Pancho Magno on playing gay roles: “Parang mahirap pero gusto kong i-try.”

by Rose Garcia
Jun 14, 2013
Paano kung ang gay role na gagampanan niya ay sa isang pelikulang mala-Brokeback Mountain? Sagot ni Pancho Magno: “Well, honestly, doon nga raw lumalabas yung pagiging aktor.”

Sa My Husband’s Lover, may pagka-homophobic din daw ang karakter na ginagampanan ni Pancho Magno.

May gusto raw kasi siya rito sa karakter ni Carla Abellana, pero, mas pinili nga ni Carla si Tom Rodriguez na alam naman natin ngayon na isang bakla sa bagong primetime series na ito ng Kapuso network.

Kuwento ni Pancho, “Parang homophobic, kasi galit ako. Ako yung nagkakagusto sa kanya, pero, mas pinili niya sa iba, doon sa iba. Na alam ko na bading naman.

“Pero sa ngayon, hindi pa pumapasok ang character ko, baka sa week-three pa po.”

Kung bibigyan siya ng pagkakataon, mas gugustuhin ba niya sa karakter na niya ngayon na supporting pero lalaki talaga, o alinman sa mga karakter nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez?

“Honestly, maganda yung role ni Tom. Si Dennis naman, straight na gay talaga. Si Tom kasi, bisexual siya. Parang mas maganda yung role ni Tom. Pero yung hitsura ko kasi, parang mahirap. Pati sa boses ko,” sabi niya.

Nai-imagine niya ba ang sarili niya sa isang gay role?

“Parang mahirap, pero, gusto kong i-try.

“Yun naman talaga ang mga character na nakaka-challenge, pulis, bulag, bading…”

BEFRIENDING GAYS. Sa totong buhay, wala pa naman bang pangyayari na naiugnay siya sa bading?

“Bosconian ako, e. Binabarkada namin sila. Hindi ako homophobic, e. Barkada namin. Sila yung, ‘Ipakilala mo kami sa ganun [girls].’”

Sa all-boys school na Don Bosco Mandaluyong nag-high school si Pancho.

At sinasabing kapag all-boys school, hindi maiiwasang mayroon talagang nahahalong mga miyembro ng third sex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nga raw. Pero, siguro, lumaki lang ako na ganoon talaga.”

Pag-amin naman niya, meron daw mga nagti-text sa kanya. Pero, tinatawanan lang naman daw niya.

“Hindi kasi ako naging homophobic. Naging friends ko rin sila. Pinapagawan ko ng assignments.”

Natawa ito sabay sabi ng, “Biro lang.”

GAY WITH AMNESIA. Kung sakali, mabigyan siya ng indie film na bading siya, may kissing scene sa kapwa niya actor, gagawin niya?

“Gusto kong ma-try,” pag-amin niya.

“Gusto ko siyempre. Pero, sa ngayon, hindi ko pa masasabi.”

Dugtong pa niya, “Depende rin siguro sa script. Puwedeng may amnesia pala ‘ko. Comedy siguro.”

Paano kung hindi comedy, kundi yung drama na mala-Brokeback Mountain?

Ang Brokeback Mountain ay ang 2005 movie nina Jake Gyllenhaal at ng yumaong si Heath Ledger tungkol sa sikretong relasyon ng dalawang cowboy.

Naging kontrobersiyal at pinag-usapan ang pelikulang ito ni Ang Lee dahil sa ganda ng istorya, ganda cinematography, at sa mga eksenang romantiko ng dalawang lead actors.

“Well, honestly, doon nga raw lumalabas yung pagiging aktor. Even si Johnny Depp, nag-bading.”

Gumanap na bading ang Hollywood actor na si Johnny Depp sa 2000 film na Before Night Falls.

STILL NERVOUS, STILL LEARNING. Naranasan na rin ni Pancho na maging leading man sa Magdalena. Pero, wala raw problema sa kanya kahit support siya ngayon sa My Husband’s Lover.

Sabi nga ni Pancho, “Yung first ko pa lang, sa Amaya, parang may power. Yung ganoon. Basta ako, nag-e-enjoy ako palagi. Sa totoo lang po, dati, nahihiya ako sa Amaya.

“One line, nahihiya ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ngayon, marami nang lines. ‘Tapos, nakakabisado ko.

“Imagine nyo, one line, kinakabahan ako. Parang surreal noong una. Siyempre, sa workshop, ka-close mo ang mga kaano mo. Hindi ka ganoon nahihiya.

“Pero sa set, siyempre, hindi ka puwedeng magkamali.

“Kahit naman po sila, tinatanong ko, sina Dion [Ignacio], sina Sheena [Halili], kinakabahan pa rin sila. Maganda rin naman po yun. Pero dapat, yung kaba mo, gamitin mo in a positive way.”

Kinakabahan pa rin ba siya?

“Opo naman, palagi pa rin akong nagpapaturo.”

Biro naman kay Pancho, meron na nga siyang Bench billboard na naka-brief lang, nahihiya pa rin siya?

“Yun, medyo ano po talaga, dream ko po yun na mag-Bench model.”

DOESN’T WANT TO DISAPPOINT MOMMY. Malaking bagay raw siguro na ang nanay niya, ang GMA-7 Vice President for Drama na si Redgie Magno ay nasa trabaho niya kaya nakakaramdam pa rin siya ng kaba sa pag-arte.

May pressure ba sa kanya ang ina, tulad halimbawa na huwag niya itong ipapahiya?

“Hindi, hindi naman.”

Sabi pa niya, “Sinasabi naman po niya kung ano ang kailangan ng tao. Sa scene sa TV, minsan nanonood siya, sinasabihan niya ‘ko. Sa lahat naman din. Ang alam ko, sa lahat naman ng artista.”

At dahil nasa mataas na posisyon sa Kapuso network ang ina, tanggap din daw ni Pancho na may mga nag-iisip na “malakas” siya sa istasyon.

Hindi naman niya pinapansin ang pag-iisip na ganito ng ibang tao. Mas naaapektuhan daw siya at aminadong nape-pressure sa expectations ng mga tao sa kanyang mga gawi at pag-uugali dahil nga sa posisyon ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo, siyempre. Ayoko rin na sabihin na…siyempre, sobrang hypocrite na sasabihing walang advantage. Lahat din naman po ng industry, kahit sa sports, politics, may political dynasty.

“Pero, ang disadvantage, kapag nagkamali ka, hindi ko lang pangalan siyempre… Pati pangalan ng mommy ko.

“Okey lang siyempre, kung ako lang, e. Madadamay si Mommy.”

Hindi na siya naapektuhan sa iniisip ng ibang tao sa kanya?

“Opo. E, si Mommy, ilang taon na. Naturuan na rin niya ako na, ‘Huwag mo nang isipin yun.’

“At saka, ipinapakita ko na rin po na, wala naman po sa aking reklamo sa set. At saka, baby pa lang po, inaalagaan na nila ‘ko.

“Nag-e-enjoy rin po ako kapag pumupunta sa set. Yung mga E.P. namin, A.P… sila rin ang nag-aalaga sa akin noong baby ako.

“Nahihiya rin ako na, baka sabihin, ‘Ikaw, Pancho, ha. Porke’t baby ka naming...’

“At saka, siyempre, si Mommy rin, gugulpuhin ako nun ‘pag nalaman…” ang may makarating sa mommy niya na balitang nag-iinarte siya o may ginagawa siyang hindi maganda sa trabaho, ang ibig niyang tukuyin.

MEETING MAX. Sa lovelife, wala pa rin daw siyang girlfriend. Kung lumalabas man daw siya, minsan daw, mga kaklase niya dati ang nakakasama niya.

Wala pa rin siyang natitipuhan?

“Si Max [Collins], siya pa rin,” nakangiti niyang pag-amin.

Noon pa niya nababanggit ang kapwa Kapuso star na si Max. Nagkita o nagkakilala na ba silang dalawa?

“Yes, sobrang down-to-earth niya.”

Bakit hindi pa rin niya ito nililigawan?

“Wala pa, e. Wala pa ‘kong planong manligaw.”

Pero, si Max ba ang talagang type niya?

“Oo,” pag-amin uli niya.

Kailan niya naman ito planong ligawan?

“Siguro, kapag nandiyan na,” nakangiti namang tugon ni Pancho.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paano kung ang gay role na gagampanan niya ay sa isang pelikulang mala-Brokeback Mountain? Sagot ni Pancho Magno: “Well, honestly, doon nga raw lumalabas yung pagiging aktor.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results