Part 1: Christian Bautista says no such thing as “superstar” when it comes to auditions: “Ilagay ka dito [sa show], hindi ka bagay, hindi magwo-work kahit superstar ka.”

Christian Bautista understands the need for an audition. The singer-actor even admits, “Alam mo, dati nung ma-pride ako, hindi ako pumapayag. Pero ngayon, parang naiintindihan ko kung bakit. Kasi para sa show ito, e… Dapat mag-work.”


Nagkaroon daw agad ng “connection” si Christian Bautista sa kanyang With A Smile co-stars na sina Andrea Torres at Mikael Daez, kahit na noong audition pa lang.

“Ayun… Kasi yung first audition namin, parang ‘connect’ agad kami ni Andrea. May chemistry agad. Pati kay Mikael, may connect agad. Parang, ‘Hey!’

“Kahit bago ako. Aminado naman bago ako dito, e,” umpisang pahayag ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pinakauna niyang soap opera sa GMA-7.

Kahit na matagal na sa industriya’t may acting experience na rin sa TV at sa entablado, dumaan pa rin sa audition si Christian para sa kanyang role.

Kuwento ng dating Kapamilya singer-actor, kinabahan nga raw siya nung audition.

“Every audition, nakakakaba ‘yan.”

Bakit naman siya kinabahan sa audition? Ano ba ang ginawa niya?

“Umarte,” sabay-tawa ni Christian. “Umarte in front of the camera, binigyan kami ng scenes, ganun.”

Hindi ba part na ng contract niya sa GMA-7 na sa kanya talaga ang With A Smile?

Kung gayon, bakit kinailangan pa niyang mag-audition?

“Ano po yun, it’s part of the deal, pero an audition is not just to get the role… Kung bagay ka ba. Bagay ka ba sa soap na ito, o hindi ka bagay diyan!”

UNDERSTANDING THE NEED FOR AUDITION. Aminado si Christian na kung tutuusin, hindi na siya dapat dumaan sa audition, dahil bukod sa matagal na siya sa industriya, kasama naman talaga sa pinirmahan niyang kontrata ang gumawa ng show.

Pero naiintindihan niya raw ang dahilan ng audition process.

“Alam mo, dati nung ma-pride ako, hindi ako pumapayag. Pero ngayon, parang naiintindihan ko kung bakit.

“Kasi para sa show ito, e. So, kahit sikat ka, superstar ka, ilagay ka dito [sa show], hindi ka bagay, hindi magwo-work kahit superstar ka.

“Dapat mag-work.

“Kahit hindi ka superstar, pero magwu-work kayo, sikat yung show ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala ng marami, na-conceptualize at nabuo ang With A Smile para mismo kay Christian at kina Mikael at Andrea.

So, kung hindi siya nakapasa ay puwede palang napunta sa iba ang role na Aston?

“Hindi, hindi. It doesn’t mean like that.”

Audition ba o test shoot ang ipinagawa sa kanila?

“Audition-testshoot.

“Ganito ‘yan…merong programa, ito halimbawa, With A Smile. Merong tao, sikat. Merong hindi sikat pero isa lang dun ang babagay dito.

“So, halimbawa sikat ka, pero hindi ka bagay dito, sa ‘itsura, sa boses, sa chemistry, hindi ka nila ipapasok.

“Pero halimbawa hindi ka sikat, ipapasok ka dito, pero sakto ka sa istorya, sakto ka sa relationship…”

Sino pa ang ibang nag-audition?

“I can’t say. Medyo nakakahiya naman. pero meron, oo.

“Pero sumakto kami. So, okay, fit pala.”

WHY NOT PRIMETIME? Kaya masaya si Christian kahit hindi primetime ang slot ng With A Smile.

“Dati parang tanong din sa akin, ‘Bakit hindi ka pumayag ng primetime?’ Parang, ‘Dapat primetime ka, lumipat ka dito.’

“’Tapos parang ngayon, parang, ‘Teka muna, parang ayoko munang mag-primetime, kakapasok ko pa lang dito.’

“So, ano din ba yung istorya? Ano yung values? Ano yung character?

“Iyon din, e. So, parang kung puwede lang, ‘Sige pasok ako sa Indio! Indio agad yun, di ba?

“Pero ito, nagsisimula kami sa umaga, maganda yung istorya. Si Direk Louie [Ignacio, With A Smile director], nagbabalik, ‘tapos nagkonek agad kami nina Andrea at Mikael. Yung positive values—wham! Sakto!”

At nang nalaman niya na nakapasa siya sa audition.

“Wow! Puwede pala ako, posible pala, meron pala. So, iyon…natuwa ako.”

TRANSITION. Ang huling serye na kunsaan isa si Christian sa mga bida ay nung nasa ABS-CBN pa siya, ang Kampanerang Kuba.

“Pero ang last acting ko is Princess and I. Semi-regular ako.”

Nakakadama pa rin ba siya ng kaba sa pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron, meron pa rin. Kasi nga hindi ko alam kung gusto ako ng tao as an actor, e. Kung mata-transition nila iyon, e. Meron kasi nagagawa nila successfully, merong hindi.

“So, sana magustuhan nila. Kasi kung hindi nila magustuhan, kahit gaano kong i-try, ‘pag hindi ma-accept, then I have to move on.

“I have to just concentrate on my strengths. So, it’s like a test for me also. If ma-appreciate ako ng tao sa acting ko dito, then ipagpapatuloy ko. ‘Pag hindi, kakanta na lang ako,” sabay-tawa ni Christian.

Bukod sa mga bidang sina Christian, Andrea, at Mikael, nasa With A Smile din sina Gilleth Sandico bilang si Verci, Soliman Cruz bilang si Tom, Marnie Lapus as Nanay Lena, Vince de Jesus bilang Teh, Shelley Hipolito bilang Sahsah, Jack Roberto bilang Penpen, Miggs Cuaderno bilang Budot, Bryan Benedict as Athan, RJ Padilla bilang Onyx, Kimpoy Feliciano bilang Coco, at si Mikoy Morales bilang Mikmik.

Mapapanood ito simula sa June 24, Lunes hanggang Biyernes ng umaga bago ang Unexpected You sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN