Lovi Poe on Jake Cuenca: “We’re really good friends pero hindi pa relationship. Hindi ko alam kung nanliligaw siya.”

Lovi on unconfirmed relationship status with Jake Cuenca (right): “Sobrang mabait si Jake and very sweet. Actually, I really don’t know. So many things have happened to me in the past years. It’s just ayoko muna siyang bigyan ng panahon. It’s just we’re both busy.”


Napapangiti na lang si Lovi Poe kapag nababanggit ang mga achievements niya sa kanyang career.

Sa loob ng pitong taon niyang pagiging aktres ay tatlong Best Actress at dalawang Best Supporting Actress awards na ang kanyang natanggap.

Sabi nga ng Kapuso actress, “I’m just so blessed na I’m having these good projects. Suwerte lang po talaga.

“Salamat talaga sa blessings na ito,” pag-amin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

LIVING UP TO THE FAMILY’S LEGACY. Dahil siya’y kabilang sa showbiz royalty ay hindi maipagkakaila na malaking obligasyon para sa kanya ang makilala bilang isang miyembro ng respetado at batikang pamilya Poe.

Mahirap ba yun para sa kanya?

Tugon ng sexy actress, “Mahirap. But there’s always the negative and positive thing naman when it comes sa apelyido ko.

“Pero, ever since naman ay pinalaki ako ng Mom ko na hindi itinatak sa puso ko who my Dad is. Pero, I know who he is kahit nung hindi ko pa siya nami-meet.

“I tried not to put it in my head. Kasi, the more na iniisip mo, the more na merong pressure.”

Marami nga ang nagtatanong kung kumusta naman ang kanyang relasyon sa half-brother at half-sister niya na sina Senator Grace at Ronian Poe.

Mabilis niyang sabi, “Super-okay po. Lalung-lalo na kay Ate Grace and Kuya Ronian— everyone.

“They’ve been so nice to me. They’ve been sincere and are supportive of me especially in this situation that I am in.

“Parang I’m very thankful naman kasi ever since naman ay hindi nila ako pinahirapan.”

SEXY IMAGE. Aside from being an award-winning actress, isa rin siya sa kinikilalang sexiest actresses in local showbiz.

Hindi ba siya nahihirapan sa ganitong image?

“As a person, yes, kasi they would think na I’m really daring in real life,” paliwanag ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe the way I dress, maybe like it’s provocative but the truth is I’m very shy,” pag-amin niya.

Paano raw kung may crush siya sa guy?

Nangingiting sambit niya, “Nagba-blush ako. Kapag hindi ko siya pinapansin, crush ko siya.

“Alam mo yun?

“Ay hindi, dapat siya muna ang mag-text. Ganun talaga ako.

“I really don’t know how to handle my emotions pagdating sa ganyan,” dagdag pa hiya.

ON JAKE CUENCA. Pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa kanila ni Jake Cuenca.

Ano ba talaga ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa?

Ani Lovi, “ We’re really good friends pero hindi pa relationship. Hindi ko alam kung nanliligaw siya.

“Sobrang mabait si Jake and very sweet.”

Inamin naman ni Jake na in love siya kay Lovi pero siya rin mismo ang nagsabi na wala pa silang relasyon.

Napaka-intense din ng binatang aktor kapag nai-in love.

Muli siyang nangiti nang sabihin na, “Nagulat nga ako. I’m flattered na sinabi n’ya yun.

“Actually, I really don’t know. So many things have happened to me in the past years. I don’t consider it as a jinx [yung nangyari sa kanila ni Congressman Ronald Singson].

“It’s just ayoko muna siyang bigyan ng panahon. It’s just we’re both busy.”

Bagay naman daw silang dalawa at parehong kinikilig-kilig sa isa’t isa kapag nababanggit ang pangalan nila.

Ngiti lang ang naging sagot dito ni Lovi bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN