PEPtalk: Steven Silva and Carl Guevara are open to doing daring roles

Asked for their own definition of "sexy," Steven Silva and Carl Guevara gave very different answers!

Watch Steven Silva and Carl Guevarra’s interview on PEPtalk!


Matapos ang kuwentuhan tungkol sa lovelife at career ay napag-usapan naman sa third part ng PEPtalk Bodies Special ang pagiging hunks nina Steven Silva at Carl Guevara.

Iniwanan nina PEPtalk hosts Demai Sunio-Granali at Kath Benavidez ng tanong ang dalawang hunks nung ikalawang episode. Ang tanong: hanggang saan nga ba o gaano ka-daring ang kayang gawin nina Carl at Steven.

Demai: "Mature roles like mga gay roles, intimate scenes...ikaw, Carl, handa ka na ba gumawa ng mga ganun?

Carl: “Puwede! Kasi kung kailangan naman talaga sa istorya nung show ’tapos hindi naman siya bastos at saka interesting yung kuwento... So, bakit naman hindi, di ba?”

Demai: "But how far can you go? In terms of nudity or kung gaano ka-harsh yung scene. Hanggang saan?"

Carl: “Depende kung kaya ko naman ibigay. Kung hanggang saan yung makakaya ko at nakikita ko naman yung script na ganito talaga yung kailangan."

Demai: "Kunwari frontal nudity?"

Carl: “Bahala na yung manager ko.”

Demai: "How about si Steven, how far?"

Steven: “I also agree yung kay Carl. Every project that you have, you want to learn from it.

“Sana maganda din yung story, yung kuwento ng show, and kung kasama yung sa show na you have to do na maghubad…

“For me, if I can gain something from it na may chance na mag-improve rin ako as an actor, bakit hindi? Basta for me, I hope maganda yung story and yung turn out ng story.

“’Wag naman sana bastos lang or just do it for the sake of doing it, na mag-topless ako para lang mag-topless ako. Hindi naman ganun, di ba?

“May reason, may background.”

Demai: "Right now, kayo ay tinatawag na male hunks, male celebrity hunks, which is equivalent na rin to being a sex symbol. Sa tingin nyo ba good thing or bad thing yun na tinatawag kayong sex symbol? Positive ba yun ’pag tinawag kang sex symbol? Ikaw, Carl?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Carl: “Para sa akin, positive. Wala lang...positive. Iba kasi yung dating, e.

“Tingin nila sa ‘yo, ganun ka.”

Iba naman ang naging stand ni Steven dito.

Pag-amin ni Steven, “Actually, bro, I disagree.”

Aniya, “For me kasi, ’pag sex symbol ka, parang negative sa akin.

“Kasi parang ang tingin ng mga tao sa ‘yo, na mahilig ka maghubad, mahilig ka ipakita na maganda yung katawan mo.

“For me, they might think that, that’s all you can offer. Kasi you’re a sex symbol.

“Ayoko sana na maging tawag sa akin na ‘sex symbol’ or something like that.

“Puwede naman hunk, ’wag naman sex symbol.”

Napunta naman ang usapan sa kung ano ba ang sexy para sa kanila.

Demai: "Para sa inyo, ano ba ibig sabihin ng sexy?"

Steven: “For me, sexy is someone who is confident with themselves.

“Confident kung anong meron sa’yo, what you can offer. Sometimes sexy yung may muscles, yung may abs.

“Basta yung sexy, it lies dun sa confidence.

Agree naman si Carl kay Steven na confidence is sexy, “Tama, tama si Steven na ’pag confident ka, yun ang sexy para sa akin.

“Hindi lang yung nakikita ka na naka-two-piece ka.”

Pero paano na ’pag girls na ang pinag-uusapan?

Demai: "Pero sa girls ano ba yung sexy sa inyo? How would you describe a sexy girl?"

Nagbanggit si Carl ng characteristic na maliit, na patukoy sa nababalitang girlfriend nito na si Kris Bernal, “Maliit...yung hot!”

Steven: “For me, sexy is someone who is confident. Someone who is kahit under pressure siya, they can also really be presentable. They can survive under pressure and they’re confident with who they are."

Kath: "What do you consider the sexiest part of your body?"

Steven: “You want to see the sexiest part of my body?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My smile.”

Carl: "Siguro ako..."

Pasingit na hirit ni Steven, “The stubble…”

At tila nag-agree na lang si Carl, “Oo, yun..”

Demai: "Ang wholesome naman ng asset nyo."

Kath: "Wala na bang ibang part? Baka meron hindi pa naming nakikita?"

Nagkaroon na ng hiyawan at tilian sa loob ng set.

Demai: "Take it off daw…"

Kath: "Kasi, usually, dito sa PEP it’s either may special talent or may...

Demai: "Special asset na pinapakita sa mga PEPsters…"

Steven: "E, kumanta ako, so, si Carl na lang."

Demai: "Siyempre, di ba? Ano naman yung point ng pagwo-workout at diet kung hindi pinapakita."

Kath: "Kanina nabanggit nyo always ready."

Demai and Kath: "Take it off!!!"

Pero mukhang nahiya ang dalawa kaya nagsayaw na lang ito ng “Gentleman” ni PSY.

Watch Steven Silva and Carl Guevarra’s interview on PEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN