Christian Bautista on positive turnout of Sunday All Stars pilot episode: “Pero ang pinaka-importanteng goal namin ngayon is… ang musikang Pilipino, kayang ipanlaban.”

Christian on the competitive element in Sunday All Stars: “Happy ako sa naging result. I’m very, very happy. Kumbaga, win or lose. Kasi para naman sa mga Kapuso ito, e. At saka it’s not about the competition. It’s giving your best for the network and for the viewers. And that’s what it’s all about.”


Pawisan at humihingal pa si Christian Bautista nang magpaunlak ng interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng production number ng kanilang grupo sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Sunday, June 16.

Napagod man siya ay kapansin-pansin na mataas pa rin ang kanyang energy level.

Sa ginawang song and dance number ng kanyang team, talagang lahat ng miyembro nito ay bigay na bigay. Kumbaga, na-stretch nang husto ang kanilang muscles at buto.

“Yes!” nangiting pagsang-ayon ni Christian na nagsilbing team leader ng group nila. “That’s all we wanna do.

“Lahat dapat magsa-shine. Lahat tulungan dapat. Lahat fair.

“Pero ang pinaka-importanteng goal namin ngayon is… ang musikang Pilipino, kayang ipanlaban. OPM lahat ang kinanta naming kanina. At ’yon ang force na ginamit namin.”

Nasorpresa nga ang marami dahil first time na nag-rap ni Christian sa nabanggit na production number. At nagawa naman niya ito nang buong husay.

“Yun nga, e. And it’s fun!” sabay ngiti niya.

“Talagang… ang saya!

“Everyone naman did their best. Talagang tulungan. I’m so happy.”

Being the team leader, talagang discipline daw ang in-emphasize niya sa mga ka-grupo.

“Itinuro sa akin ni Direk Freddie Santos ’yon, e. That’s one of the reasons na talagang… yung teatro na itinuro sa akin na… you know, you have to be professional.

“So… iyon ang ginawa namin.”

Ang team kung saan leader si Jennyln Mercado ang siyang nanalo sa kanilang pilot episode. Pero happy pa rin daw si Christian sa kinalabasan ng kanilang performance.

“Happy ako sa naging result. I’m very, very happy. Kumbaga, win or lose. Kasi para naman sa mga Kapuso ito, e.

“At saka it’s not about the competition. It’s giving your best for the network and for the viewers. And that’s what it’s all about,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WITH A SMILE. Bukod sa SAS, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Christian ngayon ay ang taping para sa bagong afternoon series ng GMA na With A Smile, kung saan co-stars niya sina Andrea Torres at Mikael Daez.

“It’s starting to air on the 24th... June 24.”

Masaya naman daw siya sa first soap niyang ito sa Kapuso Network.

“Naka-three weeks na kami ng taping. And lalabas na nga siya sa 24th. So, sana magustuhan ng mga tao,” panalangin niya.

Kumusta naman ang muli niyang pagsabak sa acting after a long time?

“Medyo nakaka-nerbiyos. Kasi first nga ulit in a long time.

“Pero… I’m feeling it.

“The cast is wonderful.

“Direk Louie Ignacio is wonderful,” saad ng binata.

LOOKING GOOD. Marami ang nakakapansin na mas gumuwapo siya at tila mas sexy ang kanyang dating ngayon.

May plano ba siya na medyo maging sexy din ang kanyang image at this point?

“Sabi daw?” balik-tanong niya.

“Yung sexy image, I did that already before with my Gold’s Gym and Bench endorsements. And okay lang naman if ever maulit ’yon.”

Nangiti si Christian nang kumustahin ang kasalukuyang estado ng kanyang lovelife.

“Okay naman,” matipid niyang sagot.

Si Carla Dunareanu pa rin ba ang karelasyon niya?

“Actually right now, I don’t want to talk about it,” nangingiting pag-iwas na lang ni Christian bilang pagtatapos sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN