Ruffa Gutierrez keeps mum about report that brother Richard and girlfriend Sarah Lahbati are expecting a baby

Iwas magbigay ng pahayag si Ruffa Gutierrez kaugnay ng balitang paglipad ni Richard Gutierrez sa Switzerland upang samahan ang girlfriend nitong si Sarah Lahbati, na diumano’y nagsilang na ng kanilang anak.


Idinidistansiya ni Ruffa Gutierrez ang kanyang sarili sa mga intrigang diumano ay nasa Switzerland ngayon ang kanyang kapatid na si Richard Guttierez para raw i-welcome ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Nasa Switzerland ngayon ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati, na umalis ng Pilipinas matapos nitong masangkot sa isyu sa kanyang home network na GMA-7.

Sa ngayon, may existing warrant of arrest na ang StarSruck alumna na maaring i-serve sa kanya kung babalik siya ng bansa. Ito ay kaugnay ng kasong libel na isinampa laban sa kanya ng GMA Film President na si Annette Gozon-Abrogar.

(Read: Annette Gozon-Abrogar sues Sarah Lahbati for libel)

May kumakalat kasing balitang magsisilang na o isinilang na raw si Sarah ang sinasabing anak nila ni Richard sa Switzerland.



Sa ulat ng abs-cbnnews.con ngayong araw, June 13, sinabi ni Ruffa na wala siya sa posisyon upang sagutin ang isyu dahil hindi pa raw niya nakausap ang kapatid tungkol dito.

Aniya, “I can’t comment on that because I haven’t seen the alleged new addition to the family.

"Once I see with my own two eyes… I’ve never actually asked Chard about it because during the time when the news came out, wala akong naramdamang stress sa aming pamilya na namomroblema sila.”

Ayon pa sa actress-TV host, kung may katotohanan man daw ang isyu, malalaman daw niya ito mula mismo kay Richard.

Dagdag pa niya, “I saw Chard in Cebu during Easter and he was happy. Everyone was so happy.

"Feeling ko hindi totoo yung tsismis because feeling ko naman they would tell me just in case na totoo.”

Ayon pa sa dating beauty queen, magiging mas "proper" daw kung ang balita ay mismong manggaling kina Richard at Sarah kung sila nga ba ay magiging mga magulang na.

Saad niya, “Hindi naman puwede itago ang isang sikreto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If ever there is a child, I’m very happy and we should consider it a blessing if there is one.

"Huwag naman natin sila unahan. Can I ask him first?”

Sabi pa ni Ruffa, galing sa maayos na pamilya si Sarah at susuportahan daw niya ang dalawa kung may plano na nga silang lumagay sa tahimik.

“For me, Sarah is a very nice girl. She is really welcome in our family.

"If Richard sees having a future with her, I would definitely support them because nakita ko na galing sa mabuting pamilya si Sarah at mahal na mahal si Chard.”

Bago umalis si Sarah sa Pilipinas ay kapwa nila itinanggi ni Richard na nagdadalang-tao ang young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN