Kapuso hunk Pancho Magno willing to play drag queen; not yet ready to do kissing scene with another man

Kung may gay role na gustong gawin si Pancho Magno, ito ay tulad nang ginawa nina Patrick Swayze, Wesley Snipes, at John Leguizamo sa pelikulang To Wong Foo, Thanks For Everything... Julie Newmar (1995) kunsaan mga drag queens ang roles nila. Sabi ni Pancho, "Yun ang mga tipo na gusto kong gawin na gay role if ever. Kasi mga macho silang tatlo, pero nagdamit-babae at bumagay sa kanila. Siguro kasi sa laki kong ito, nakakatawang makitang naka-drag ako. Tapos an


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso hunk na si Pancho Magno kung naging “object of desire” ba siya ng mga gays noong wala pa siya sa mundo ng showbiz.

Sagot naman ni Pacho nang makapanayam namin siya sa press launch ng GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover, mula noong high school ay marami na siyang kilalang mga gays at yung iba ay nagiging kaibigan pa niya.

“Yung sinasabi nilang nagiging object of desire, hindi ko alam kung meron.

“Unless may magsasabi sa akin directly, dun ko lang malalaman.

“Ako kasi, never naman akong naging homophobic. Okey lang na magkaroon ako ng kaibigan na bading.

“Wala naman silang ginagawa sa aking masama, e. As long as may respetuhan tayo, magkaibigan tayo.

“Tsaka yung work nga ng mommy ko [Redgie Acuña-Magno, GMA’s assistant vice president for Drama], noon pa, mga katrabaho niya mga gays.

“Kaya kapag pinupuntahan ko ang mommy ko noon sa office niya, kilala na ako ng mga workmates niyang mga bading.

“Kaya nasanay na rin akong mapaligiran ng mga bading.

“Sa totoo lang, masaya silang kasama. Hindi ka mabu-bore kaya okey kasama ang mga gays kahit saan.”

GAY ROLE. Ngayong nasa larangan na ng pag-arte si Pancho, naisip na rin daw niyang subukan na gumanap sa isang gay role.

Sa Hollywood daw kasi, ang mga best at award-winning roles ng mga actors ay kadalasan dahil sa pagganap nila ng gay roles.

Magandang example nga ay ang pagganap nina Tom Hanks sa Philadelphia (1993), Sean Penn sa Milk (2008), at Christopher Plummer in Beginners (2010). Nanalo ang Hollywood actors na ito ng Oscars para sa pagganap nila bilang bading.

“Since pinasok ko na rin itong pag-arte, siyempre gusto mo ring subukan ang iba’t ibang mga roles, di ba?

“Napagdaanan ko na yung kaba bilang first-time actor. Yung isang line lang ang sasabihin mo, hindi mo masabi dahil sa sobrang kaba mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang naging experience ko noon sa Amaya kaya hiyang-hiya ako sa sarili ko.

“Pero noong gawin ko na yung Broken Vows, Kasalanan Bang Ibigin Ka, Magdalena, at Bukod Kang Pinagpala, unti-unti ay nasanay na ako. Mahahaba na ang mga lines na mine-memorize ko.

“Kaya gusto ko ring mag-grow as an actor at isa nga ang pagganap na gay sa gusto kong subukan balang-araw.”

Kung may gay role na gustong gawin si Pancho, ito ay tulad nang ginawa nina Patrick Swayze, Wesley Snipes, at John Leguizamo sa pelikulang To Wong Foo, Thanks For Everything... Julie Newmar (1995) kunsaan mga drag queens ang roles nila.

“Yun ang mga tipo na gusto kong gawin na gay role if ever.

“Kasi mga macho silang tatlo, pero nagdamit-babae at bumagay sa kanila.

“Siguro kasi sa laki kong ito, nakakatawang makitang naka-drag ako. Tapos ang lalim pa ng boses ko.

"So, nakakatawa talaga.

“Gusto ko munang subukan maging gay sa isang comedy. Masubukan ko lang kung makakapasa tayo.

“Kung maaaliw ang mommy ko sa akin, ibig sabihin puwedeng-puwede na akong magbading sa susunod!” sabay tawa niya.

NO TO KISSING SCENE. Kung bibigyan naman daw si Pancho ng role sa pelikula na kailangan niyang makipaghalikan sa kapwa lalaki, malamang na hindi pa raw niya magagawa ito.

Paliwanag niya, hindi pa buo ang confidence niya as an actor para gawin ang mga ganung eksena.

“Sabihin na nating mas kumportable at mas confident ako na maglakad sa stage na naka-underwear kesa sa makipag-kissing scene ako sa kapwa ko lalake sa isang pelikula!” tawa niya ulit.

Paliwanag ni Pancho, “Hindi kasi ako nahihiyang rumampa sa stage na naka-underwear, e. Nagawa ko na siya ilang beses na.

“Pero yung kissing scene with a guy, mahihiya pa ako. Hindi pa kasi ako handa sa ganyan bilang aktor.

“It takes an experienced actor to pull off a scene like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulad na lang nina Dennis Trillo at Sid Lucero, ang gagaling nilang artista. Kaya nilang gumanap na bading at nandun yung confidence nila bilang mga actors.

“Kung sa akin ipagawa ang gano’n, mahahalata na yung awkwardness ko. Kaya hindi ko pa siya talagang kaya.

“Kailangan ma-earn ko muna ang respect bilang isang actor bago ko magawa ang mga nagawa na nina Dennis at Sid at ng iba pang mga aktor in portraying a gay role.”

Pero hindi naman daw isinasara ni Pancho ang kanyang sarili na balang-araw ay makakagawa rin siya ng ganung klaseng eksena.

Lalo na kung ang ibig sabihin ay puwede siyang mapansin o manalo ng acting award dahil sa pagganap niya bilang bading.

“If it means na mare-recognize ako as an actor, bakit naman hindi?

“Pero tulad nga ng sinabi ko, kailangan sapat na ang experience ko bilang actor para magawa ko iyon.

“Kailangan lang ng tamang paghahanda ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN