KC Concepcion still loveless but admits to dating a foreigner

Sa lahat ng pinagdaanan ni KC Concepcion pagdating sa kanyang lovelife ay marami na raw siyang natutunan. Sabi niya, "Natuto na lang din ako na iba kasi ang nagpapa-yummy sa disrespect, di ba? So, kapag medyo naramdaman mong disrespect na yun, ikaw na ang mawala, unahan mo na. Napo-protect mo ang sarili mo. At saka, siguro ngayon, what I’m learning right now, really, is not to be so jaded. Huwag namang isipin na lahat ng lalaki, pareho. Parang ganoon.”


Pinakamapangahas na pagganap ni KC Concepcion ang matutunghayan sa kanya ng mga manonood sa pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Sa una kasing pagkakataon ay gaganap siya bilang kontrabida ng bidang si Judy Ann Santos bilang Anessa. Gagawin din ng kanyang karakter na si Alexis ang lahat para mapasakanya si Sam Milby bilang Eros.

Ipinaliwanag naman ni KC sa entertainment press noong June 11, Martes, ang kanyang ginagampanang karakter sa soap.

“Yung role ko po, isa po siyang babae na ibibigay ang lahat dahil sa pagmamahal. Isa po siyang mabuting babae na sadyang nagmahal.

"Nagmahal kasi sila ni Anessa ng iisang lalaki. So, parang doon lumalabas yung pangil niya.”

Kaya ba niyang maging ganoon sa totoong buhay?

Tugon ni KC, “Hindi, hindi… ang sa akin nga, kaya nga siya challenge, si Alexis, talagang napakaano, e...

"Wala, bulag na bulag na bulag na talaga siya na hindi niya maiwan si Eros, hindi niya maiwan ang tao na minamahal niya.

“Siguro, yun ang pagkakaiba namin na, bilang KC, masasabi ko talaga na may ginagawa si Alexis dito na hindi talaga dapat tularan ng mga kababaihan.”

MALDITA. Ilang porsiyento ng totoong siya ang mayroon o nakikita niya sa karakter niya ngayon?

“There is Alexis in everyone,” sagot ni KC.

“Hindi lang siguro yung one hundred percent, pero may mga babae o beki na pinagdaanan yung journey na yan ni Alexis.”

Nang tanungin kung ano ang naging motivation niya sa pagganap na kontrabida, sinabi ni KC na naniniwala siyang bawat isa ay may side ng pagiging “maldita.”

"Yung pagma-maldits po? Si Alexis po kasi... ako, I always say that there is Alexis in everyone—mapa-babae, mapa-kerida, mapa-single girl.

"Single parent o single woman o kung karapat-dapat ba siyang mahalin ng isang tao, o mapa-beki man ’yan or anything, talagang merong Alexis in everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang pinag-uusapan namin ng make-up artist ko, para siyang RTW.

"Kapag suot mo, basta may size ka, masusuot mo siya. So, there’s an Alexis in everyone.

"Yung pagma-maldita po, sa totoo lang, I had so much fun with it.

“Tuwang-tuwa po ako sa character niya. Ito yung tipong nagpapakatotoo siya. Ipinapakita po niya sa viewers ang lahat ng side niya.

"Yung viewer lang po ang makakakita nun dahil kapag kaharap ni Alexis si Tito Romulo niya, si Tito Pip [Tirso Cruz III], iba.

"Iba rin kapag kaharap niya si Anessa. Iba rin po kapag kaharap niya ang pinakamamahal niya sa buhay niya, si Eros.

“Kapag nag-action na, feel na feel ko ang ginagawa niyang pangbu-bully.”

FROM BIDA TO KONTRABIDA. Nakapagbida na rin si KC sa isang primetime soap. Pero sa pagkakataong ito ay kontrabida nga siya ni Judy Ann Santos.

At si Judy Ann din daw ang dahilan kung bakit pumayag si KC na gumanap bilang kontrabida.

Dagdag pa ni KC, “Has it been a different actress, parang iba ang magiging desisyon ko. Pero, it’s Ms. Judy Ann Santos.

"I mean, Anne Hathaway has played these kind of roles also. Na talagang may bida rin sa project niya.

"Pero, if it’s someone like Ate Juday, it’s an honor more than anything.

“It’s a huge, huge opportunity to learn from them, di ba?

“Hindi lang naman yung makikita ng mga tao kung hindi yung magaganap din behind the screen.”

Hindi ba siya nag-alala na posibleng magbago ang imahe niya sa mga manonood?

“Hindi na,” nakangiti niyang sabi.

“Parang sa lahat ng pinagdaanan ko sa harap ng publiko, parang mahal naman nila ako for who I am.”

Paano kung sa susunod ay kontrabida muli ang i-offer sa kanya, pero ibang aktres na ang makakasama niya? Papayag pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta po iba ang kuwento sa kuwento ni Alexis. Kasi, para naman po maiba,” sagot ni KC.

Hindi ba siya natatakot na ma-typecast bilang kontrabida?

“Hindi po,” sabi niya.

“This is also a career choice for me na gusto ko rin ipakita sa mga tao na hindi nagtatapos doon.

"Na marami pa rin pupuntahan ang pag-arte ko or ang pagmamahal ko rito sa trabaho na ito.”

Dahil sa career move niyang ito, hindi na masasabing sinusundan niya lang ang yapak ng kanyang ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta. Sa buong career kasi ni Sharon ay hindi pa ito gumanap na kontrabida.

Sabi naman ni KC, “Sa lahat naman po yata ng ginawa ko for the last couple of years, mga choices or mga risky choices na ginawa ko, marami na rin akong ginawa na never ginawa ng mommy ko.

"So, she always says nga, between me and her, ako yung parang red sports car at siya yung parang SUV.”

FOREIGNER SUITORS. Bilang isang babaeng habol nang habol kay Sam sa Huwag Ka Lang Mawawala, paano niya nagagawang maging epektibo ang role niya samantalang sa pagkakaalam ng press ay loveless si KC ngayon?

“Ay, loveless po ba ako ngayon?” natatawang sabi niya.

“Siguro po kasi, marami akong ini-interview sa mga nakapaligid sa akin ngayon na alam kong meron din pong pinagdaanan at marami rin pong mga babae na ganoon din ang pinagdaanan.

"At siguro po, kinuha ko sa script, iniintindi ko kung ano ang pinagdadaanan ni Alexis.

“Minsan nga po, kapag binabasa ko, naiinis na po ako sa dialogue.

"Parang, ’Alexis naman, napaka-tangengot mo naman, gagawin mo ba talaga ’yan?’ Yung ganun po.”

Dahil ba may lovelife si KC ngayon kaya biyahe siya nang biyahe?

Pero mabilis at natatawang paglilinaw ni KC, “Wala po akong sinabing ganun, ha. Sila po ang pumupunta sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ganun, nasa ibang bansa kung sinuman ito?

“Opo, pero hindi po sa mga bansang pinupuntahan ko.

"Kapag nandoon po ako, hindi ko po sila pinupuntahan.”

May special someone ba siya ngayon?

“Wala pa po, exclusively,” tugon ni KC.

“Hindi pa po ako nagdi-date exclusively.

"Parang hinihintay ko na gumawa sila ng isang malaking gesture, then iku-consider ko na.”

Bilang paglilinaw, tinanong namin si KC kung foreigner ba ulit ang idini-date niya ngayon.

“Opo, e, foreigner po,” pagkumpirma niya.

Hindi kaya ito yung dating nabalitang masugid niyang manliligaw o inakala rin na naging karelasyon niya—ang French Filmmaker na si Pierre-Emmanuel Plassart?

“Sa akin na lang po yun,” nakangiting pag-iwas ni KC. “Pero, marami po talagang nagpapakilala sa akin.”

May nagpapatibok na ng puso niya ngayon?

“Nang slight!” at saka ito tumawa.

Dagdag ni KC, “Sa akin na lang po siguro muna yun. In the future, malalaman n’yo rin naman po.”

Naitanong din kay KC kung bakit tila nagiging malihim siya ngayon pagdating sa lovelife niya?

Paliwanag niya, “Kasi po, one, ayokong i-preempt.

"And siguro, marami na rin akong nai-share sa public at gusto ko namang ma-experience na mag-isa, bilang babae.

"At saka ko po ise-share yun kapag ready na ako at magiging boyfriend ko."

Pagkatapos ng naging relasyon niya noon kay Piolo Pascual, tila sa mga foreigner siya nauugnay ngayon. Choice niya ba ito?

“Nagkakataon po na sila ang nagpapakilala sa akin,” sagot niya.

Sa local, wala ba?

“Meron din, pero siguro po, mas nauna lang po [yung foreigner].”

HUWAG KA LANG MAWAWALA. May sinabihan na ba siya ng mga salitang "huwag ka lang mawawala" sa tunay na buhay?

Sagot ni KC, “Meron po, siyempre naman po, na-in love naman din po ako.”

Marami na ring pinagdaanan si KC pagdating sa buhay pag-ibig. Ano ang masasabi niyang pinakamalaking natutunan niya pagdating sa pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung si Alexis po, 70/30... di po ba, may linya siyang ganun? ’Eros, kahit 70/30 lang. Seventy kay Anessa, 30 sa akin...’ Ako po talaga, hindi puwede yun.

"Kung hindi ka 100... kasi, 100 din ako, go.

"Uuwi ka ng zero ang dala-dala mo.

“Wala, natuto na lang din ako na iba kasi ang nagpapa-yummy sa disrespect, di ba?

"So, kapag medyo naramdaman mong disrespect na yun, ikaw na ang mawala, unahan mo na.

"Napo-protect mo ang sarili mo.

“At saka, siguro ngayon, what I’m learning right now, really, is not to be so jaded.

"Huwag namang isipin na lahat ng lalaki, pareho. Parang ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN