Dion Ignacio advises newbie actors: “Huwag tayong masyadong magmadali kasi baka mas walang mangyari kung sa mabilisan mong makuha ang isang bagay.”

Dion on the virtue of patience: “Nine years na nga ako rito sa GMA-7 at masasabi ko naman na naging maayos naman ang lahat. Never akong nagrereklamo at kahit na anong role na ibigay naman nila sa akin, ginagawa ko. Hindi naman tayo nagiging mapili. Sino ba naman ako, di ba? I consider myself lucky na nabibigyan tayo ng work taun-taon. Matagal lang ang paghihintay pero sulit naman. Naghintay na rin lang ako ng matagal, siguro maganda ang reward sa pagiging loyal ko.”&


Masaya ang Kapuso leading man na si Dion Ignacio na nabigyan na rin siya ng guaranteed TV network contract.

Masasabing ito’y bunga ng kanyang pagiging loyal sa GMA-7 mula noong 2004 kung kailan naging contestant siya sa first season ng Starstruck.

Ibig sabihin nito ay sigurado na meron siyang magkakasunod na trabaho sa Kapuso network.

Kahit matagal na naghintay, hindi nawalan ng pag-asa si Dion dahil alam niya na balang-araw ay may magandang kapalit ang kanyang pagtitiyaga.

“Nine years na nga ako rito sa GMA-7 at masasabi ko naman na naging maayos naman ang lahat.

“Never akong nagrereklamo at kahit na anong role na ibigay naman nila sa akin, ginagawa ko.

“Hindi naman tayo nagiging mapili. Sino ba naman ako, di ba? Artista lang nila ako at lagi akong nagpapasalamat tuwing may project sila para sa akin.

“I consider myself lucky na nabibigyan tayo ng work taun-taon. Matagal lang ang paghihintay pero sulit naman.

“Naghintay na rin lang ako ng matagal, siguro maganda ang reward sa pagiging loyal ko.

“Kaya noong bigyan na nila ako ng guaranteed network contract, laking tuwa ko kasi ito na yung reward sa pagiging matiyaga natin sa mahabang panahon,” panimulang bungad ni Dion nang makakuwentuhan niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

Kaya nga sa afternoon drama series na Maghihintay Pa Rin ay nabigyan siya ng leading man role kunsaan partner pa niya si Bianca King. Makakaagaw niya rito kay Bianca si Rafael Rosell.

BIGGEST BREAK. Maku-consider nga ni Dion na biggest break niya itong Maghihintay Pa Rin bilang leading man.

Naging leading man naman na si Dion noon nila Yasmien Kurdi (Saan Darating Ang Umaga?), Kylie Padilla (The Good Daughter) at Bela Padilla (Magdalena).

“Yung mga nakaraang nagawa ko, mas naka-focus kasi ang mga stories na iyon sa mga bidang babae. Ngayon, focus sa lover story namin ni Bianca at sa isa pang minahal niya na si Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masasabi ko na biggest break ito for me at nagpapasalamat ako sa pagbigay sa akin nito. It’s worth the long wait.

“Bagay na bagay nga sa atin yung title—Maghihintay Pa Rin. Worth it ang matagal na paghintay natin sa magandang break na ito,” ngiti pa niya.

Dahil nga sa magandang break na ito kay Dion, mas pinagbubuti pa ng aktor ang kanyang performance.

Inamin nga ni Dion na noon ay hindi niya masyadong sineseryoso ang mga roles na binibigay sa kanya.

“Noon kasi, kung hindi tayo best friend ng bida, kontrabida naman ako ng bida or barkada ako ng makakalaban ng bida.

“Pero noong bigyan nga ako ng medyo magagandang roles na, doon na ako naging serious. Lalo na noong gawin ko ang Magdalena, doon ako talaga nagpakita na seryoso na ako sa acting.

“Kapag binabasa ko nga ang script ng Maghihintay Pa Rin, iniisip ko na ang magiging eksena at yung gagawin kong pag-arte.

“Malaki na talaga nabago sa akin at sana nga ay tuluy-tuloy ang mga magagandang roles na binibigay nila sa akin.

“Para lagi tayong inspired sa trabaho natin,” diin niya.

ADVICE FOR THE YOUNG AND RESTLESS. Dahil patunay nga si Dion na ang may tigayang maghintay ay may magandang napapala, meron kaya siyang maipapayo sa ilang mga tulad niyang artista na masyadong nagmamadali at gusto agad na magbida?

“Siguro ang maipapayo ko lang, sana habaan pa nila ang pisi nila.

“Tulad ko, matagal ang pinaghintay ko— nine years din iyon. Matagal pero alam mong may magandang mangyayari balang-araw.

“Hinahanda ka lang at kapag tama na ang panahon, doon na darating ang magandang suwerte.

“Huwag tayong masyadong magmadali kasi baka mas walang mangyari kung sa mabilisan mong makuha ang isang bagay.

“Mas masarap at mas bibigyan mo ng halaga ang isang bagay na nakuha mo dahil sa tiyaga ng paghihintay,” makabuluhang pangwakas ni Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN