Sam Milby on KC Concepcion: "Hanggang friends lang talaga kami. The development did not happen, e. Wala.”

Seryoso si Sam Milby na ipakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte, lalo na’t si Judy Ann Santos ang kasama niya sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala. Saad niya, "I’m just pressuring myself to really be good. Gusto ko talagang ipakita na I’m taking it seriously, na gusto ko talagang mag-improve sa craft and gusto kong ipakita na kaya kong gawin ang ganitong role.”


Inamin ni Sam Milby na naging crush niya ang kanyang co-star sa upcoming ABS-CBN soap na Huwag Ka Lang Mawawala—si KC Concepcion.

Ayon kay Sam, “I have it before na that I had a crush on her.

"It just happens to some people na… kami, we became friends.

“Yun ang nangyari sa amin. We’ve been friends naman for the past three years.

“Even before, kung kailangan ko ng advice or something, nandiyan naman siya para sa akin.

"So, hanggang friends lang talaga kami.

“The development did not happen, e. Wala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa presscon nila ni KC, para sa Huwag Ka Lang Mawawala, noong Martes, June 11, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

KISSING SCENE WITH KC. Sa trailer ng soap ay ipinakita na tila mayroong torrid kissing scene sina Sam at KC. Naging maingat ba si Sam sa shoot nito o nailang siya kay KC?

Nangingiting kuwento ng Fil-Am actor-singer, “Nag-toothbrush ako, nag-mouthwash... lahat ginawa ko.

“Hindi naman ako nailang kasi I know it’s part of the job.

“Siyempre, sinong lalaki ang magrereklamo na... I mean, di ba? Na nahihirapan sa eksena na naghahalikan kayo?

“Isang napakagandang KC ang...

“Hindi ako nailang kasi this is not the first time naman na we have worked together. There was a time na we are very close.”

Unang nagkatambal sina Sam at KC sa pelikulang Forever And A Day (2011).

HUWAG KA LANG MAWAWALA. Ano naman ang expectations niya sa bagong show niya, ang Huwag Ka Lang Mawawala?

Dito kasi ay mag pagka-offbeat ang role ni Sam bilang nananakit siya ng babae, sa katauhan ni Judy Ann Santos, na gumaganap bilang asawa niya.

Tugon ni Sam, “I don’t expect naman.

"Ang expectations ko lang ay sana ay maawa o magalit sa akin ang mga tao dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag nangyari ito, effective ang acting ko.

“You have to take a risk. You have to take something out of character kasi it’s the only way you can prove your potential.

“Gusto ko talaga mag-grow, ipakita yung versatility. Hindi ka talaga puwedeng maging good all the time, e.

“Ang sample na laging ginamit ko, yung one person na ina-admire ko ay yung si Heath Ledger sa The Dark Night.

"Sobra ang respeto ng lahat sa ginawa niya sa character. That really shows vesatility.”

Kaya nga raw bago nagsimula ang special screening ng pilot episode ng Huwag Ka Lang Mawawala sa Resorts World Manila last week ay hindi maiwaksi ni Sam ang kanyang nararamdaman.

Saad niya, “Yeah, sa first screening talaga ay kabang-kaba ako.

“Kasi, yung mga ginawa naming eksena before ay hindi ko na matandaan.

“I remember I was thinking kung ano ang magiging outcome o kahihinatnan.”

May eksena nga sa soap na nakahubad siya ng kanyang pang-itaas at kitang-kita ang kanyang abs, habang kaharap si Judy Ann.

Inalam ng PEP kay Sam kung naasiwa ba siya at si Juday sa eksenang yun o naging madali lang para sa kanya. Sabi nga raw ng Queen of Pinoy Teleserye ay napaka-seksing aktor ni Sam.

Natatawang sagot ni Sam, “Dapat siya [Juday] ang tanungin n’yo. Ako, no, hindi naman.

"Thank you kay Juday for flattering me.

“Mas nakakahiya sa akin kapag nahihirapan ako sa eksena na… hindi naman yung ganito.”

Nasaang level na ba ang kanyang kumpiyansa sa pagpapakita ng kanyang katawan?

“Kasi last year... yung mga eksenang ipinakita sa pilot week, yun ang mga eksenang kinunan last year.

“Mas marami akong oras para mag-work out. So, mas confident ako dati.

"Ngayon, hindi ako masyadong nagwu-work out.”

PERSONAL CHOICE. Ano naman ang reaksiyon ni Sam na personal choice siya ni Juday parang maging leading man sa Huwag Ka Lang Mawawala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “What else can you say if you are handpicked by her?

“All I can say is that I’m honored, you know, and thankful.

“Sana nga lang ay hindi ako madi-disappoint. Hindi ko siya madi-disappoint—kay Juday, sa management, sa tao.

“I’m challenged by myself. I’m challenged by the management, kay Juday.

“Like what I’ve said, si Juday has mastered the art of acting.

"Yung makaeksena ko siya, wala, gusto ko lang talaga na… I’m just pressuring myself to really be good.

“Gusto ko talagang ipakita na I’m taking it seriously, na gusto ko talagang mag-improve sa craft and gusto kong ipakita na kaya kong gawin ang ganitong role.”

IMPROVED TAGALOG. Ang gustong malaman ng marami ay kung may insecurities pa rin bang nararamdaman si Sam sa hirap niya sa pagta-Tagalog?

Pag-amin ng aktor, “Siyempre, may mga moments talaga.

"Kasi, may mga araw naman na dire-diretso ang Tagalog ko. May mga araw talaga na nabubulol ako, lalo na last year.

“Nakakahiya naman kasi sa eksena na kasama ko sina Juday, Tito Pips [Tirso Cruz III], Tita Connie [Reyes].

"And I’m my own worst critic. I criticize myself.

"I’m a perfectionist sometime. Masyado kong pinu-push ang sarili ko na... to improve.

"Hindi naman ako nadi-disheartened.

“Pero ngayong nag-i-improve na ako, ang conifdence level ko is good. It’s getting better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN