KC Concepcion convinced by Judy Ann Santos to accept kontrabida role in Huwag Ka Lang Mawawala

Is KC Concepcion a real -life maldita? The Kapamilya actress replies, “If you want to say na nagmaldita ka dahil natuto kang magmura o natuto kang magalit, natuto kang ipaglaban ang sarili mo, that’s okay. Pero I wouldn’t say na pagmamaldita ‘yon, siguro nagpapakatotoo lang siya.”


Inamin ni KC Concepcion na kung hindi si Judy Ann Santos ang bida sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ay maaaring nahirapan ang ABS-CBN na kumbinsihin siyang tanggapin ang role bilang kontrabida.

Personal choice daw kasi ni Judy Ann sina KC at Sam Milby na makasama niya sa kanyang pagbabalik sa primetime teleserye.

Kuwento ni KC sa PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) at ibang miyembro ng media, “Actually, may nagtanong nga po sa akin sa Twitter kanina kung hindi ba si Ate Juday ang lead dito, gagawin ko po ba ‘yon.

“Sabi ko, it might have been harder to convince me talaga.”

Paliwanag ng actress-TV host, “Kasi, of course, kapag sinabing ‘Ano ka dito, gray character,’ ano ‘yon? Hindi ko nga alam ibig sabihin ng gray character!

“And then, si Ate Juday talaga yung personally called me and she explained na, ‘Gusto ko ikaw ang maging kontrabida ko dito.’

"‘Ay, ’te, ano ba ‘yan?’ sabi ko sa kanya. ‘I really have to think about it, ’te.’

"And then ‘yon, hanggang malaman na lang niya na I accepted the project.

“We really didn’t talk about it.

"But ang bida-kontrabida kasi, parang mas accepted na ng tao, kasi mas napapakita na—ng ABS-CBN especially—yung buhay ng isang masasabi mo na bida-kontrabida.

"Malalaman nila kung bakit naging gano’n.”

Nakausap ng PEP si KC sa presscon na inihanda ng ABS-CBN para sa kanila ni Sam Milby, kaugnay ng Huwag Ka Lang Mawawala, kagabi, Hunyo 11, sa 14th floor ng ABS-CBN, sa Quezon City.



HER ROLE AS ALEXIS. Ito ang unang beses na gaganap na kontrabida si KC.

Pero giit niya, hindi naman basta masama ang ugali ng kanyang karakter.

“Kasi Alexis, hindi siya yung… Actually ano, e, ang sabi po sa akin ng mga direktor namin, mamahalin din si Alexis dito dahil...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although ini-expect ko na rin po na maraming maiinis, pero marami rin po siyang back story, e.

"Like, simula po ng bata sila ni Eros [Sam], parang simula ng pagkabata nila, magkasama na sila.

“So, mayroong mga nangyayari na hindi niya rin ginagawa on purpose kasi nga masyado na silang magkakilala dito.

“So… basta po maganda ang pattern ng mga direktor namin dito!”

Dagdag pa ng Kapamilya actress, talagang pinag-aralan niya kung paano niya gagawing kakaiba ang pagiging kontrabida niya.

“Siyempre nanggaling na po ng Mara Clara si Ate Juday, di ba?

“Inaral ko po yung kahit papaano… parang ayaw ko po maging tipikal na kontrabida na nakagano’n [nakataas] yung kilay.

"Kasi parati pong nakikita kina Ate Cherie Gil, kina Ate Gladys Reyes, e.”

Bilang ito ang unang kontrabida role ni KC, ano kaya ang reaksiyon ng kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta—na hindi gumanap na kontrabida sa anumang proyekto niya?

Nangingiting sagot ni KC, “Ano po, yung mga ka-text po niya, parang sabi lang po niya, ‘O, bahala na kayo diyan, ha.’

“Parang natuwa naman po siya na iba ang ipinapakita ko dito. Kasi never din po niyang ginawa yung ganitong role.”

MALDITA IN REAL LIFE? Habang pinapanood ang trailer, marami ang nakapuna na maganda ang pagkaka-portray ni KC sa kontrabidang si Alexis.

Naisip tuloy ng ilan, maldita rin kaya siya sa totoong buhay?

“Naku, mabait po ako! Perfect po ako! Nyak!” pabirong sagot ng dalaga.

Pagpapatuloy niya, “Siguro I can say na mas nakilala ko yung sarili ko nung natuto na ‘kong… nung talagang na-experience ko nang bumagsak.

“Yung na-experience ko na yung emosyon, yung iba’t ibang emosyon na nararamdaman po ng isang babae dahil po sa sobrang pagmamahal.

“Kaya if you want to say na nagmaldita ka dahil natuto kang magmura o natuto kang magalit, natuto kang ipaglaban ang sarili mo, that’s okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I wouldn’t say na pagmamaldita ‘yon—siguro nagpapakatotoo lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN