Rich Asuncion considers college degree as fallback after showbiz: “Yun lang din ang ipagmamalaki ko na kahit artista ako, may diploma ako— U.P. pa!”

Sakaling mawala siya sa showbiz, ang option ni Rich Asuncion ay: “Balik sa Bohol. Yun talaga ang plano ko. Mag-aaral ako, kasi in the future, babalik ako sa amin. Doon ako magse-settle-down… may business ako.”


Kaya pala hindi napagkikita-kita si Rich Asuncion sa telebisyon ay dalawang buwan siyang namalagi sa kaniyang hometown sa Bohol.

Sa halip na sa Manila kasi siya mag-OJT o on-the-job training, pinili ni Rich na mag-training sa isa sa mga resort sa province niya.

Ayon kay Rich nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa press conference ng Lauriana, nitong huling linggo ng May lang siya bumalik ng Manila.

“For two months, nag-OJT ako sa Bohol. E, third year na ako at third year ginagawa yung OJT namin.

“Very timely rin kasi nag-expire yung contract ko sa GMA Artists Center ng March.

“So, ang ginawa ko, hindi muna ko pumirma sa kanila dahil hindi rin naman ako makakapag-commit pa ng show.”


END OF CONTRACT. Plinano ba niyang talaga na sa pagtatapos ng kontrata niya, uuwi siya at doon niya gagawin ang requirement sa eskuwelahan?

“Nag-silver wedding anniversary kasi ang parents ko. Ang plano ko sana, airlines [ang OJT] para dito na lang.

“E, nagkataon na nag-end na ang contract, so, naisip ko, umuwi na lang muna, parang bakasyon na rin, di ba?

“Actually, yun na ang pinaka-matagal kong stay sa Bohol simula nang mag-StarStruck ako.”

Sa Tagbilaran ang bahay nila Rich sa Bohol, pero, sa Panglao ang resort na pinasukan niya.

Kumusta naman ang pag-o-OJT niya sa sariling bayan?

Sabi ni Rich, “Siyempre, na-miss ko rin naman ang trabaho. Siyempre, yun ang nagpapabuhay sa atin.

“Pero siyempre, na-enjoy ko rin yung simpleng buhay—walang stress, walang traffic.

“Habal-habal lang ang sinasakyan namin. Talagang balik simple life lang.

“Tapos siyempre, yung family, na-miss ko kaya, masaya rin.”

Tuloy pa niyang kuwento, “Nakakatuwa, natuwa naman sila kasi, habang nag-o-OJT ako, may nagpapa-picture sa akin, may nagpapapirma.

“Nakakatuwa kasi, isa ako sa may pinakamataas na grade ng OJT. Pero, siyempre, wala talaga akong arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagra-round kami, housekeeping, dining, kitchen. Lahat—pantay-pantay kami.”


SHOWBIZ PLANS. Namahinga siya ng dalawang buwan sa showbiz, ngayong tapos na ang OJT, ano ang plano ni Ritz sa showbiz career niya?

“Actually, meron na… meron ng in-offer ang Artists Center sa akin before akong umalis, meron na akong guarantee.

“Pero inisip ko kasi, sobrang behind na ako sa school. So, ayokong mag-commit ng six years.

“Dapat 2008 pa ako graduate. Puwede naman, pero, siyempre, tinatantiya ko pa rin.

Dugtong pa niya, “Lumaki ako na importante talaga sa akin ang school ko.

“Medyo ano rin ako, pagdating sa school… nag-Science High School ako sa Tagbilaran City.

“Tapos ngayon, U.P. [University of the Philippines], papakawalan ko pa ba yun?

“Pangarap ko talaga ang UP.

“At saka, yun lang din ang ipagmamalaki ko na kahit artista ako, may diploma ako— U.P. pa!

“Yung ganoong tipo,” nakangiting sabi niya.

Kung sakali, hindi ba niya puwedeng i-discuss sa GMAAC ang schedule niya sa university kung sakali at pipirmahan na niya ang inaalok na guaranteed contract?

“Actually, very considerate naman sila sa akin sa school.

“Hindi naman sa hindi ako pipirma, pipirma naman ako. It’s just that, tinatantiya ko lang talaga ang schedule ko ngayon.”


FUTURE PLANS. Inamin naman ni Rich na balang-araw, pangarap din niyang magkaroon ng sariling resort business.

“In the future kasi, gusto ko rin na magmay-ari ng isang resort. Malay natin, ‘di ba? Magagamit natin.

“So, balik sa Bohol, yun talaga ang plano ko. Mag-aaral ako kasi in the future, babalik ako sa amin.

“Doon ako magse-settle-down, may business ako.”


BREADWINNER. Ang alam namin, si Rich ang breadwinner ng pamilya niya.

Sa isang artista lalo na at breadwinner, hindi ba mahirap na mabakante sa trabaho ng dalawang buwan?

“Opo, pero, naka-raket naman ako ng five days sa Qatar noong May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya naman, na-enjoy ko naman ang work.

“Sa Bohol naman, kahit paano, naka-raket din, di ba, may kampanya? Yung mga ganoon naman, okay rin.

“Huwag naman nating iwan yun, siyempre, kailangan din, di ba?” natatawa niyang kuwento.


INDIE FILM. Sa pagbabalik naman ni Rich, agad na may indie movie siyang gagawin.

Siya ang gaganap na legal wife ni Allen Dizon sa pelikulang Lauriana na official entry ni Mel Chionglo para sa Sineng Pambansa Masters’ Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pero si Bangs Garcia ang nasa title role na Lauriana na balitang magpapaka-daring sa pelikula.

Kung sakali na siya ang “kabit” na si Lauriana kesa sa legal na asawa, tatanggapin ba niya ang role?

Sabi naman ni Rich, “Actually, before nito, meron din silang in-offer na isang movie, sobrang daring naman, hindi ko talaga kaya.

“Nakita ko ang script, nakita ko ang mangyayari. So, kung dito, parang hindi ko pa kaya.

“Siguro, a few more years.”

Excited naman si Rich sa Lauriana dahil unang beses siyang mai-didirek ni Mel Chionglo at si Ricky Lee pa ang nagsulat.

Aniya, “First time at saka, ni Ricky Lee, di ba?

“So, excited ako kasi, naririnig-rinig ko lang sila, ngayon, makakatrabaho ko na.

“Starstruck nga ako kanina. Sabi ko, ‘Sila pala yun!’”

Kuwento pa niya, “Nanghinayang nga ako kasi, when I was in Bohol, dapat, isasali ako ni Direk Maryo [delos Reyes] sa film niya.

“Bilang nag-OJT ako, hindi ko nagawa.

“Sabi ko nga, sayang yung mga director, di ba?

“Siyempre, kapag artista ka, pangarap mong mahawakan ng mga batikang director, di ba?

“So, pagdating ko rito, kasali pala ako. So, natuwa pa rin ako.”


IN TOUCH. Ang Kapuso actor na si Ervic Vijandre ang huling na-link kay Rich.

Bakit kung kailan tumakbo si Ervic sa pagka-konsehal ng Taguig, saka naman siya umalis at hindi ito tinulungan noong kampanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang esplika ni Rich, “Actually, palagi naman akong naka-monitor.

“I mean, palagi ko rin nakakausap yung kapatid niya—nangangamusta ako.

“Tapos noong minsan, katabi niya si Ervic, binigay sa kanya. Nahiya ako…”

Bakit naman siya mahihiya?

“Wala lang, kasi, ang tagal na rin since nagpunta ako ng Bohol.

“Pero actually, noong mismong eleksiyon, nagulat ako, kasi, tumawag siya.

“May nakita akong missed call. E, nasa duty ako, one hour lang ang break namin.

“Nabasa ko, siya, gabi na, dinner time na.

“So, noong nakita ko ang missed call niya, tinawagan ko siya.

“Sabi ko, ‘Uy, ano, tumawag ka?’ Tapos, sabi niya, yun nga raw, election noong araw na yun, kinakabahan siya.

“Pero sabi ko, ‘Huwag kang kabahan… huwag kang mangamba.’”

Pero isa si Ervic sa mga artistang hindi pinalad noong nakaraang eleksiyon.

Inamin naman ni Rich na bago raw siya umalis papuntang Bohol, nag-usap sila ni Ervic.

Sinabi raw niya kay Ervic na itigil muna nila kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Ang katuwiran niya, “Kasi yun nga, magiging busy siya sa election, tapos ako, aalis.

“Parang natakot ako na hindi kami magkikita. Napag-usapan namin.

“Mahirap kasi, e. Ako ang tao na hindi ko kaya ang long-distance.

“Pero, nagpunta siya ng Bohol. After election, unfortunately, hindi siya nanalo, di ba?

“Nagkausap kami ni Tita, ng Mommy niya. Siyempre, medyo malungkot.

“So, sabi ko, ‘Sige Tita, ako ang bahala.’

“Iimbitahan ko na lang siya rito sa Bohol. Kasi, hindi pa siya nakakapag-Bohol.

“Nasa Cebu yata siya noon, may basketball siya. Kaya sabi ko, punta na lang siya rito, sa Bohol nga.”


RECONCILIATION? Nagkabalikan na ba sila?

“Hindi namin pinag-uusapan yung ganoon. Promise, hindi talaga.

“At saka, ayokong pangunahan, ayokong isipin masyado. Gusto ko lang makita kung ano ang mangyayari.”

Officially, dalawang buwan pa lang ang naging relasyon nila ni Ervic.

Pero, matagal na raw silang magkakilala at magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandoon yung naging close ako sa pamilya niya kasi, sobrang bait naman ng pamilya niya.”

Hindi ba siya na-guilty na noong kailangan din siya nito sa kampanya, wala siya?

“Actually, oo,” natawang pag-amin niya.

“Siguro kung nagkataong kami pa noon, baka hindi ako umuwi, baka dito na lang din ako sa Manila nag-OJT.

“Pero, kahit naman wala ako physically, nandoon naman ako, kinakamusta ko naman.

“Hindi man directly sa kanya, sa mommy niya, sa kapatid niya.

“Sobrang kahit naghiwalay kami, masaya pa rin ako.

“Kasi, sobrang parang tinuring na rin akong pamilya ng family niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN