Ruffa Gutierrez to study International Political Economy in King’s London College for one summer

Excited si Ruffa Gutierrez dahil balik-eskuwela siya ulit kahit for one summer lang.


Exited na inanunsiyo ni Ruffa Gutierrez na mag-aaral siya sa London for one summer.

Sa kanyang instagram account na @iloveruffag kagabi, June 13, ipinost ni Ruffa ang isang screenshot kung saan nakalagay dito ang kanyang pagkatanggap sa King’s London College.

Sabi niya sa caption, “Will make London my classroom this summer! King’s Summer School here I come! #maturestudent #londonlife #backtoschool #myfuture #newendeavors”

Matapos nito, sunud-sunod ang post ni Ruffa sa kanyang Twitter account kung gaano siya ka-excited sa kanyang nakatakdang pag-aaral sa Europe.

Aniya, “To study abroad has always been a dream. I’ve always valued education and have this thirst for knowledge. Finally...the time is right!”

Kasunod pa niyang tweet, “I found a course i would like to immerse myself in. I will be studying International Political Economy, under Business & Management. #Kings”

Ang King’s London College ayon sa website nito ay "third-oldest university" sa England. Ang founder nito ay si King George IV at ng duke ng Wellington noong 1829.

Ayon pa sa tweet ng dating beauty queen, “Why King’s College? I want to study in an elite university with a global reputation of academic excellence. #top30universities.”

Excited daw si Ruffa na maging estudyante ulit kahit sa maikling panahon lang, “I’m also super excited! It’s only for the summer. I’ll be back soon.”

Samantala, sa June 24 i-celebrate ni Ruffa ang kanyang 38th birthday at ngayong araw, June 14, nakatakda siyang magkaroon ng special birthday celebration kasama ang mga babaeng biktima ng domestic violence. Isa si Ruffa sa mga aktibo sa naturang advocacy para sa kababaihan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN