Toni Gonzaga on working with Bea Alonzo, Angel Locsin, and Shaina Magdayao: "I gained three sisters.”

Sa paglipat ni Alex sa ABS-CBN, mas nababantayan daw ni Toni Gonzaga ang kapatid na si Alex. Aniya: “Kapag kasama ko siya, tutok pa rin ako sa kanya, kasi binibigyan ko siya ng tips, yung mga do’s and don’ts. Puwede na akong sabihin na pakialamera.”


Simula’t sapul, naging open ang actress/TV host na si Toni Gonzaga tungkol sa maraming hirap na pinagdaanan niya bago siya napasok sa showbiz.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Toni sa “Ikaw Na!” segment ng Bandila, ikuwinento ng dalaga na halos lahat ng auditions ay kanyang napuntahan.

Bungad ni Toni, “Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung audition ko dito sa ABS-CBN, sa may audience entrance dito sa labas.

“Kaya nga memorable ‘yan sa akin, at kapag dumadaan ako diyan ay… Fifteen? Seventeen years ago ay nag-audition ako sa entrance ng ABS- CBN.

“Yung buong street na yun ay punung-puno ng mga bata for Ang TV, Season 2 ‘ata yun?

“So, nag-auditon kami, ang dami-daming bata, na tuwing bubukas ang gate, hindi mo alam kung ikaw ay makakapasok.

“So, kami ng kapatid ko, nakipagtulukan kami."

Ang tinutukoy niyang kapatid ay si Alex Gonzaga.

Sa pagpapatuloy ni Toni, “Huling bukas na yun ng gate, kasi punung-puno ang gate at hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa labas.

“So, sa isang pagbukas, nabagsakan ako ng gate dito sa ulo.

“Sabi ko, ‘Ahh!’ Pero, go pa rin ako, ipinasok ko ang sarili ko.

“Nakapasok ako pero hindi ako natanggap."


STARDOM. Si Toni ang host ng bagong ABS-CBN reality talent search show na The Voice of the Philippines.

Sinasabing ang The Voice of the Philippines ay para sa mga nangangarap makapasok ang mundo ng showbiz.

Pag-ayon niya, “Yes, they are already artists on their own way.

“Kaya nga ang advice ko nga sa kanila, ‘In this life, you will receive a lot of no’s. Never give up ‘coz somebody will say ‘yes’ to you.’

“I received millions of no’s simula nang ako’y nine years old, walang nag-‘yes’ sa akin.

“Simula nang may mag-‘yes’ sa akin, naging tuluy-tuloy na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa lahat ng pagkakataong tinanggihan siya, saan ba siya humugot ng lakas?

“Alam ninyo, looking back… grabe! Sa dami ng nag-reject sa akin ay hindi ako nawalan ng pag-asa.

“Ang iniisip ko, sa sobrang laki ng determination ko ay hindi ko tinitingnan kung ano ang nangyari sa likod, e.

“Ang tinitingnan ko ay what’s ahead of me kasi, pag tiningnan ko, mapu-frustrate ako.

“Tuwing may rejection, move on, move on, move on.”


INSPIRATION. Sino ang isang taong laging kaagapay sa kanyang mga pagsubok.

Mabilis na sabi niya, “Ang Daddy ko.

“Sabi niya, ‘Kapag gusto at naniniwala kang kaya mo, dire-diretso ka lang.’”

Ang showbiz daw talaga ang gustong maging career ni Toni mula sa kanyang pagkabata.

Aniya, “It’s always... I said na dito ay merong akong calling— to be in the entertainment industry.”

Saka niya inimbita ang mga TV viewers na manood sa pagsisimula ng local franchise ng The Voice.

Anunsiyo ng TV host, “Yes, sa Sabado na po, mga Kapamilya… that would be on June 15, ay magsisimula na po ang auditions ng The Voice of the Philippines.

“Ang programa na kung saan ang pangarap ang puhunan at boses ang labanan.

“Apat ang coaches… World-class coaches po ang makakasama natin—Apl.de.Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, and Ms. Lea Salonga.

“Kasama po din naman ang aming V reporters na si Robi Domingo and Alex Gonzaga.

“And, ako po ang host ng The Voice of the Philippines. Kaya nga, Kapamilya, lend me your voice!”


SISTER ALEX. Ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, kalilipat lang sa ABS-CBN mula sa TV5.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa kapatid?

“Kay Alex?” tanong niya.

“Akala ko kasi yung ginawa ko ring Four Sisters and a Wedding.

Patuloy niya, “Ano… it feels like home.

“Kapag kasama ko siya, tutok pa rin ako sa kanya, kasi binibigyan ko siya ng tips, yung mga do’s and don’ts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede na akong sabihin na pakialamera.”

Mas conscious nga raw siya sa performance ng kapatid niya kaysa sa sarili niya.

Aniya, “Nakakalimutan ko na nga ang sarili ko, e.Siya na lang ang tinitingnan ko palagi.

“Actually, kasama ko siya kanina, naglaro kami sa Minute To Win It [hosted by Luis Manzano] at ipalalabas siya sa end of the month ‘ata.”


LATEST MOVIE. Tulad ng nabanggit niya, may ipapalabas siyang movie, ang Four Sisters and a Wedding.

Ipapalabas ito sa June 26 kasama niya sina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao.

Saad niya, “Yeah, its part of the 20th anniversary ng Star Cinema. It’s the kick-off movie.

“This is the start of the celebration of Star Cinema.

“Sa role ko dito, hindi ito nalalayo sa totoong buhay— napaka-kumportable ko sa ginampanan kong role dito…

“Panganay, laging iniisip ang kapakanan ng mga kapatid, so, that’s how the story goes on.

“Ewan ko kung puwede ko nang sabihin…

“Meron kasing sikreto si Teddy [ang kanyang karakter] pero towards the end, malalaman din yung itinatagong sikreto— may sikreto siya.”

Wala bang tensiyon sa kanilang apat bilang lahat sila ay kabilang sahottest star ng henerasyon ngayon?

“Ako, sa sarili ko, nate-tensiyon ako,” pag-amin ni Toni.

“Sinabi ko na ito… Na ako, meron akong presssure even before ko pa gawin ito.

“Kasi alam ko naman na mahuhusay silang apat mag-drama, so, parang kinakabahan ako, kasi hindi ako kampante sa drama.

“Natatakot ako baka hindi ko makaya, pero, nakakakaba talaga.

“Pero, noong malaman ko na ito ay isang light family drama, noong marinig ko yung kahit konting ‘light’ lang, pasok na ako.

“Pero sa shooting mismo, wala namang tensiyon.

“Ito yata ang isa sa pinakamagaan na set na napuntahan ko.”

Naging close nga raw silang apat sa isa’t isa.

Aniya, “I got to know them in a deeper level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hayun, I gained three sisters.”


GOING STRONG. Sa puntong ito ay inalam ni Boy Abunda ang estado ng relasyon nila ni Direk Paul Soriano.

“We’re fine… we’re celebrating our sixth year,” mabilis niyang sagot.

Ano ang sikreto sa maayos nilang pagsasama?

Tugon ni Toni, “Actually, tinanong ko ‘yan kay Juday [Judy Ann Santos] at Ryan [Agoncillo].

“Siyempre, hindi talaga maaalis diyan ang respect and understanding… it’s very important.

“It’s one of the keys in keeping the relationship.

“Ang pinaka-ano talaga… ewan ko, ha? Lagi ko namang sinasabi ito… I think it’s putting God at the center of your relationship.

“Kapag Siya ang nasa gitna, alam mong magtatagal kayo. Yun.”

Ano ang mensahe niya sa kanyang boyfriend?

Natatawang pahayag niya, “Nakakaloka! Alam ko nagsu-shoot siya ngayon.

“Pero kung nanonood man siya ngayon, ‘Hello,’” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN