Bangs Garcia on doing daring scenes in Lauriana: “Let’s see kung hanggang saan yung kakayanin ko habang nagsu-shoot kami.”

Kabado ngunit ipinapangako ni Bangs Garcia na gagalingan niya ang kanyang pagganap sa launching film niyang Lauriana. Sabi ni Bangs, “This is my first-ever lead role for a film, title role... excited and medyo kinakabahan. Kasi, di ba, directors’ showcase ito? Kaya marami kaming kalaban na magagaling.”


Huling napanood si Bangs Garcia sa pelikulang The Reunion (2012) at ngayon ay abala na siya sa shooting ng indie movie na Lauriana.

Entry ang Lauriana ng BG Productions sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Mula ito sa direksiyon ni Mel Chionglo.

Paglalarawan ni Bangs sa kanyang gagampanang karakter, “Si Lauriana ay isang bailarina noong 1950s... dancer, pero hindi sila prostitute... they just dance.

“Kasi, yung year nila na 1950s, di ba, very conservative sila?

“So, isa akong probinsiyana na nangangarap na pumunta sa Maynila, magtrabaho sa Maynila.

“So, in other words, very ambitious siya na babae.

“Isa rin siyang matapang na babae, kasi marunong siyang lumaban kapag kinakawawa siya.

“So nagmahal, nangarap, at nabigo si Lauriana pero lumaban hanggang sa kahuli-hulihan.”

Launching project ni Bangs ang Lauriana sa panulat ni Ricky Lee.

Sabi niya, “This is my first-ever lead role for a film, title role... excited and medyo kinakabahan.

“Kasi, di ba, directors’ showcase ito? Kaya marami kaming kalaban na magagaling. So iyon ang pinagdarasal ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmnet Portal) si Bangs sa press launch ng Lauriana noong June 8 sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.



STORYLINE. Ang leading man ni Bangs sa Lauriana ay si Allen Dizon, na gaganap bilang isang sundalo ng Philippine Constabulary.

Ayon kay Bangs, “Pero sa unang part lang siya ng movie, mas magpo-focus sila sa relasyon namin ni Allen at saka doon sa bata.

“Yung bata, napakaimportante ng role niya.

“Para namin siyang adopted but not legally adopted, parang kasi, yung bata, orphan siya

“So si Allen, parang iniidolo niya, gusto rin niyang maging PC—maging sundalo din paglaki.

“Sa akin naman, gandang-ganda siya noong una, parang crush niya ako.

“Hanggang sa parang naging nanay na ang turing niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So noong nagsama kaming dalawa ni Allen, lagi rin namin siyang kasama.

“So, para namin siyang naging anak in some way... lagi siyang nasa bahay namin.

“Tapos, may parang exploitation sa part niya, may mga things na hindi dapat nakikita ng isang bata.

“Pero dito sa pelikula, ipapakita kung paano na-expose yung bata doon sa mga bagay na yun.”



LOVE SCENES. Hindi ni-reveal ni Bangs kung ano ang eksaktong mararanasan ng bata sa istorya, pero sinabi niyang may love scene sila ni Allen.

“Napag-usapan na namin, I think this is so far my most daring role so…”

May mga limitasyon si Bangs tulad ng hindi raw siya papayag sa topless scenes.

“Pinag-usapan na namin ni Direk Mel [Chionglo] iyon, pero willing naman ako hanggang tipong mga side boob... ganyan... back.

“Pero no butt exposures.

“Pero I don’t know at the time, sa kabuuan ng shoot.

“Let’s see kung hanggang saan yung kakayanin ko habang nagsu-shoot kami... tingnan natin.

“Kasi maganda naman yung story and ang pinakamaganda dito sa movie na ito, hindi naman siya naka-focus lang sa sexual parts, e. Maraming mas importanteng bagay na kailangang tutukan ng audience.”



TANDEM. Ang unang indie film ni Bangs ay ang Migrante kung saan una niyang nakatrabaho si Allen.

“Sa Marino kasama rin ako doon, nandoon din si Allen.

“Kasama ko pala lagi si Allen sa indie film.

“Sa Burgos, nandoon din kami ni Allen,” sabi niya.

Ang Burgos ang upcoming indie film ni Joel Lamangan tungkol kay Mrs. Editha Burgos, ina ng aktibistang si Jonas Burgos. Tampok din dito sina Lorna Tolentino at Rocco Nacino.

Mabuti at hindi nade-develop ang feelings nila ni Allen para sa isa’t isa?

“Ay, ano ba ‘yan? May asawa na siya, ’no!

“Hindi, hindi talaga... para kaming magbarkada ni Allen.”

Unang matinding love scene ni Bangs at Allen dito sa Lauriana, ano ang feeling na kabarkada niya ang ka-love scene niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e. Pero profesional naman kami, e, wala kaming kahit anong malisya, e.

"If it’s work, it’s work,” sagot ni Bangs.



SEXIEST PINAY. Kahit kasama si Bangs sa FHM Sexiest Women, hindi naman niya alam kung pang-ilan siya sa listahan.

“Bumaba ‘ata ako last time, e. Mga last week, nasa top fourteen na lang ako.

“Last year ay top ten or eleven ako.

“Last week, sabi sa akin, top fourteen. Let’s just wish na nasa higher rank ako ngayon.”

Hindi daw siya pala-tweet para iboto siya sa FHM Sexiest Women.

“Hindi masyado, naging busy din ako, I was out of town all the time lately.

“Kasi na-stress ako doon sa Kung Ako’y Iiwan Mo, e," pagtukoy niya sa huling soap niya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN