Vice Ganda nixes MTRCB "comedy academy" proposal: "Ayoko pong magturo, mas gusto ko pong matuto kaysa magturo."

Hindi kumpiyansa si Vice Ganda na kaya niyang simulan at pamahalaan ang isang "comedy academy" na gaya ng iminungkahi ng Movies and Television Review and Classifications Board (MTRCB) chairman na si Atty. Toto Villareal.


Dumalaw at nagpamigay ng mga school supplies si Vice Ganda sa halos 900 mag-aaral ng Barangay Obrero Elementary School noong Lunes, June 10.

Sa nabanggit na paaralan nagtapos ng elementarya ang sikat na komedyante.

Ayon kay Vice, nais niyang makatulong at mapasalamatan ang paaralang pinagmulan ng lahat ng kanyang mga natutunan.

Kuwento niya, “Matagal na kasi nila akong iniimbitahan dito…dito kasi ako nagtapos ng elementary.

“Marami dito, nabuo ang mga pangarap ko.

“Ang saya lang, kasi ang simpleng buhay ko, dito nagsimula.”



TRAINING GROUND. Sa paaralang ito rin daw nahubog ang talentong meron siya ngayon.

“Ang mga talento na nagagamit ko ngayon, dito ko nalinang yun. Dito ko naipakita.

“Dati kasi, sobrang active ako dito. Ang dating contest na pinagsalihan ko, sinali ako ng mga teacher ko.

“Mula sa pagkanta, mula sa declamation, hanggang sa jingle-making contest.

“Lahat, sali ako nang sali. Kaya yung mga talent na nagagamit ko ngayon, dito nahasa, e… Sa eskuwelahan natin.

“Noong bumalik ako, ang dating magagandang memories, ang sayang balikan.

“Kasi ang laki ng improvement ng school, maganda ang eskuwelahan na ito.

“Public school siya, pero maganda ang standard, marami siyang mahuhusay na estudyante.

“Ayokong basta dumalaw lang, kaya noong pinapunta nila ako dito, nagkaroon na ako ng idea na magbigay ng school supplies since nagsisimula pa lang ang mga klase.



REGULAR AFFAIR. Tinanong ng Cinema News at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kung taun-taon na ba niya gagawin ang ganitong activity.

“Ayoko namang ipangako na taun-taon, kasi baka hindi ko naman ma-fulfill, nakakahiya naman, paasahin ko lang sila.

“Basta hangga’t kaya ko, hangga’t may pagkakataon e gagawin ko.”

Kapansin-pansin din na hindi lang ordinaryong estudyante ang nag-aaral dito kundi mga special children din.

“Kasi nasa special education din kami noong grade school…accelerated kasi ako.

“Kaya yung mga kaklase namin, iilan lang kami pero nasa special education kami, kasama namin yung mga special kids din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda. Hindi lang mga pangkaraniwanag estudyante, mayroon ding mga special.”



NEW MOVIE. Sisimulan na ring gawin ni Vice ang isang pelikula na ididirehe ni Wenn Deramas.

Kumpirma niya, “Bukod sa Showtime and GGV [Gandang Gabi Vice] mayroon akong tour. ’Tapos, ang Showtime pupunta rin ng Hawaii.

“Gagawa uli ako ng pelikula, tuloy na yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

“Tuloy na tuloy naman yun, naantala lang. Pero ngayon, matutuloy na, kaya excited kami pareho.”

Makakasama ni Vice sa pelikulang ito ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Kinumpirma naman kamakailan ng website na Box Office Mojo na ang pelikulang It takes A Man And A Woman ang “Highest Grossing Filipino Film of All Time.”

Kumita ito ng P401 million local revenue at nahigitan na ang kinita ng Sisterakas na P394.1 million.

(READ: Sarah Geronimo overwhelmed by record set by It Takes A Man And A Woman as the highest-grossing Filipino film of all-time)

“Narinig ko rin yun. Nag-meeting kami noong isang araw ni Direk Wenn, ‘Ay Direk Wenn, nakabog na pala yung Sisterakas.’

“Hindi pa naman daw nakakabog, pero kung makakabog man, di naman nakakapagtaka.

“Ang ganda ng pelikulang yun [It Takes A Man And A Woman], saka Sarah and John Lloyd yun.”

Para kay Vice, ito ay patunay na kumikita na talaga ngayon ang Pelikulang Pilipino.

“Mas maganda yung lahat kami kumikita, lahat kami nagsa-succeed.

“Mas maganda yung mas maraming nagtatagumpay, mas maraming biyaya, mas maraming nase-share sa bawat isa.”



COMEDY ACADEMY. Naging issue kamakailan ang pagbibiro ni Vice sa nakaraang show niya sa Smart-Araneta Coliseum, kay GMA-7 News & Public Affairs Vice President for News na si Jessica Soho.

Humingi na ng paumanhin si Vice at in-acknowledge naman ni Ms. Soho ang paghingi ng tawad na ito ng baklang komedyante.

(READ: Jessica Soho acknowledges Vice Ganda’s apology)

Dahil din dito, nagkaroon ng meeting si Vice at ang ilang top executives ng ABS-CBN kasama ang Movie and Television Review and Classifications Board (MTRCB) Chairman na si Atty. Toto Villareal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iminungkahi ng MTRCB na magtatag ng isang "Comedy Academy" para sa responsableng pagpapatawa.

Kuwento ni Vice, “Oo, parang responsible comedy. Sabi nga niya [Atty. Villareal] sa akin, ‘Bakit di ka magtayo ng school? Simulan mo.’

“Sabi ko, ’Ay, parang di ko naman po kaya.’ Sabi niya, ‘Magtulungan tayo.’

“Sabi niya kasi, wala raw yung school for comedy sa Pilipinas.

“‘So, simulan mo na. Tutal isa ka rin naman, bata ka pa, pero kino-consider ka na icon sa comedy.

“’Simulan mo na, marami ka namang makakatulong diyan, e.’

“Sabi ko nga, ‘Ayoko pong magturo, mas gusto ko pong matuto kaysa magturo. Gusto kong makinig.’

“Ewan ko lang, ha? Mas maraming may mas alam sa akin pagdating sa ganyan.

“Siguro, kailangan ko pang humingi ng tulong.”

Sa ngayon ay payapa at tahimik na ang isyu sa kanila ni Ms. Soho.

Kinumusta ng PEP si Vice tungkol dito.

“Masaya, kasi tapos na. Mag-move on na tayo."

Sabi pa ni Vice, ang ginagawa niyang ngayong pagtulong sa dati niyang eskuwelahan ang isa sa mga paraan ng pag-move on niya mula sa pinanggalingang kontrobersiyal na isyu.

“Isa ito sa paraan ng pag-move on at makabuluhang bagay na dapat nating pag-aksayahan ng panahon natin.

“Araw-araw, maganda ang araw, kaya dapat gamitin natin ang bawat araw sa magagandang mga bagay, katulad nito.

“Mayroon at mayroon naman tayong mao-offend.

“Ang importante, we learn from our mistakes, we move on and we bring the learning sa sarili natin.”



SHARING. Inamin din ni Vice na natagpuan na niya ang tunay na kasiyahan sa buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng blessings niya sa ibang tao.

Sabi niya, “Alam mo, sobrang saya ko ngayon kaya ko ito ginagawa.

“Kasi, nakakakuha ako ng ibang klaseng kasiyahan sa mga bagay na ito, e.

“Noong nagkaroon ako ng depression sa mga nakalipas na araw, mas marami akong na-appreciate…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas na-realize ko na mas maraming masasayang bagay na makukuha sa mga simpleng bagay na puwede mong gawin.

“Bukod sa pagpapatawa, puwede rin akong makapagpasaya ng tao sa ibang paraan katulad nito.

“Sabi ko nga, I’m so blessed, I realize that after all these things na nangyari sa akin, I’m so blessed…

“And kasama sa pagiging blessed ko ay maging blessing din ako sa ibang tao.

“I have a purpose and I have the purpose to serve and be a blessing to other people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN