Victor Basa does not discount the possibility of falling in love with another man

“You never know, you never know. Kasi siyempre, nai-in love ka when you least expect it, di ba?” sagot ni Victor Basa nang tanungin kung posible ba siyang ma-in love sa kapwa niya lalaki.


"Apat na Pasko" na raw ang relasyon nina Victor Basa at Divine Lee ngunit wala pa silang planong magpakasal.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Victor kung bakit away pa nilang magpakasal gayong hindi naman nila itinatago na nagli-live-in na sila.

Sagot niya, “More stability... siyempre stability at marami pa akong gustong i-achieve sa career ko as an actor.

"And iyon, stability din, stability. Siyempre kailangan na you feel na you can provide for your partner.”

Kahit maykaya si Divine, ayaw raw umasa rito ni Victor. Gusto niya, bilang lalaki ay siya ang magdadala ng kanyang pamilya.


DIVINE AND THE GAYS. Speaking of Divine, itinuturing nito ang sarili bilang "babaeng bakla." May naging impluwensiya ba ito sa pananaw o pagtingin ni Victor sa mga bakla?

Sagot ng model-actor, “Actually oo, kasi, well, it started sa modelling days ko, tapos nakapasok ako sa showbiz. I’m no stranger to gays.

“And nung naging kami ni Divine, mas na-emphasize yung interaction ko and wala namang pagkakaiba—mga kaibigan ko ’yan, e, di ba?”

May mga pagkakataon ba na parang bading na rin ang tingin niya sa kanyang girlfriend?

Natawa muna si Victor bago sinabing, “Minsan nga pag naghu-host siya ng event, sasabihin niya, ‘Hi, ako po si Divine, babae po ako, kung nalilito kayo.’”

GAY LOVE. Si Victor ay kasama sa cast ng pinag-uusapang bagong primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki.

Nagbato kami ng hypothetical question kay Victor: Halimbawang may kaibigan siyang gay na may taning na ang buhay at ang huling hiling nito ay makarelasyon siya bago man lang ito pumanaw, papayag ba siya?

Sagot niya, “We shall see, we shall see.

"Depende kung... I think I would. Emotionally.

“Kasi siyempre kaibigan ko yun, e, kaibigan ko yun.

"Who am I to stop a dying man so…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung hindi lang ang emotional aspect ng isang relasyon ang hilingin nito sa kanya?

“I-physicalize?” ang mabilis na pagsalo ni Victor sa nais naming tumbukin.

Saka niya sinabing, “Maybe, maybe... oo.”

So maaari siyang magmahal ng isang bading?

“Ika nga, sabi ni Direk [Dominic Zapata], love knows no gender.

“You never know, you never know. Kasi siyempre, nai-in love ka when you least expect it, di ba?”

Hindi pa nararanasan ni Victor ang ganitong sitwasyon, pero sakaling mangyari, itatago ba niya iyon o ipagmamalaki niya?

Tugon niya, “If you’re in love with somebody, hindi mo itinatago, e!

"Kapag itinago mo, mas lalo kang masisiraan ng ulo, e.

“Iyon, katulad ng mga ibang tao na nasa closet... actually meron ding isang line dito [My Husband’s Lover] na sinabi na, ‘Kung gusto mong mag-out, mag-out ka na, pero you do it for the right reasons.’”

Sa primetime series ay ginagampanan ni Victor ang papel bilang si David, na matapos makipag-one night stand sa kaibigan niyang si Vincent (played by Tom Rodriguez) ay na-in love na at na-obsessed siya rito.

Dahil sa portrayal niya sa naturang primetime series, mas lalo raw nakilala ni Victor ang pagkatao at damdamin ng mga gays, the closeted ones, at ang mga out and proud gays.

“Actually, sobrang ganda ng story kasi makikita mo kung gaano kahirap magmahal with all the complications and pain.

“Kasi siyempre, meron ding mga responsibilities na meron ka as a man at yung sa social pressures sa iyo ng tao, ng friends mo, ng family mo, so nakita ko kung gaano kahirap.

“And as a gay, you have to fight for yung nararamdaman mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN