Rafael Rosell reveals Christian Bautista consulted him before transferring to GMA-7

“I think a lot of artists dahil sa... paano ba sabihin yun... sa segregation among the top twelve or the top celebrities ng bawat network, parang maraming artistang hindi alam kung saan ipupuwesto ang sarili nila, e. At eto rin, kung bakit ako sang-ayon sa one industry, dahil kung yung iba hindi nabibigyan ng pagkakaton sa ibang network, at least may opportunity din sa ibang network. Sana kung wala nang network wars, mas malaki ang oportunidad ng bawat artista, di ba?&rdqu


Pagkatapos ng primetime series na Temptation of Wife, may kasunod na agad na proyekto si Rafael Rosell sa GMA-7.

Napapanood siya ngayon sa afternoon soap na Maghihintay Pa Rin katambal si Bianca King.

Paano iniba ni Rafael ang kanyang atake sa papel niya bilang si Nigel Armada noon sa Temptation of Wife, at sa papel niya ngayon bilang si Kiko Sebastian sa Maghihintay Pa Rin?

“Well, ibang class si Nigel at ibang class rin si Kiko.

"Si Kiko kasi nagsimula siya sa ibaba tapos inangat niya yung buhay niya.

"Si Nigel naman, parang silver spoon ang ginagamit niya sa food niya, e!” biro ng aktor, na ang ibig sabihin ay mayaman ang ginampanan niyang role sa Temptation of Wife.

Patuloy ni Rafael, “Kaya yung mentality, iba sa parehong characters.

"Siyempre, iba rin yung leading lady, iba rin yung style pag liligawan, ayun.

"So siyempre, new story, new adventure, new character.”

JAILED IN SINGAPORE. Excited daw si Rafael sa mga eksenang nakakulong siya sa Singapore dahil hindi pa raw niya nararanasan na makulong.

Kuwento pa niya, sa pinanggalingan niyang bansa, ang Norway, sa pagkakaalam raw niya ay maganda ang mga bilangguan.

“Yung iba nagpapakulong talaga, sadya talagang nagpapakulong kasi aircon tapos masarap ang pagkain kesa sa labas.”

Ibig sabihin, ang iba ay sadyang gumagawa ng krimen para makulong?

“Opo. Tapos lalaki sila, tataba, tapos paglabas nila, papayat na naman, mag-aadik na naman.

"Tapos pag nakulong ulit, ganun ulit!” natatawang kuwento ni Rafael.

CHRISTIAN’S CALL. Samantala, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bago lumipat si Christian Bautista sa GMA-7 ay tinawagan nito si Rafael.

Gaya kasi ni Charistian ay galing din sa ABS-CBN si Rafael.

Kuwento ni Rafael, “Pag-uwi ko galing sa rehearsal sa Party Pilipinas, may tumawag sa akin na unknown number.

"Parang feeling ko na kailangan kong sagutin, e, so sinagot ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos iyon, si Christian on the other line

“So, bago ako na-launch, nagtanong siya sa akin kung paano ko ginawa. Sabi ko, ‘Sundin mo na lang yung puso mo.’

“Tapos six months later, nandito na siya sa Kapuso.”

Close ba sila?

“Hindi masyado, pero hi-hello acquaintance kami sa ASAP.


“Actually, maraming humingi ng tip, e, pero siya yung unang humingi.”

Sino pa ang ibang artista na humingi sa kanya ng payo tungkol sa paglipat sa GMA-7?

“A, hindi ko puwedeng sabihin!” natatawang iwas ni Rafael.

“I think a lot of artists dahil sa... paano ba sabihin yun... sa segregation among the top twelve or the top celebrities ng bawat network, parang maraming artistang hindi alam kung saan ipupuwesto ang sarili nila, e.

“At eto rin, kung bakit ako sang-ayon sa one industry, dahil kung yung iba hindi nabibigyan ng pagkakaton sa ibang network, at least may opportunity din sa ibang network.

“Sana kung wala nang network wars, mas malaki ang oportunidad ng bawat artista, di ba?”

Tila mas gusto yata ng advertisers na may network wars?

Tugon ni Rafael, “Oo, siyempre nga, e, sila ang kumikita pero sino ang nagsa- suffer? Yung mga sundalo nila, kaming mga artista, di ba?

“So I think alam ninyo rin na maraming artistang nag-iisip, nagbabalak na lumipat, pero hindi pa sigurado kung gusto nila o hindi sila sigurado kung ano’ng step ang gagawin nila.

“So siyempre, since ginawa ko yun, marami din ang nagtanong sa akin kung paano ko ginawa, kung paano ko pinlano, kung anong dapat gawin nila, kung may advice ako para sa kanila.

“At siyempre nagbigay ako ng advice, pero in the end, you just have to follow your heart, e. Kung saan sa tingin mo magiging masaya ka.

“Ask for signs from God, it works!”

Siya pala ang sinunod ni Christian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi ko alam, siguro marami rin siyang tinanong,” nakangiting sagot ni Rafael.

Si Rafael, gaano katagal bago niya napagdesisyunang lumipat sa GMA-7?

“Oh, wow! Di ba, binanggit ko na may mga artistang hindi alam kung saan ilulugar ang sarili nila? I was like that for a few years.

“Tinanggap ko yung mga proyektong ibinibigay sa akin ng kabilang network at masaya naman ako.

“Pero na-realize ko rin na kailangan ko nang makita yung kabilang side ng wall, e.

"Siyempre kung lagi kang nasa puti, hindi mo alam na nasa puti ka hangga’t hindi mo alam ang hitsura ng itim.

“So in-explore ko yung field ng industriya.”

AN OPPORTUNITY. Isa sa ginu-groom ngayon na leading men ng GMA-7 si Rafael Rosell. Patunay nga nito ang sunud-sunod niyang proyekto pagkatapos niyang lumipat mula sa ABS-CBN.

Ngayon ay maugong usap-usapan tungkol sa napipintong paglipat ng top leading men ng Kapuso network na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa ibang istasyon.

Ano ang reaksiyon ni Rafael sa sinasabi ng iba na isa siya sa puwedeng pumalit sa tronong iiwanan ng dalawa kung sakaling matuloy nga ang paglipat ng mga ito?

Tugon niya, “Wow! Well, ako, pumirma naman ako sa GMA bago ko nalaman na may balitang aalis pala sila Dingdong, sila Richard, e.

"So kumbaga, ako, wala naman sa plot ko yung posisyon na ito.

"Pero since napadpad ako sa posisyon na ito, I think it’s a great opportunity for an actor na kumita pa at pagandahin pa ang buhay niya at yung mga sinusuportahan niya.

“So kung anuman ang oportunidad na ibigay sa akin ng GMA, kukunin ko yun.”

With or without Dingdong and Richard on GMA-7?

“Yeah! Dahil yung career ko naman hindi dumidepende sa kanila, e.

"Career ko, career ko yun, e; ang career nila, career nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN