if I see someone else, parang ayoko.”


Ayon kay Megan Young, sariling desisyon na rin niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa raw siyang boyfriend.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagli-link sa kanila ng Kapuso hunk na si Mikael Daez. Sa past interviews ng dalawa ay itinanggi nila na may namamagitan sa kanila.

Sabi ni Megan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yeah, I guess it’s a matter of choice na rin. Para hindi magulo.

“Kasi ang dami na rin akong naririnig from other people na tungkol sa mga nangyayari sa relationships nila.

“Para sa akin, I don’t wanna get into that, di ba?

“Para sa akin, parang masyado nang magulo. And I don’t wanna get into that.

“Pero kung may dumating, I would welcome naman something like that. I’m not in a rush naman.”

Meron ba namang guys na nagpapakita ng interes sa kanya?

Sagot ni Megan, “Well, to be honest? Wala. Wala talaga.

“Kasi, I’m not the type of girl na kapag wala, I don’t really mind.

"Kapag hindi ako interested, I don’t really mind. As in takot talaga ako.

“Kahit ang number ko, takot akong ibigay. Ganun ako.

“Parang... hep… I’m not ready. And if I see someone else, parang ayoko.”

Wala pa naman daw siya sa punto ng buhay niya na hinahanap-hanap niya ang magka-boyfriend na.

“No, hindi naman,” wika ng StarStruck alumna.

“Ako, basta dumating, sige, I’ll give it a chance.

“Pero minsan talaga, yung creepers… yung creepers, ‘wag na lang.”

THE STUDENT. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon?

Mabilis na tugon ni Megan, “Yeah, happy naman ako.

“Kasi right now, I’m also finishing up my school.

"Kaya talagang iba ang concentration ko ngayon. Gusto ko na talagang makatapos.

“Once I finished my school, that would be a really big accomplishment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmalaki na ni Megan ang kanyang tinatapos na kurso.

“I’m on my third year now,” nakangiting sambit niya. “Filmmaking sa St. Benilde in Taft.

“And hopefully after this, I can do some more and something else.

“Heto naman kasi, parang dagdag na rin ito sa qualifications ko. Like, I can be an actress and at the same time, I am a director.

“It will open a lot of opportunities for me, I know.

"At least, I can express my creatived juices in another way—from acting to hosting and, heto nga, in directing.”

MEGAN’S DREAM. Kahit noon pa pala ay may leaning na siya sa entertainment media.

Sabi ni Megan, “Actually, I also wanted to be a writer pa. Writing talaga ang forte ko.

“Kasi, I would write for papers in school. So, yun talaga ang hilig ko.

"Ever since, gusto ko talagang maging editor-in-chief.

“Yun talaga ang pangarap ko mula nung bata pa ako. Nagdi-dream talaga ako.

“Kaso nga, nag-showbiz na ako. So, namulat na ako. Baka kako I can make it bigger.

“Like, not just writing, baka I can make… like a screenplay. I can make short films and direct para may vision.

“That’s where I can see myself. That’s whay I want all my….”

Sa puntong ito ay ni-reveal ni Megan kung anong klaseng pelilkula ang gusto niyang idirek o anong script ang gusto niyang isulat.

Lahad niya, “Gusto ko talagang magsulat ng isang honest love story.

“I guess an honest love story is one that everybody can relate to. I could be a happy ending, it could be a sad ending. As long as it’s honest.

“Mahilig talaga ako sa mga love story tulad nina John Lloyd [Cruz] at Sarah [Geronimo]. I watched their movie [It Takes A Man and A Woman].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I watched a movie hindi lamang for entertainment kundi yung parang, ‘Ako ’yan. Ako ’yan.’”

PERSONAL GOALS. At 23 years old, naniniwala ang actress-TV host na marami na rin siyang na-achieve sa kanyang personal goals.

Ayon kay Megan, “I guess I have achieved a lot of my personal goals na rin and get where I wanted.

“And I think that’s what is important. Hindi lamang yung goals mo sa work, sa sarlli mo na rin.

“How can you achieve your tangible goals kung hindi mo maaayos?

“I think I’m lucky enough naman to be given all these opportunities—the hard way din. Hindi ko naman ito na-achieve instantly.

“Dumaan din ako sa maraming pagsubok at I made an effort.”

Sa puntong ito, natanong namin siya tungkol sa "amazing stories" na nangyayari sa show business.

Tulad ng pag-amin ng international singer na si Charice na she’s a lesbian.

Ano ang ideya niya tungkol dito?

sagot ng kapatid ni Lauren Young, “In any situation like that, whether it’s her or anybody else, I’ll be happy as long as their happy.

“As long as they are not hurting or stepping... to anywhere they want to be, it’s fine.

“My parents naman taught me to treat people the way they want to be treated.

“If they’re there with a good and open heart and with good intentions, okey na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN