The PEP List 2013: Derek Ramsay: “Yung mga intriga-intriga, I don’t let that dictate my life."

Derek Ramsay, PEPsters’ Choice nominee for Newsmaker of the Year 2013, prefers to have a quiet love life this time around.


Mas tahimik ang buhay ni Derek Ramsay ngayon dahil humupa na ang mga isyung ibinabato sa kanya, hindi katulad noong nakaraang taon nang lumipat siya sa TV5 mula sa bakuran ng ABS-CBN.

Kahit noong nagsalita si Angelica Panganiban sa April 2013 issue ng Star Studio tungkol sa mga dahilan ng breakup nila, piniling manahimik ni Derek.

(Read: Angelica Panganiban finally reveals reasons for breakup with Derek Ramsay)

NOT JUST CONTROVERSIES. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa telepono noong Martes, June 11, sinabi nito na may mga pinagdadaanan din siyang mga problema at hindi lang puro intriga.

“Hindi lang mga intriga ang mga problema, like injuries, you know, stuff like that.

“I really take that to heart because I’m an athletic guy.

“I get really depressed, I can’t play. I’ve got some injuries again now."

Naglaro raw kasi siya kamakailan ng Frisbee at nasaktan siya sa paglalaro.

Matatandaan ding nagkaroon ng arm surgery si Derek noong 2011 matapos masugatan sa isang Frisbee tournament.


PART OF THE INDUSTRY. Paliwanag pa ng athletic actor, tanggap na niya na kasama sa industriya ang mga intriga at natuto na siya kung paano harapin ang mga ito.

“Yung mga intriga-intriga, I don’t let that dictate my life.

“It’s part of our work, it’s part of the industry that we’re in and every time that there is an intriga, I address it. But those are not the problems I’m talking about. I’m talking about other things.

“Like I said, I’m a very blessed guy, I’m very happy."

Si Derek ay isa sa mga nominado sa male category ng Newsmaker of the Year ng PEPsters’ Choice ng The PEP List 2013 for the 1st quarter.

Ang mga kapwa niya nominado sa nasabing kategorya ay sina Gerald Anderson, James Yap, Sen. Chiz Escudero, at Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging kontrobersiyal si Derek nang lumipat siya sa Kapatid Network at noong naghiwalay sila ni Angelica, na ngayon ay current girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Ang PEPsters’ Choice ng The PEP List 2013 ay avenue para sa mga readers ng na iboto ang kani-kanilang paboritong artista sa ibat-ibang kategorya.

Ang PEPsters’ Choice 1st quarter ay matatapos June 30, kaya kung hindi ka pa nakakaboto, log on to www.pep.ph/pep-list.

FEELS BLESSED. Dagdag pa ni Derek, isa rin sa mga ikinalulungkot niya ay ang kakulangan ng sapat na quality time para makasama ang pamilya sanhi ng kanyang busy schedule.

“I have to find that perfect balance, which is very hard.

“To spend time with your family, with health, work, friends… yung mga ganong klase.”

“I can’t complain about my life. I’m blessed with commercials, shows on TV5, but at the same time, I’d like to say that I’m really working my butt off.”

Katatapos pa lang ng fantasy series niya na Kidlat at nakatakda niyang simulan ang isang action-drama TV series na may working title na Undercover.

Dahil nga sa magandang takbo ng kanyang career, alam daw ni Derek na hindi siya dapat magreklamo.

“I shouldn’t be greedy, I should be happy with everything that is being given to me.”

Isa pa, alam din ni Derek na hindi sa lahat ng oras ay magkakaroon siya ng mga oportunidad na naibibigay sa kanya ngayon.

“One day it’s all gonna come to an end and you have to grasp that and move on and find out what’s the next chapter of your life is.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN